1200 HOURS CHALLENGE
WRITTEN BY:GUNROYSKI》》》》》》DAY 3《《《《《《
*6:00am*CRISTELL'S POINT OF VIEW
(Yes readers, same time po ito noong chapter 4 kaso lang pov ito ni Cristell sa mga panahon ring iyon.)
"Talaga bes, naku naku, sinasabi ko na nga na darating din ang araw na mahuhulog karin sa kaniya." Actually hindi pa ako nahuhulog sa kaniya nu and never. Kung alam mo lang nakating kati na akong sabihin sayo na game lang ito at napilitan lamang ako.
"Hayyyss hindi ko nga ma ipaliwanag itong aking damdamin." Kailangan ko pang mag acting dahil alam kung nagdududa rin siya.
"Nakakagulat nga eh. Parang kailan lang nang didiri ka pa sa kaniya. Naku pag-ibig nga naman." Kita niyo na, nagulat nga siya, naku kung hindi lang ako maganda chos, kung hindi lang ako magaling sa pag acting, baka lagot na ako ngayon.
"Eh di ba sabi mo e rerefer mo pa ako sa kan_______."
"Shut up young girl." Hindi ko na siya pinatapos, naku hahadlang pa siya sa mga plano ko eh. Subukan niya lang talaga naku naku.
"Kalma lang. I'm just kidding. Pero dapat sagutin mo na nga siya mamaya."
Yes of course mamaya ko na sasabihin sa kaniya no."Yeah." Yun lang ang naisagot ko sa kaniya.
"So pupunta ka mamaya sa libing ng kapatid niya." Oo nga pala, naikwento sa akin kagabi ni George na namatay daw ang kapatid niya at ngayon ang libing.
《《《《FLASHBACK《《《《
Bumalik naman kami ulit dito sa bench at naupo pagkatapos namin mag-ikot, grabe nakakapagod ha, pero infairness, masaya rin siyang kasama. Ano sabi mo Cristell? Ikaw baw yan? Hindi ka na cri-cringe?
Hindi kami nagkaimikan ngayon kaya nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Patuloy lang ako sa pagkain nitong pocorn habang siya naman ay nakatulala lamang.
"Is there any problem?" Pagbasag ko sa katahimikan. Halata naman na parang problemadong problemado siya.
"Hmmm, nothing." Sabi niya at sabay ngiti sa akin. Pero hindi yun yung ngiting palagi niyang pinapakita sa akin, parang iba talaga. Kita ko rin yung lungkot sa kaniyang mata. Ay shit, nalungkot pa yata siya na naging mabait na ako sa kaniya eh.
"You can't hide it. I see sorrow in your eyes." Napahinga siya ng malalim at saka tumingin sa akin.
"My younger sister died yesterday." Auh kaya naman pala. Hindi naman ako manhid kaya nakaramdam rin ako ng awa sa kaniya. Hindi naman lahat ng kabutihan kung ipinapakita sa kaniya ngayon ay plastic no.
"I'm sorry to open u______."
"No, its ok, its ok my love." Naku ok na sana ako sa kaniya eh, sinambit niya nanaman ang love love na yan.
"She was killed by the three masked men."
"By the three masked men? Pinagsasaksak ba siya." Kapatid niya kaya yung si Melissa na sumali sa challenge? Hindi naman malabo dahil hawig nga sila.
"Yes. By the way, how did you know?"
"Nabalitaan ko kasi yesterday na may girl na nasaksak."
"Auh ok." Napayuko nalang siya. Hindi ko talaga kanina nahalata na may ganoon na siyang iniindang sakit dulot ng pagkamatay ng kaniyang kapatid. I admire him dahil sa tibay niya.
BINABASA MO ANG
1200 HOURS CHALLENGE
RomansaCristell Francine Walton, isang mayamang babae na hindi nakakita ng isang makabuluhang kulay sa kanyang buhay. Ang kanyang buhay ay mayamot kahit siya ay mayaman. Hindi siya nakaranas ng pag-aaruga mula mismo sa kaniyang magulang. Dahil sa...