1200 HOURS CHALLENGE
WRITTEN BY:GUNROYSKI》》》》》》DAY 4《《《《《《
*6:00 am*CRISTELL'S POINT OF VIEW
*ting
Hayyyssss nakaka antok. Gusto ko pang matulog eh. Kinuha ko na ang phone ko para tignan ang notification, and yes i already expected where this notification came from.
1200 HOURS CHALLENGE
1,104 hours left.
Yah, alam ko naman eh, ba't kailangan pa nila ako remind araw araw, nakakainis. Kung ang ibang players ay natatakot na, well ako naiinis na talaga. Wala naman talaga ako ikatatakot sa game na to eh ang dali dali ng task ko at alam ko namang magagawa ko yun. Phew.
*ting
Ano ba yan, pati ba minutes, sasabihin nila tsk. Tinignan ko na ang phone ko at sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ay naglaho ang inis ko at napangiti ako.
GEORGE
-Good morning love.
Hayyyssss nag reply nalang din ako ng good morning. Dapat kung panindigan ang pagiging girlfriend niya nu, kahit fake lang. Actually kahapon pa ako binabagabag ng konsensya ko. Naaawa rin naman kasi ako sa kaniya pero wew challenge to no. Pangarap ko at buhay ko rin mismo ang nakasalalay dito.
Dali dali na rin akong bumangon dahil monday ngayon at syempre may class ako ngayon.
"Hello nanay good morning." Masigla kong pagbati kay nanay Felisa.
"Oh magandang umaga rin iha. Mukhang maganda ang gising auh. Ano ba ang napanaginipan mo?" Huh dapat ba kapag maganda ang gising may naganda ring napanaginipan.
"Wala naman nay." She just smiled at me. Dinala niya na ako sa hapag kainan which is naka ready na rin ang foods. Inaya ko na rin sina nanay Felisa at ang mga iba pang mga kasambahay.
"Alam mo ba yung kakabalita lang sa radyo?" Tanong noong isa naming kasambahay sa isa pa naming kasambahay.
"Ano yung mga sunod sunod na pagkamatay ng mga kabataan?" Sabi naman ng isa pang kasambahay namin.
"Hayyss nabalitaan ko rin yan kanina. Hindi daw malaman laman ang mga dahilan sa pagpatay at sa kung sino ang pumatay. Grabe na sa ngayon ang ginagawang pag-imbestiga." Sabi naman noong isa.
"Kaya ikaw Cristell, lagi kang mag-ingat. Delikado na talaga sa panahon ngayon."
Paalala ni nanay felisa.Napatango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Maaari na may kinalaman ang challenge na sinalihan ko sa mga pangyayaring ito. At sa oras na magkamali ako, yun din ang sasapitin ko.
Kailangan kung mag-ingat sa mga hakbang na gagawin ko. They can track me and they know who i am even though i gave them such wrong info about myself. They warm me about my task. Ewan ko nga ba pero i feel na meron talaga silang mga spy. Si George ay madali ko lang paikutin kaya i have confedence with this.
RHYELA LYNIEL FLAVIO'S POINT OF VIEW (A MEMBER OF QUASSISM GANG, A GROUP LEAD BY GEORGE)
Kakarating ko lang dito ngayon sa university and i'm on my way to our meeting place. Parang iba ang atmosphere ngayon auh.
Hindi pa man ako nakakarating ay tanaw ko na sila at parang may pinag-uusapan but i think, hindi naman masyadong serious ang pinag-uusapan nila dahil grabe ang tawanan at parang ang saya saya, maging si nobleman (yan ang tawag kay George ng mga ka grupo niya). Dali dali na kong tumakbo doon para malaman kung ano kanilang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
1200 HOURS CHALLENGE
RomanceCristell Francine Walton, isang mayamang babae na hindi nakakita ng isang makabuluhang kulay sa kanyang buhay. Ang kanyang buhay ay mayamot kahit siya ay mayaman. Hindi siya nakaranas ng pag-aaruga mula mismo sa kaniyang magulang. Dahil sa...