CHAPTER XI

32 6 0
                                    

1200 HOURS CHALLENGE
WRITTEN BY GUNROYSKI

》》》》》DAY 14《《《《《
*10:30am*

CRISTELL'S POINT OF VIEW

Tsk. Ang boring ngayong umaga. Wala ang professor namin ngayon. May meeting daw lahat ng teachers. Hayss dalawang araw ring walang class at boring na nga dun sa bahay pagdating dito same pa rin. Mabuti pa yung mga classmates ko, may pinagaabalahan ngayon. Hindi pa naman oras sa pag lunch kaya hindi pa ako pweding kumain but i admit that i am hungry.

"Look girl oh, may namatay nanamang teenager ngayon. Nag suicide daw. Sunod sunod na rin ang pag suicide ng mga kabataan ngayon nakakakilabot na. Mga marupok. Iniwan lang siguro ng jowa papakamatay agad." Tsismis nanaman ni Lannie kay Mara.

"Oo nga girl. Mga kulang yata sa aruga." Pagsang ayon naman ni Mara.

Alam kung karamihan sa mga teenager na namatay ay suicide lang ang pinapalabas but actually may kinalaman rin ang challenge. Kitang kita ko yun sa news feed ng app eh.

"Hayys, we all commit to love that makes you cry." Napakanta na lang ako sa kawalan.

"Ohhhoh." Sabay na sambit ng mga classmates ko. Alam ko na ang mangyayari dito.

"We're all making love." Kanta naman ng isa kung classmates.

"That kills you inside." Dugtong naman noong isa.

"Yeah." Sabay sabay naman nilang sambit.

"We must kill this love yeah it's sad but true gotta kill this love before it kills you too. Kill this love yeah it's sad but true gotta kill this love gotta kill let's kill this love." Sabay naming kanta lahat. Yan basta pagdating sa kanta lahat active na. I really love singing. And i also love the song we sang by Blackpink. Grabe nga pati boys na classmates ko mahilig ring kumanta. Mukhang pinagsama kami dito. Mga medicine ang kinuha tsk tsk.

"May pa kill this love pang nalalaman si Cristell pero ang sweet sweet nga nila ni George." Pang tutukso nanaman ni Janice.

"Oo nga eh sana all." Pagsang ayon naman ni Loraine.

"Ayieeeeeeeeeeeeee." Ayan na silang lahat.

Napangiti na lang ako sa kanila.

I'm so lucky to be with these people inside this classroom. Hindi kami nagaaway-away dito. Suportado namin lahag dito.

Pero naging bestfriend ko parin sa Glyzelia. Dahil nga siya ang the best sa lahat ng friends ko. Puntahan ko kaya siya mamaya. Mag bonding naman kami. Sabi kasi ni George hindi daw siya makakasama sa akin dahil busy. Well its ok.

》》》》》》》》》》》》》

Dismissal na namin ngayon and now i am searching for Glyzelia. Saan kaya yon.

*North
*North East
*East
*South East
*South
*South West
*West
*North West

Ayun naka 360° na ako pero diko pa siya-----.

"Glyzelia." Pagtawag ko sa kaniya pero di niya ako nilingon. Papunta na siya ngayon sa gate. Bago lang siguro siya nakalabas.

"Glyzelia." I call her again but no response.

Tumakbo, tumalon at isinigaw ko na ang pangalan niya charot. Lumapit na ako sa kaniya. Hinawakan siya sa braso. Grabe naghahabol na ako sa hininga. Hingal na hingal talaga ako.

"Kanina pa kita tinatawag." Hirap na pagkasabi ko.

"At bakit?" Irita niyang pagkakasabi.

"Gusto sana kitang makasama ngayon. Usap usap naman tayo. Mag mall nalang tayo." Suggest ko.

"Busy ako." Cold niya namang pagkasabi.

"Galit kaba Glyzelia? Nagtatampo ka ba dahil mukhang nakalimutan na kita. Well ngayon nga ako babawi kung ganon."

"Hindi naman ako ganoong tao na magtatampo na nalang sa ganoong bagay."

"So hindi ka galit? Tara na." Hinawakan ko na ang braso niya ngunit hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit mo pinasok ang bagay na dapat hindi ka na sumali pa?" Balik niyang tanong niya sa akin. "Nag-iisip ka ba Cristell?" Sabi niya na parang galit na galit. Nang sesermon na naman siya.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Takang-taka ko na tanong.

"Hindi mo ba inisip na masasaktan siya? Hindi mk ba inisip ang damdamin niya? Anong klaseng tao ka?" Mukhang nang iinit na rin ang ulo ko sa pinagsasabi niya.

"Bakita hindi mo ako deretsuhin?"Napataas na ang tono ko sa pagkasabi ko non kaya may ibang estudyante na naglalakad ang napatingin sa amin.

"Bakit ka sumali sa 1200 hours challenge? Alam mo ba ang kinaharap mo?" Tanong niya na naiiyak.

"Oo hindi naman ako nagsisisi." I reply confidently.

"At dinamay mo pa si George. Akala ko tunay nga talaga na umibig ka sa kaniya. Tama nga ang hinala ko. Pinaglaruan mo nga siya."

"Oo ano naman sa ngayon?" pagtataray ko.

"Ano ka ba Cristell? Alam mo namang tao rin siya at masasaktan siya sa huli na mapagtagumpayan mo na ang game."

"Eh yun yung challenge ko. Alam ko naman na kahit sinong lalaki ang gamitin ko masasaktan sa huli. Kaya mas pinili ko na yung alam kong mas safe ako."

"Harrsssssh. Hindi pa nga talaga kita kilala Cristell."

"Nagagalit ka dahil masasaktan si George? So anong gusto mo, magpapatalo ako sa game na to?" Naiiyak na rin na sambit ko. Ngayon lang kami nag sagotan ng ganiyo ni Glyzelia.

"Nagagalit ako dahil hindi mo pinag iisipan ang pinasok mo. Kung hindi kana sana sumali diyan, wala ka na sang masasaktan at wala nang banta sayong buhay." Actually at the first place, wala naman akong alam kung anong mga challenges dito.

"So what do you want me to do then?"

"Stop the game. I mean quit." Napatawa ako ng mapakla dahil sa suggest niya.

"Wala nang balikan Glyzelia. Mamatay ako kapag ginawa ko yun."

"Ako ang gagawa ng paraan."

"Wala nang paraan Glyzelia."

"Wala kang tiwala sa akin?"

"Kailangan ko ipagpatuloy ang game."

"End this game or i will end our friendship?" Napatigil ako sa sinabi niya.

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at agad na siyang umalis.

Agad ko naring pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Nakakahiya naman kasi sa nga estudyante dito. Inportanteng tao si Glyzelia sa akin ngunit importabte rin naman ang buhay ko nu.

Naglakad na ako papuntang parking lot ng school. Pagdating ko doon ay nakita ko ring umalis ang sasakyan ni Glyzelia. Ito ngayong ang labis na bumabagabag sa aking isipan. Nakaiinis.

Pumasok na ako sa sasakyan ko at inopen yung phone ko. And here's a text from George.

GEORGE

Love, hindi pa rin kami tapos sa programing. Kung na saan ka ngayon mag-iingat ka. I love you.

Ewan ko pero bigla nanaman akong naluha noong maalala ko ang mga sinabi ni Glyzelia.

"Pasensiya na talaga George but i have to continue and accomplish the challenge."

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

A/N: Magandang araw mga kapatid. Salamat sa pagbabasa. Wag niyo sanang kalimutang mag vote, comment at i share niyo sa m kaibigan niyo para fun fun fun tayo!!

-GUNROYSKI

1200 HOURS CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon