23

81 4 0
                                    

Nakailang tikhim ako bago ako sumagot sa kabilang linya. Napakatahimik. Maging ang paghinga niya ay hindi ko marinig. Parang traveler na multo ang kausap ko sa kabilang linya.

Naghintay ako ng ilang segundo at balak ko na sanang ibaba ang tawag dahil wala rin lamang nagsasalita nang isang mahinang boses ang narinig.

"Hey, hello?"

"Hello?" Napasinghap ako nang marinig ang boses niya.

"Hello," nahihiya kong sabi sa kabilang linya. Suminghap ako upang humugot nang malalik na paghinga.

"What are you doing?" he asked in a low voice.

"What?" I asked dahik wala akong naintindihan. What lang ang naintindihan ko.

"What are you doing?"

"Pardon me?" pag-uulit ko dahil wala talaga akong maintindihan. Parang ipit ang boses o nahihiya lang din.

"What are you doing?" he asked na tila may inis na sa boses niya, pero natatawa.

"Just sitting," ipit ang boses kong sagot sabay kagat nang mariin sa ibabang labi.

"How are you?"

"I'm fine, how about you?" tanong ko pabalik nang may mahinhin ang boses. Tangina! Ang sama-sama ko kapag ka-chat ko siya, pero kapag kausap, para akong anghel.

"I like your voice," he said. Kalmado at napakalumanay ang boses at medyo namamaos siya. I mean, maganda ang boses niya, lalaking-lalaki pero mahina at medyo hindi ko maintindihan. Siguro dahil medyo mabilis din siyang magsalita at medyo matigas ang bawat pagbigkas niya ng mga salitang ingles.

I pursed my lips and rolled my eyes with smirk form on my lips. "Oh, thank you." My voice cracked a little dahil sa nerbyos at hiya na ring nararamdaman ko. Makapal lang ang mukha ko sa chat, pero kapag kausap ko na talaga as in tawag, wala na.

Ang mga kalokohan ko'y umuurong. 

"Sorry, I'm not comfortable to talk to others— I mean, I'm just a bit shy," nahihiyang sabi ko sabay hawak nang mahigpit sa upuang kinauupuan ko.

My nose wrinkled nang maamoy ko ang nanunuot na banghi sa labas ng bahay. Si papa, ginawang palikuran ang pader sa labas.

"It's okay," he answered. Ang ganda sa pandinig ang pagkakasabi niya. 'It's okay'.

Inaasahan kong may dear sa dulo, pero wala. Nanatili akong tahimik sa kabilang linya. Hindi na rin siya nagsilita ngunit rinig na rinig ko ang hininga niyang mabibigat. Nahihiya rin kaya ito sa akin?

Tila nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. "Uhm, tell me something about yourself?" Pinaglaruan ko ang nakitang supot sa ilalim ng kinauupuan kong silya. Gamit ang paa ay ipinagkuskos ko ito sa supot dahilan para magbigay ng ingay sa napakatahimik naming atmospera.

I heard him sighed. Ang sexy pa sa pandinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Like what?" mahina niyang tanong sa napakakalmadong boses. It's my first time to talk someone, lalo na't taga-Pakistan pa ang kausap ko. Pang-international ang beauty ko— este, kausap ko ngayon.

"How old are you already?" medyo garalgal ang boses kong tanong sabay pikit sandali nang tatlong segundo.

"Uhm, I'm nineteen. Yes, nineteen."

"Are you shy too?" I asked. Hindi siya nauutal, pero ramdam ko sa boses niyang nahihiya rin siyang gaya ko.

"Uhm, yeah." Napahagikgik ako nang mahina dahil sa pagkakasabi niya sa yeah ay napaka-sexy ng dating sa akin.

Humugot ako nang malalim na buntonghininga. "Me too, I'm shy and I can't speak in English fluently. Can I hang up now?" Kinagat ko ang ibabang labi. Gusto ko pa siyang makausap nang matagal, pero wala akong masabi. I'm unprepared. Paghahandaan ko na kung mauulit pa ito.

"Okay. Thanks."

Mabilis kong pinindot ang kulay pulang phone icon, to hang up. Pikit-mata kong niyakap ang cellphone ko. Nakaka-inlove ang boses niya. Maganda, sobra. Hindi ko nga gaanong maipaliwanag ang pakiramdam ko nang makausap ko siya.

Iyong feeling na hindi ka mahilig makipag-usap ss telepono, pero may nakausap ka't hindi maipaliwanag sa pakiramdam.

His voice gives me unfamiliar feeling. I love it. Pero parang nadismaya ko siya dahil wala naman akong gaanong sinabi sa kaniya. Paano kaya makatatawag muli ang isang ito?

Zildjane: thank you. Hope we can talk again next time.

Sunny: Sure.

Zildjane: Let's prepare a lot of questions to ask each others because seems like no one will talk.

Sunny: Yes, you should.

Zildjane: Hope that your next voice call will be okay. I mean, no shame and teach me some urdu, okay?

Sunny: Yes, ma'am and you teach me also Filipino words.

Zildjane: Of course. I like your voice.

Sunny: I like your voice too. It's sweet.

Zildjane: My voice is not a sugar, so not sweet.

Sunny: you sleep now

Zildjane: I'm still taking to you

Sunny: I know you're tired so rest and let's talk again tomorrow, dear.

Zildjane: Okay, masunurin ako ngayong bata kaya sige. Tutulog na po ako.

Sunny: good night

Zildjane: good night too

In-off ko ang data connection ko't pigil akong napatili na tinakpan ko pa ang aking bibig.

"Ang ganda ng boses niya. Pakistani ka, nahuhulog na yata ako sa 'yo kahit ang boring mo!" Tinampal ko nang may kalakasan ang pisngi ko. Hindi maaari. Hindi ako puwedeng mahulog sa kaniya. Ako nga ang kausap niya, pero hindi ako iyong nasa picture.

Kung sakaling mahulog man siya sa akin, ay hindi siya sa akin nahulog. Yes, ako kausap niya but he fell in love with a korean artist because he thought that it was me, the real me.

God! Minsan lang ako magsabi ng God, but please, save me from falling.

"Boring siya, Dowee. Huwag kang ma-fall. Kilalanin mo muna nang mabuti," diin kong paalala sa sarili na aking tinangu-tanguan, na parang tanga sa ginagawa ko.

Magkabilang Mundo (CHAT SERIES #4)Where stories live. Discover now