47

69 2 0
                                    

Maaga akong nagising para mag-abang ng babati sa akin ng, "Happy birthday" sa dalawa kong account. Bumuga ako ng hangin pagkaahon ko mula sa pagkakahiga. Nag-inat ako't ngumiti nang malawak. I embrace the beautiful sunshine that welcome me as I pull the curtain on the side.

It's really coincidence that Zildjane on the story and me has the same birthday. July 12, 2019, ang ika-labing walo ko. Debutante pala ako ngayon at dapat nagbe-beauty rest lang ako para masiglang-masigla ako sa party mamaya, pero... dahil hindi namin afford ang  engrandeng party mamaya, kaya papasok ako ngayon at sa gabi gaganapin ang mumunting party ko siguro.

"Dowee, gumising ka na baka mahuli a sa klase." Narinig kong wika ni mama na sinabayan pa niya ng pagkatok sa aking pinto.

"Oo, ma, gising na ako!" pasigaw kong sagot nang marinig niya. Hindi man lang ako binati ng, happy 18th birthday bago sabihin ang "gumising ka na". Kumibot ang labi ko saka nagdadabog-dabog na kinuha ang nakasabit na tuwalya sa cabinet at lumabas ng kuwarto.

Iginala ko ang paningin ko nang masuyo para pansinin kung may kakaiba sa bahay, pero wala akong napansin. Tinapay at natimplahang milo lang ang nasa hapag nang mabalingan.

Wala man lang balloons or cake, bakit pa nga ba ako aasa? Hindi naman uso ang ganoon kapag may birthday sa amin.

Imbes na umasa pa ako, minabuti kong pumasok na lamang sa palikuran upang maligo. Hindi maginaw ang magbuhos nang magbuhos nang magbuhos sa katawan, masarap nga ang magbabad sa tubig.

Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa kuwarto upang magbihis. Sandali pa akong nag-online sa real account ko para makita kung may bumati na nga ba sa akin, pero wala.

Lumipat ako sa Zildjane upang tingnan kung may bumati na, at mayroon ngang isa.

Nikunj Soni

Happy birthday, Dear

Ngumiwi ako. Iba ang inaasahan ko, e. Isang malalim na buntonghininga pa ang pinakawalan at kumarap nang kumurap. Mahuhuli na ako sa klase, pero panay cellphone ang ginagawa ko.

"Dowee, hindi ka ba papasok?" naiinis ng tanong ni mama. Napakamot ako sa aking wala pang suklay na buhok kong hanggang baywang ang haba at aalon-alon ang aking buhok.

"Papasok po," magalang kong sagot sa pagitan ng aking pagiging abala  sa pagsusuklay habang nakaharap sa maliit na bilugang salamin.

"Bilisan mo na diyan dahil late ka na." Umikot ang mga mata at pabagsak na inilapag ang cellphone sa ibabaw ng kama.

Laging nagmamadali si mama, pero hindi naman siya ang pumapasok. Hindi siya ang ma-l-late, kundi ako.

Iba talaga ang epekto ng cellphone, ginagawa kang tamad minsan.

July 12 at 6:20 P.M.

Jake: Oy asawa ko sa story Happy birthday! More anak to come to us—  este be healthy always and take care of yourself. Alagaan mo puso mo, huwag malambot.

: More candle to blow, more cake and more pa-blow out para humaba ang buhay. God bless you!

Zildjane: Sana hindi lang si Zildjane ang batiin ng happy birthday. Anyways, ako rin naman operator niya, kaya thank you!

Jake: Birthday mo rin? Iyong operator, ah.

Zildjane: Uu, birthday ko.

: Tadhana talagang maging ako operator ni Zildjane dahil same birthday kami.

Jake: Happy birthday! Iyong message ko kay Zildjane, message ko na rin sa 'yo.

Magkabilang Mundo (CHAT SERIES #4)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt