49

66 2 0
                                    

I received a lot of greetings from my facebook friends in both accounts on my birthday, but the only person I am expecting to greet me, but he didn't. Nakalulungkot — nakapanlulumo.

Napangaralan pa ako ni Jake, ang asawa ko sa story. Well, he had a point. "Too much expectations ruin us.", iyon ang sabi niya at natatandaan ko. I reread a while ago what he had said.

Parte na talaga ng buhay ang pagbuntonghininga nang malalim upang magpakawala ng stress sa buhay. Inilibot ko  ang mga mata sa buong klase. Maingay, parang palengke at ano pa nga ba ang bago  sa ganitong klase ng silid sa bawat mag-aaral,  'di ba? Saka lang tatahimik kapag nandiyan na iyong guro at kung magagalit ang guro. Tiklop sila. Naputulan ng mga dila sa hindi pag-imik.

"Dowee, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Laila, kaibigan ko sa buong taon. Tumungo ako sa kaniyang humaba ang nguso.

"Gusto ko lang," tipid kong sagot na may kasamang pagkibit-balikat pa. Kung maingay ako, sasabihin nilang asal palengkera ako't parang si Jollibee na bida-bida. Kung tahimik ako, magtataka sila kung bakit hindi ako maingay. Saan ako lulugar? Sa bubong siguro, ano?

"Nakakapanibago kasing hindi ka nag-iingay ngayon," ngiwing bulalas ni Laila nang pakatitigan niya ako.

Umismid ako. "Minsan, hindi ko na alam kung saan ako lulugar," malungkot kong sabi sa kaniya, bilang magalang na pagtatapat na rin. "Kapag maingay ako, ayaw ninyo, at kapag tahimik ako, magtataka kayo. Ano ba talaga?" may inis kong tanong sa kaniya, na hindi lang para sa kaniya kundi para sa lahat ng mga kaklase ko.

"Hindi naman kasi masama ang mag-ingay, limitahan mo lang." Tumango ako sa sinabi niya at imbes na magdaldal na lamang gaya nang madalas kong ginagawa sa klase, ay pinili ko munang manahimik ngayon.

Inilabas ko ang cellphone ko dahil nakapag-isip-isip na ako. Sapat na siguro ang dalawang araw para pag-isipang umalis bilang operator.

Hinanap ko ang pangalan ng writer sa search area. Napaigtad ako sa tuwa rito sa kinauupuan ko nang makita siyang online. Great!

July 15 at 9:20 A.M.

Zildjane: Miss A?


Raven WP: Yes po?

Zildjane: Magpapaalam po sana akong umalis.

Raven WP: Umalis saan?

Zildjane: As operator of Zildjane po, miss a. Gusto ko po sanang umalis. Aaminin ko, nagustuhan ko po ang tungkuling ito as operator. Nag-enjoy ako nang sobra.

: Napamahal na nga ako sa account na ito kahit na aminado akong hindi ugali ni Zildjane ang ipinapakita ko rito, dahil as Dowee.

: Ayaw ko po sanang umalis kaso... may nangyari po kasi na ang hirap ipaliwanag sa inyo para may valid reason ako kung bakit ako aalis.

: Ganito po kasi iyon, I fell in love with someone. Sa story lang po kasi ako kasal, 'di ba and as a operator of her na single, naki-mingle. Opo, lumandi ako sa isang Pakistani at gusto rin daw niya ako.

: Gusto rin niya raw ako, pero ewan ko lang po kung totoo iyon baka nasabi lang niya. Kaya, heto, ako po ang naiwang mag-isa. Nahulog tapos iniwan.

: May kasalanan din po ako sa inyo miss a, umamin ako sa kaniyang hindi talaga ako 'to. I mean, iyong picture na gamit ko ay hindi talaga ako iyon.

: Hindi po ba bawal ang umamin na hindi ikaw iyon?

: Hindi po siya nag-reply after kong umamin. And I am expecting him to greet me because Zildjane and I, ay birthday noong July 12 and he's online at hindi nga niya ako binati.

: Mababaw man pero parang broken hearted ako kasi nga hindi niya ako binati.

: Masakit po kasi, e. Hindi maiwasan ang mag-expect.


Raven WP: Naiintindihan kita pero sigurado ka bang ayaw mo na? Hindi na ba magbabago ang isip mo na aalis ka? Sabi mo napamahal na sa 'yo ang account na ito as Zildjane, but could you really want to let it go and leave?

: I need you final answer before you pm me that you really want to give up as Zildjane operator.

: I respect your decision. At kahit hindi tayo close at wala ng nagme-message sa gc natin. I am thankful na tinanggap mo ang gampaning ito.

Zildjane: Miss a, puwedeng pag-isipan ko muna? Ako na po magde-delete ng account or bigay ko na lang po sa 'yo kapag ayaw ko na talaga.

Raven WP: I want you to stay, but you must choose what to do.

Zildjane: Ano ba miss a dumudugo na ilong ko!

: Joke lang.

: Huwag ka pang mag-aalala, pag-iisipin kong masyado ang pag-alis.

: Pero huwag mo akong kalimutan miss a, ha?

: labyu.

: Mahal labuyo.

: Hindi lang labuyo ang nagmamahal, kundi ako rin. Nagmamahal, pero hindi minamahal.

: Hugot ko lang, miss a.

Magkabilang Mundo (CHAT SERIES #4)Место, где живут истории. Откройте их для себя