Nakaka-miss buksan ang account ni Zildjane kahit wala pang isang araw ang pag-alis ko. Kay Sunny the sun sunshine lang ako nakapagpaalam, pero kay Sondith, hindi ko nagawang magpaalam sa kaniya. Siguro naman nabasa na niya iyong post ko dahil palaging siya ang number one reactor ko't commentator.
Si Sunny kaya, nabasa niya kaya iyong message ko sa kaniya? Ano kaya ang reaksyon niya? Nalungkot ba siya nang mabasa niya o baka wala lang sa kaniya?
Umiling-iling ako nang maraming beses upang iwaglit sa isipan si Sunny. Dapat ay kalimutan ko na siya, at hindi ang isip-isipin pa dahil wala naman itong pakialam sa akin.
Si Jake na asawa ni Zildjane, miss na kaya niya ako?
Nami-miss ko man sila, pero wala na talaga akong balak bumalik pa as Zildjane's operator. Masaya, maganda, pampalipas ng boredom, at hindi tulad sa real account ko na group chat na lamang ang bumubuhay. Ang pinagkaiba nga lang sa account ko na ito, ay walang nude pictures, malinis kumbaga ang account na 'to, kaso boring.
Padarag akong humilata sa kama dahil sa matinding pagkaantok, pero hindi pa rin mabitwan ang cellphone. Bakit kaya ganoon? Pipikit na ako, pero hindi ako makatulog.
Ginulo ko ang buhok ko saka napahilamos. I feel like I did a wrong move. May dapat ba akong pagsisihan o wala? Paano kung iyong the one ko nandoon na, pero umalis ako?
Imbes na matulog na upang makapagpahinga nang maayos at makatulog nang mahimbing, ay nagawa ko pang mag-online sa real account ko.
As expected. There's no messages, and notifications. Pagmumukha ng mga kaklase ko noon at ngayon ang makikita ko sa buong news feed ko, along with their dramatic post and shared post.
Umikot ang eyeballs ko saka napaismid. Pinindot ko ang message icon at nag-scroll down para hanapin ang account ni Raven WP, na naka-chat ko noon.
Sa kalagitnaan ng paghahanap ko sa account ng writer para makausap sana at hindi kausapin para bawiin, kundi makikipag-usap lang ako kahit hindi kami close, ay biglang may nag-message request.
One message request.
Yusaf Ullah
Nangunot ang noo ko sa nabasang pangalan. Ang langitngit ng pinto sa kuwarto nila mama ang narinig sandali at sa ang pagdilim ng bakuran namin, dahil pinatay ang ilaw na nakapuwesto sa aking kuwarto.
Marami ang gatlang namuo sa aking noo. Hinimas ko ang aking baba, iniisip kung saan ko 'to nabasa. Familiar sa akin at nabasa ko na ito dati. Saan ko nga ba 'to nabasa? Sa magazine ba?
I opened his message request and I'm surprised.
Yusaf Ullah
Hey, laal.
Accept Delete
Is this Sunny?
YOU ARE READING
Magkabilang Mundo (CHAT SERIES #4)
Teen FictionWe are miles apart. He is Pakistani and I am Filipino. I am a role player while he is just seeking a friend until my heart fell in love with him. What should I do? Status: COMPLETED Date posted: 022219 Date finished: 070419