15

111 2 0
                                    

Feb 17 at 11:25 AM

Sunny: Good morning beautiful

Zildjane: Good morning too handsome

: Bolera ko. Patingin nga picture mo.

Sunny: How sweet.

: Did you eat your breakfast?

Zildjane: Magtatanghali na, breakfast pa? | Delete

: Yes and it's nearly lunch here.

Napag-isip-isip kong kailangan ang magseryoso ngayong araw. Matino rin naman siya kausap at dapat kay Sondith lang ako magbiro, pero kung ano ang init ng ulo ko kay Sondith pati siya nadadamay.

Sino kasing matutuwa sa pinagsasabi niya, 'di ba? Hindi kaakit-akit sa mga mata.

Sunny: You should eat now.

Zildjane: Later. What are you doing?

Sunny: just waiting for my boss to come out.

Zildjane: are you going somewhere?

: But somewhere
down the road~

: Don't mind me I'm singing.

Sunny: We will go to the hospital.

Zildjane: Why?
What happened?

Sunny: My boss had diabetes so we will go there for his check-up.

Zildjane: Oh, take care.

: Naks, ang seryoso ko ng kausap. Pasalamatan mo ako, dali.

Sunny: Thank you.

Zildjane: Oh, did you understand what I said sa pangalawa? Lintek ano English ng pangalawa? Second pala.

: *did you understand the
second message I sent?

Sunny: No, what does it mean?

Zildjane: It means always take care.

Sunny: How sweet. Thank you

Zildjane: Sweet na agad ako? Ano ako asukal?

Sunny: Hahaha

Zildjane: Makatawa naman ito akala mo gets.

: What's funny?

Sunny: I really can't understand what are you saying.

Zildjane: uso google translate.
Ay huwag! Malalaman mo pinagsasabi ko, wala na akong ka-chat sa account na 'to.

Sunny: Google translate? I will try.

Zildjane: Akala mo naman talaga gets na gets niya pinagsasabi ko.

: No, don't try google translate. That's very bad translation and not accurate.

Sunny: Okra dear.

Zildjane: Sosososo. Suso.

Sunny: Suso?

Zildjane: My suso is pader and I am trying to make it big.

: Suso mo.

: I mean suso is a snail.

Sunny: New word again.

Zildjane: Want some more?

Sunny: Yes, teach me some Filipino words.

Zildjane: Mabait is kind.
Pangit is ugly.
Handsome is you. Love is pag-ibig. Ikaw is you. You, is me. Me, is mikmik. Milk is gatas. 69 is a number but it is something here. Dog is aso gaya ni Sondith. High, mataas.

: Mataas na nilipad ko, pero hindi pa rin niya ako sinalo.

Sunny: It's many. Thank you for these.

Zildjane: You're welcome.

Sunny: We have to go. Chat you later.

Zildjane: Take care and take your time.

"Dowee," tawag ni Mama sa labas ng kuwarto. Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa ilalim ng unan at humiga. Ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog.

Maya-maya ay narinig ko ang langitngit ng pinto at ang mga yabag ni mama na palapit sa akin. Pinigilan kong kamutin ang kamay kong nangati. Parang may gumagapang na hindi ko maintindihan.

Agad akong napabangon nang bigla akong hampasin ni mama ng unan. Masama ko siyang tiningnan, pero mas masamang tingin ang iginawad niya sa akin.

"Huwag kang tatatamad-tamad. Magsaing ka!"

Napakamot ako sa aking ulo. Naiinis. Pasimple akong umirap kay mama pero napanguso ako nang batukan niya ako. "Ma, ikaw na. Ikaw kasi nakaisip," humaba ang nguso kong sabi.

Namaywang lang si mama sa harap ko't nagngingitngit ang ngipin. "Aba't itong batang 'to!" nainis na singhal ni mama, pero tumawa lamang ako. Bakas sa boses niya ang inis pero ang mukha niya'y napaka-plain.

"Ma, huwag mo akong sigawan. Mabibingi ako," biro kong palusot. Tinatamad ako, kaya wala ako sa mood magsipag.

Lumabas ang puting ngipin ni mama, senyales na naiinis na talaga ito. Hinawakan niya ang tainga ko't hinila ito — este piningot niya. "Ma, huwag mo akong pingutin matatanggal tainga ko. Hindi mo na maibabalik."

Napa-aray ako sa isip ko nang mas humigpit ang pagkakapingot ni mama. Imbes na umiyak o sumunod agad, inilahad ko ang palad sa harap ni mama kahit ngiwing-ngiwi na ako sa sakit. "GOSURF50 muna ma, saka ako magsaing."

"Dowee!" nagbabanta niyang tawag sa pangalan ko nang alisin niya ang kamay sa aking tainga.

"Ma, hindi ako pagkain." Humaba ang nguso ko lalo. Hindi ako si Dowee doughut, na nabibili sa sari-sari store.

"Magsasaing ka o magsasaing ka!"

"None of the above po," sagot ko sabay bungisngis. Ambang sasapukin ni mama ang ulo ko at mabuti na lang nakailag ako. Magaling akong umilag, kaya noong umulan ng kasipagan hindi ako tinamaan.

Lumingon si mama sa pintuan ng kuwarto ko, kung saan napadaan doon si papa. "Pedro, itong anak mo ayaw magsaing!" sigaw niyang pagsusumbong. Sumbungera si mama. Parang bata.

Narinig ko ang yabag ni papa. Sumungaw ang ulo niya sa pinto at nagtama ang mga mata naming dalawa. Napalunok akong sumagot nang mahinhin. "Pa, magsasaing na ako."

Gusto kong magdabog pero nakikita nila ako, kaya mamaya na lamang akong magdadabog kapag wala na sila.

Tila lantang gulay akong tumayo. Tiningnan si mama mula sa mga mata niyang kulay topaz. "I-unstall ko wordscapes mamaya. Akala mo mama," paalala kong pagbabanta sa pabirong paraan.

"Pedro!" sigaw niyang pinigilan kong matawa. Niloloko lang si mama, pero ang seryoso.

"Parang kang nawawala, Santina," natatawang sabi ni papa.

"I love you." Sabay nguso ni mama nang lumapit ito kay papa. Tumaas ang kilay ko't ngumiwi nang todo sa nakita. Ang corny, hindi sweet. Kinilabutan ako kay na mama at papa.

Iiling-iling akong lumabas sa kuwarto ko't dumiretso sa kusina upang magsaing. Bakit ba kasi ako ipinanganak para magsaing.

Magkabilang Mundo (CHAT SERIES #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora