"Ikaw Ivo, kailan ka naman ikakasal?"
Bahagyang nagtaas ang malalagong kilay ni Ivo ng marinig ang tanong na iyon sa kanya, it's from tita Fe, single, old maid at ang pinaka-romantic na tao sa pamilya nila. Pinipilit niya itong iwasan kapag may pagkakataon subalit ng mga oras na iyon ay hindi pwede dahil mahalagang okasyon ang kinabibilangan nila. Kasal ng pinaka-bata nilang pinsan na si Kelly, bente anyos lang, subalit nabuntis ng boyfriend nito, kaya kahit na kaka-graduate lang ng kolehiyo pareho at wala pang mga trabaho ay pinakasal na ng mga magulang. Tama nga naman, kesa maging bastardo ang batang ipapanganak nito. Wala sa pamilya nila ang ipinanganak out of wedlock, ganoon ka-konserbatibo ang matatanda sa angkan nila, mula noon hanggang ngayon. Dahil may reputasyon daw silang iniingatan, sabi pa ng matatanda.
"Kung kailan ko makilala ang pakakasalan ko, tita," sagot niya at nag-iwas tingin, ang cellphone na lang ang pinagtuunan niya ng pansin dahil kung sasagutin niya ito ng detalyado, tiyak na aabutin siya ng mag-damag kakapaliwanag ng mga detalye. May mga bisita naman na mga lalaki at pawang businessman din na tulad niya, pwede sana siyang makihalubilo sa mga ito, kasu nga, mahigpit na bilin ng tita nila na dapat daw ay kumpleto silang magpipinsan sa isang table din, ewan, hindi niya alam ang dahilan, baka pamahiin na naman, sa magpipinsan kasi ay siya lang ang lalaki, panganay na nga, nag-iisa pa, saan pa sya? Ang kasama pa niya sa table ay kung hindi mga may asawa ay may mga fiancé na, kaya wala siyang kakampi, pagkakaisahan lang siya ng mga ito pagnagkataon. Ang tita Fe niya ang matriarch ng angkan kahit pa nga single forever ang drama nito. Ang sabi ng Daddy niya ay kaya ito tumandang single dahil napaka-powerful ng personality nito kahit pa noong dalaga pa kaya hindi makalapit man lang ang mga gustong manligaw, kahit pa nga pangbeauty queen pa ang ganda at elegance nito. Kapatid na panganay ito ng kanyang ama, kaya kahit nga ang daddy nya, kapag sinabi ng tita niya ay sinusunod.
"At kailan mo naman kaya makikilala ang babaeng yun ha? Ivo? Tingnan mo, naunahan ka pa ni Kelly, sige ka, namalayan mo lang panot ka na, single ka pa rin."
"At nag salita ang hindi single," nais sana niyang sabihin kung hindi lang dahil sa baka ma-offend ang ultra sensitive pa naman nilang tiyahin.
Nagtawanan naman ang mga pinsan niya, most of his cousins know his women escapades, kaya hindi nagwoworry ang mga ito kung tumanda man siyang single, ang tita lang niyang numero unong hopeless romantic at walang alam sa lovelife niya ang atat ng mahanap niya ang forever daw niya. Kung alam lang nito kung gaano karami ang dine-date niya ay baka itakwil pa siya nito. Dakilang ambassadress ito ng forever kahit wala naman itong asawa, o boyfriend.
"Hindi naman po tita, bata pa naman po ako,"
"Bata? Thirty one ka na iho, baka nakakalimutan mo, alam mo bang sa edad na yan ay dapat meron ka nang limang anak?"
Napangiwi siya sa narinig. Tatawa tawa rin lang ang mga pinsan niyang kasama sa mesa, alam niyang maya-maya pa ay talk of town na siya dahil magsasabayan na ang mga ito sa pang-gigipit sa kanya ng kanilang tiyahin.
Sino naman sa panahon ngayon ang babaeng papayag na mag-anak ng lima na nasa kapareho niyang edad o mas bata pa? kahit siya kung may asawa ay hindi niya hahayaang mag-anak ang asawa niya ng sunod sunod kada taon, may puso naman siya. Ang paniniwala niya, hindi inahin ang babae na papaanakin lang ng papaanakin, may mga sariling buhay din ang mga ito, though kung mag-aasawa man siya, ang gusto niya ay isang plain housewife lamang para maalagaan ang pamilya. Pero okey lang din kung career woman, again, she have her own life too.
Napailing siya, ano ba ang iniisip niya? Malayo pa siya sa pag-aasawa, mukhang nadadala siya sa ambiance ng okasyon, o sa tanong ng tiyahin nila.
He stared at the newly weds habang sweet na sweet na nagbubulungan, the scene somehow gave him a creep.
.........................................
"Artificial Insemination? Are you nuts? Gagastos ka ng pag kalaki-laki para lang magkaanak, bakit hindi ka na lang mag-asawa? Baliw ka na ata eh, nabanggit ko lang sayo nung nakaraan iyan na agad ang gagawin mo"
Expected na ni Zanya na magiging ganoon ang reaksyon ng bestfriend niyang si Carla kapag sinabi niya dito ang nabuong plano. Halos buong gabi rin niyang pinag isipan ang gagawin. Gusto na niyang magka-anak, mula ng ma-realize niya na tumatanda na siya ay lalong dumoble ang kagustuhan niyang mag-anak na. At ayun kay google, medyo late na nga ang kasalukuyan niyang edad para sa first born, at kung patatagalin pa niya, liliit at liliit ang tsansa na magkaanak pa siya. O kung oo man, mahihirapan na siya sa delivery.
"Hindi pa naman sure iyan, saka nag-iisip pa ako. Gusto ko lang i-consider na option. Saka mahal nga talaga, as of today, said ang savings ko nyan kapag ginawa ko yan." Nag-research na siya, ayon kay Google, umaabot ang AI ng 10,000 – 15,000 per cycle sa Pilipinas, hindi pa doon kasali ang doctors fee, ultrasound monitoring at medication. Base pa sa nabasa niya, umaabot ng tatlo hanggang anim na cycle ng AI ang isang babae bago nabubuntis. Sa Pilipinas pa lang iyon ha? Kumusta naman dahil sa ibang bansa niya gusto gawin ang AI niya? Aabot sa 300 USD – 700 USD per cycle sa US. Sa pagkalkula niya, baka kulangin pa ang limang daang libo niyang inipon ng maraming taon. Saka kailangan nya rin ng perang pang-gastos bago at pagkatapos niyang manganak.
"Mag-asawa ka na nga lang kasi, kung ano-ano na namang ideya ang pumapasok dyan sa kukote mo."
"Anak lang ang gusto ko bes, hindi asawa, saka as if naman na nakakabili ng asawa sa mall." she rolled her eyes. Actually, dating issue na sa kanya ang issue na pag-aasawa, simula ng tumuntong siya ng bente kwatro na nbsb pa ay para bang isa na siyang problema ng lipunan na kailangan ng agarang aksyon, hindi lang pamilya niya ang gusto siyang tulungan, pati mga kaibigan, mga dating kaklase, kamag-anak at maging ng mga katrabaho niya. Sa dami ng naireto ng mga ito sa kanya, hindi na mabilang ng mga daliri niya sa kamay at paa. Sa kalaunan ay sumuko na rin ang mga ito. Subalit may mga pagkakataon pa rin na kung pwedeng makahirit ay ginagawa ng mga ito.
"Eh di magpaanak ka na lang. Pero doon sa single para hindi ka masabihan na kabit ha?"
"Parang ayoko yata nyan bes."
"Ano naman ang pinagkaiba ng magpapaanak ka sa artificial insemination na yan? Pareho lang naman ang resulta, magkakaanak ka ng walang kikilalaning ama."
"Sorry bes, anak lang talaga ang gusto ko, extra baggage is a major no no."
"Ewan ko sayo, ang choosy kasi. Kaya ayan, napag-iwanan, meron ka pa naman sigurong manliligaw, kahit hindi kaaya-aya ang fez, go ka na kesa naman mag-aanak ka ng mag-isa. Saka yung sabi ko na ipapadate ko sayo, Kasapi yun ng singles for Christ, tiyak na matino"
"Again, thanks but no thanks bes, gusto ko ng anak na maganda, iyung mukhang koreana''
"Eh di magtrip to Jeju Island ka, o mag-Seoul searching ka, o mag-Gangnam style ka, o sumakay ka ng train to Busan, at magpakalango sa soju ng makahanap ka ng Korean jowa, kawawa naman kasi ang magiging inaanak ko pagnagkataon na fatherless. Sige ka, mabu-bully sya, kunin pa sayo ng DSWD, bahala ka,"
"Exag ka naman, may point ka, pero sa panahon ngayon, hindi na ako tulad ng dati na pinipilahan ng suitors, trenta na ako, saka bakit ba? Gusto ko ng anak na mala koreana, anong masama dun?"
Umirap ang kaibigan niya, halatang hindi pa rin kumbinsido sa paliwanag niya. subalit naniniwala siya sa kasabihang I am the master of my fate, I am the captain of my soul. Bagamat napapaisip pa naman siya sa mga narinig.
Kailangan lang niyang mag isip ng other alternatives, kung meron man.
BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...