CHAPTER 10

208 8 0
                                    

Inisang lagok lang ni Ivo ang natitira pang alak sa kopita niya ng maalala niya ang napag-usapan nila ng tita niya kani-kanina lang. He is on the bar where he first met Zanya, na ayon sa pag-iimbistiga ni Frinz ay si Clutch bag girl nga. Mukhang nakaladkad nga niya ito sa sarili niyang problema dahil lang gusto niyang maging quits sila dahil naging katatawanan siya ng mga kaibigan niya. Napasobra naman yata siya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makumbinsi ang tita niya na bawiin ang probisyon nito kapalit ang CEO position niya.

"Why would I? lalo na ngayong alam ko na si Zanya ang fiancée mo? Lalo mo akong binigyan ng dahilan para hindi bawiin ang provision ko." Anang tita niya.

"But this will be very unfair to her tita, wala pa siyang balak mag-settle down, she still have a lot of plans to do."

Subalit tinaasan lang siya ng kilay ng tita niya.

"Your problem, not mine anymore."

Napahigpit ang hawak niya sa kopita at mariing naikuyom ang mga palad. Kung nagkataon na papel ang hawak niya ay baka nadurog na.

Dumaan sa isip niya ang mukha ni Zanya na waring inis na inis. Kahit papaano ay nagawa niyang mabitawan ang kaawa-awang kopita. This will really be very unfair to her. Ilang linggo lang ang kasunduan nila.

...............

Tuwang tuwa ang mga ka-department niya ng malaman ng mga ito na iniurong na niya ang plano na pagreresign. Kahit naman siya ay natuwa din na hindi na niya kailangan iwan ang mga kaibigan na natutunan na rin niyang ituring na mga kapamilya, kahit na nga mas madami pa ang enthusiasm ng mga ito mag tsismis kesa mag-over time. Well, for the time being. Dahil kapag natapos ang charade nila ni Ivo ay baka hindi na talaga niya kayanin ang makita pa ito, baka tuluyan na niyang iwan ang kompanya. Saka may pangarap pa siyang kailangang tuparin. Naka-timeline na iyun sa buhay niya. Sayang lang ng napagkasunduan nila, magagamit niya ang pera para sa future ng magiging anak niya. Though hindi gaanong maganda pakinggan kung saan galing ang pera subalit legal naman iyun, iisipin na lang niyang talent fee iyun para sa acting skills niya sa isang pelikula. Tutal ay mukha naman syang artistahin. Baka nga box office pa ang acting nila ni Ivo.

"Zantina Ysabella Magtanggol...Mondragon, the young madam of MGC, Zanya ha? Kapag kabilang ka na sa elite wag mo kaming gawing alila lang ha? kahit papaano naman ay pinagsamahan naman tayo dito sa MGC" bumalik na naman ang kakulitan ni Venus na kahapon lang ay ang drama.

"Ano ba yang pinagsasabi nyo? Naku nakakahiya, baka may makarinig sa atin."

"Eh ano ngayon, totoo naman kaya wala namang masama sa sinasabi ko"

"Zanya,"

"Yes Miss Maree?"

"These are the files needed by the CEO's office, ikaw na lang ang magdala nito doon, could you do it for us?"

Hindi niya alam kung matatawa o magagalit sa mga katrabaho niyang mga ito, kunsintidor din sa paglalandi kuno niya.

"Go, Zanya, puntahan mo na ang irog mo, kahit wag ka ng bumalik, doon ka lang. ok lang kami dito, Diba Miss Maree?" ani Venus, tumango naman si Miss Maree bilang pagsangyaon. Nangingiti na lang na lumabas siya habang ang mga ito ay walang hinto sa pagbibigay ng well wishes na para bang totoong totoo nga ang romance sa pagitan nila ng boss nila.

Makailang-ulit muna siyang kumatok bago niya narinig ang boses ng 'fiance' niya.

"Galing ito kay Miss Maree, pinapabigay." Aniya at inilagay sa mesa nito ang file.

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon