CHAPTER 8

229 6 0
                                        


Kung ilang minuto na ang nakalipas mula ng pumasok si Ivo sa kanyang bagong opisina na nakatanga lang habang iniikot-ikot ang ballpen sa kamay niya ay hindi niya napansin, his mind is busy with something. O pwede ring sabihin na someone.

That someone refers to the girl na nakabunguan niya sa may restroom just a while ago, she really resembles that clutch bag girl, only with a different hairstyle, and something diferent in her face na hindi niya matukoy.

Natawa siya, imposible yata ang iniisip niya, just some similarity would not mean that the two women are the same. Scratch that. Naiisip lang niya ito dahil pre-occupied din siya ng provision ng tita niya kalakip ng bago niyang posisyon sa MGC. Mondragon Group's CEO position is still not his, well technically his but, not unless he fulfill his aunt's bargain, and that is to get married within four months. Since if he would not make his part of the bargain, Mondragon Clan's Company shares will be given to a charity institution. Naisahan nga siya. Dahil alam niyang sure ang tita niya na gagawin niya ang gusto nito. Why, he is left without a choice. Subalit umaasa siyang madadala pa ang tita niya sa pakiusap. Alam niyang iniiwasan siya nito dahil sa probisyon nito. He knew that his aunt has a point there, ayaw nito na maging single siya forever tulad nito. Mali siya ng inisip before na wala itong alam sa mga womanizing antics niya, gusto nitong magpakasal na siya para daw matigil na siya sa pagiging playboy niya. At ang MGC na lang, liban sa pamilya niya ang pagbibigyan niya ng atensyon.

Yes, he only have four months to look for a girl na papayag sa isang marriage for convenience or contract marriage, as what his lawyer friend specified and adviced him. Ngunit sigurado din siya na wala na isa man sa mga dini-date niya ang papayag sa ganoong set-up, because he knew that they want him for good.

And Arianne... nahilot niya ang sentido. Pagkatapos niyang masupalpal ng clutch bag girl ng gabing iyon, hinanap pa rin niya ito. But she's nowhere to find, hindi sumasagot sa mga tawag at text niya up to this time. Saang lupalop na naman kaya ng daigdig niya ito hahagilapin?

"Look for another girl Ivo, hindi papatulan ni Arianne ang proposal mo, baka nakakalimutan mo isang araw lang kung maging single yun, malamang na may boyfriend na yun na nahanap ngayon kaya di na nakapagpakita sayo at di mo na ma-contact" naalala niyang sabi sa kanya ni Shann.

There is another option, pwede rin niyang makumbinsi ang tita niyang baguhin ang probisyon nito, subalit alam niyang hindi iyon magiging madali.

Muling rumehistro ang mukha ng babaeng nanghampas ng bag sa isip nya, somehow, that made him chuckles.

Mabilis niyang tinawagan ang kaibigang si Ifan na may-ari ng isang Security Agency. He needs him to do something for him. Asap.

................

"The CEO is looking for you, do you personally know him, Zanya?"

Napakunot noo si Zanya ng iyun ang ibungad ng kanilang department head sa kanya pagdating na pagdating pa lang niya sa department nila.

"Huh? Hindi po Miss Maree. Hindi ko pa nga nakikilala yun eh, bakit daw po?"

"Better ask him yourself,"

"Okey po, I'll get going." Ano kaya ang kailangan ng isang CEO sa isang hamak na empleyada na kagaya niya na hindi na lang sinabi kay Miss Maree. Hala, violation ba ang hindi niya pagdalo sa pagpapakilala dito bilang bagong CEO? Baka ma-fire siya, naku, kailangan niya ng karagdagang pera.

Pinalis niya ng inisip. Baliw na CEO ang magpa-fire ng empleyado dahil lang sa napakaliit na bagay na iyun. Napaparanoid na naman siya.

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon