Zanya's hands were sweating, kanina pa simula ng sunduin siya ni Ivo sa bahay niya. Tonight, he will officially introduce her to his family as his fiancée.
Alam niyang maganda siya ng gabing iyun, dahil pinaghandaan nila iyun ni Ivo, nai-orient na rin siya ni Ivo sa background ng bawat isa sa pamilya nito, it is just that she can't contain her nervousness, na para bang totoo ang relasyon nila ng binata and she really needs to gain his family's approval.
"Chillax, hindi nangangain ang pamilya ko," ani Ivo ng makababa na siya sa sasakyan nito. Somehow she knew he can sense her uneasiness.
Pilit niya itong nginitian, "Ofcourse, kaya ko ito, chicken feed,"
"Akin na ang kamay mo," anito at kinuha ang dalawang kamay niya, and there the unfamiliar current again, huli na para mabawi niya ang mga kamay, because he already hold ito tight. Ikinulong nito sa sariling mga kamay ang mga kamay niya at bahagyang pinisil. She felt how warm his big hands were, somehow ay natuon nga ang atensyon niya sa nararamdaan niyang kakaiba ng mga oras na iyun, naibsan ang kaba niya.
"Look at me in the eyes, Zanya,"
Unti-unti nyang itinaas ang paningin, only to find Ivo na titig na titig rin sa kanya, pakiramdam niya ay may emosyon sa mga mata nitong mahirap mapangalanan, shit, wrong move. Hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata, since when she tried, mas lalong tumahip ng walang habas ang dibdib niya, he is really not good for her sanity.
Inulit nito ang sinabi subalit hindi niya ito sinunod. Naramdaman na lamang niya nag unti-unting pag-angat ng mukha niya, before she knew it, she is already mesmerized by his stares. Napalunok siya upang pawiin ang tila kung anong bumara sa lalamunan niya. Hindi rin niya sigurado kung unti-unti nang lumalapit ang mukha ni Ivo sa mukha niya o siya ang lumalapit dito, ang alam lang niya ay tila may pwersang humahatak sa mga mata niyang pumikit, she can already feel Ivo's breath fanning her face when she heard a couple of hands clapping. Awtomatikong napamulat siya ng mata at napalayo sa binata.
There she was greeted by several smiling faces. Walang duda, this is really is it. Time to be an actress. Napapitlag pa siya ng maramdaman na hinapit ni Ivo ang beywang niya palapit dito. Lalong lumakas ang tila nagririgodon sa dibdib niya.
"Oh heart, have mercy on me..."
"Anak, mamaya na ang sweet moments nyo, we can't wait to meet your fiancée," lumapit na sa kanya ang hinuha niyang nanay ni Ivo. "Hello iha, I'm your tita Ira, Ivo's mom." Anito at bumeso pa sa kanya.
"Nice meeting you po, tita,"
"Ehemm...allow me to introduce first this beautiful lady beside me, everyone. Si mommy hindi talaga nagpahuli, anyway this my future betterhalf, Zanya, honey, my family. My dad, Primo Mondragon, my mom, Ira, and my tita Fe, ofcourse, you already know her."
"Hello po, nice to meet you po, Sir, Tita Ira and, good evening po, Miss F."
"It's tita Fe now, Zanya, or you want me to call you Miss Magtanggol?"
"And it's tito Primo, Zanya. Welcome to the family iha,"
Napangiti siya sa pag welcome ng mga ito. Ivo is right on what he says na wala siyan dapat na ipag-alala sa pamilya nito, she indeed felt welcomed.
"Sige po, tito Primo, Tita Fe,"
"Good, I now officially announced, on my own law, that you are now the young madam of MGC." Sabi ni Miss F.
"Oppsss... don't forget that she will also be the madam of UFC someday, ate," si Ira naman ang nagsabi.
"C'mon ladies, wag nyo namang pini-pressure ang honey ko, baka magback-out ito, kayo pa ang masisi ko."
"We are just welcoming her as a next Mondragon lady, Ivo, that's very basic." Ani Ira.
"It's okey Ivo, no pressure." Nginitian niya ng mabini ang "kasintahan"
"O sya, sa hapag na natin ipagpatuloy ang kwentuhan, I am so excited to know the daughter in law of this family more. Nang maplano na agad ang kasal"
Imbes na si kay Ivo siya naka-abrisete ay inagaw na siya ni Ira sa anak, ang ginang na ang umabrisete sa kanya. Mukhang excited nga ito, mukhang wala rin siyang magiging problema dito. Bigla nga lang sumikip ang dibdib niya ng maalala ang totoong dahilan kung bakit nandoon siya sa bahay na iyun.

BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
Roman d'amourKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...