Mahabang debate pa ang nangyari bago napilit ni Zanya ang asawa na kumain na lang sila sa labas. Bukod sa gutom na talaga siya ay nakakahiya naman na pakainin ito ng luto niya, totoong hindi siya marunong magluto, as in. Nairaraos niya ang araw araw na hindi gaanong pinag-iisipan ang mga kinakain, in short, healthy living is way too distant in her mind. At wala siyang pakialam doon, kung hindi lang niya narealize na may pansamantalang asawa na pala siya, kailangan na niyang matutong magluto kahit ayaw niya. Kaya mag-aaral siya starting tomorrow, bahala na si youtube.
"I want Jollibee,"
"Seriously? Bata lang?" pambabara sa kanya ni Ivo, mukhang against ito sa ideya na sa naturang fastfood sila kakain, alam niya ang dahilan, masyadong crowded, at alam niyang iyun ang pinakaayaw nito sa lahat. Subalit gusto niyang i-testing kung hanggang saan ang haba ng pasensya nito sa kanya, kaya bahala ito.
"Wala kang pake, kakain ako kung saan ko gusto, kung ayaw mo, eh di wag, maghanap ka ng hindi fastfood." aniya at tinalikuran na ito. Pumasok na siya sa naturang fastfood at pumila na sa counter. Mahaba nga ang pila, subalit wala naman siyang pakialam, sanay na naman siyang maghintay. Love nga nahintay niya, pagkain pa kaya? Napabungisngis siya sa naisip.
Hindi na niya hinanap ang asawa, malamang ay napikon na ito sa kanina pa niyang pag-iinarte, she is actually testing him, kung papaano niya ito pakikisamahan.
"Maghanap ka na ng table, ako na ang pipila para sa atin," napapitlag si Zanya ng marinig ang boses nito, akala niya ay hindi ito sumunod, lihim siyang nangiti, baka nakunsensya.
"Di ba ayaw mo ng crowded? Bakit andito ka? May fine dining resto dyan sa kabila, doon ka na lang kumain." Kunwari ay pambabara niya dito kahit na deep inside ay natutuwa siyang nagpatihunod ito sa gusto niya.
...................
Naalimpungatan si Zanya ng makaramdam ng pagkalam ng tiyan. She look at the wall beside her table, napasimangot siya, alas dose kinse, damn this habit, naging habit na niya ang midnight snack, konti man o madami ang kainin niya sa dinner. Kataka-taka nga na hindi siya lumulobo ng grabe kahit na matakaw ang tiyan niya. Hindi nga siya marunong magluto pero talent naman niya ang kumain, madami siya lagi ng stocks ng easy to prepare na pagkain, kaya nga kanina ng mag-grocery sila ni Ivo ay panay mga ganoong pagkain ang inilagay niya sa cart.
Maingat siyang lumabas ng kwarto, hindi na niya ini-on ang ilaw sa sala, baka natutulog na si Ivo sa kabilang kwarto, ayaw niya itong maistorbo, kawawa naman, napagod ito ng husto sa pamimili nila kanina. Ginawa niya itong taga-bitbit ng mga pinamili nila habang naglilibot-libot sila sa mall. Good thing ay hindi ito nag-reklamo.
Sa kusina na ang diretso niya, hinanap niya ang mga groceries sa pinaglagyan niya kanina ng eco bag subalit maingat na nakatupi na lang iyun doon, wala ng laman. To confirm her curiosity ay binuksan niya ang ref, and true to her hula, neatly arranged na ang mga pinamili nila. Lihim siyang naguilty, hindi na naman siya tumulong. Mukhang napapasobra na ang arte niya.
Kumuha siya ng hotdog sa freezer, mag-piprito siya, iyun na lang ang kakainin niya pang-ulam sa tinapay. Nang isara niya ang ref at pumihit siya paharap ay ganun na lamang ang gulat niya na kamuntik pa niyang ikabitaw sa hawak ng makitang nakatayo sa hamba ng pinto ang namumungay na ang mga mata na si Ivo. Mukhang kagagaling lang nito sa patulog.
"Ginulat mo ako. Bakit gising ka pa? naistorbo ba kita? Nakaingay ba ako?" sunod sunod niyang tanong.
"Hindi lang ako makatulog. Anong gagawin mo?"
"Ha? Ehh...magluluto sana, nagugutom na ako eh," nahihiyang napakamot siya sa batok, baka isipin nito na patay gutom siya.
"Want me to cook for you?" anito at lumapit sa kanya.

BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...