Hindi napasama sa rules making ang gawaing bahay, kaya kahit na hindi siya tulungan ni Ivo ay okey lang din kay Zanya na siya na ang gumawa niyun habang nagbabahay-bahayan sila, tutal ginagawa naman na niya iyun dati pa. Para naman atleast masuklian niya ang effort nito na ipagluto siya. Subalit ang enthusiasm niyang gumawa ng gawaing bahay ay tila nilipad ng hangin ng pagbukas na pagbukas pa lang niya ng pinto ng kwarto niya ay ang topless na naman na si Ivo na abala sa pagbubunot ng sahig ang mabubungaran niya. Wala silang kompitensya sa pagalingan ng pag trabaho sa bahay subalit pakiramdam niya ay wala nga siyang binatbat dito. Hindi siya metikulosang tao subalit passable naman ang linis ng bahay niya. Hindi nga lang siya naglalampaso ng sahig gaya ng ginagawa nito.
"Good morning honey, breakfast is ready, nasa mesa na." nakangiti pa rin ito kahit na tagaktak ng pawis.
Kinarir na talaga nito ang endearment na honey sa kanya.
"Hindi mo na dapat iyan ginagawa, kaya ko namang maglinis ng bahay."
"This can be my form of exercise, nakakapaglinis pa ako, daig nito ang pagdi gym." Ni hindi nabakasan ng kaartehan ang boses nito. Malayong malayo ito sa Ivo Mondragon na boss nila, this version of his is a complete evolution of him being their boss inside MGC.
"Bahala ka, ang akin lang wag mo akong susumbatan na inaalila kita dito sa bahay."
"Trust me, I won't. Sige na, magbreakfast ka na, kumain na ako kanina."
Nagkibit balikat lang siya at tumuloy na sa dining room. True to his words ay may pagkain na nga rin siya. Lihim siyang napangiti, kung hindi pa siya aware sa totoong kulay ng mga lalaki ay baka isipin niyang ganoon talaga ang ugali nito. Pero kung ganoon nga, napaka-swerte naman ng magiging totoong asawa nito, magbubuhay reyna, too bad, hindi siya iyun. She stopped believing in forever long time ago, since the tragedies happened to the women in her family. Hindi dapat mabago ang paniniwala niyang iyun, nagpakasal siya sa lalaki para sa pera na magagamit niya sa AI, mukha kasing sa paglipas ng panahon na kasama niya ito ay nalilimutan na niya ang orihinal na plano.
Napangiti siya ng mapakla, some people are just too good to be true, parang hero sa nobela, but reality check, there's none.
...............................
"When would you want to go to US? Half of our deal was already transferred on your account."
Gulat na napalingon si Zanya sa katabi habang nanonood sila ng isang Korean rom-com movie. Magkatabi sila nitong nakasalampak sa sahig. Imbes na sa sofa sila maupo, naging backrest na lang nila ang lower part niyon. Ganoon kasi si Zanya manuod ng kdrama, para mas feel niya. Weird, pero ganun talaga siya eh, nakigaya lang si Ivo. Taong bahay sila nito ng araw na iyon dahil ayaw niyang lumabas, masyadong mainit, masisira ang kutis niya.
"Bakit mo ginawa agad yun? Diba ang deal natin next year mo pa ako bibigyan ng napag-usapan natin?"
"Well, I guess, you'll need it already, diba balak mong mag pa AI? You can do it already, just say a word and I'll prepare everything for your flight and operation."
Napangiwi siya sa sinabi nito. Mukhang hindi rin ito nag-iisip. Aware ba ito sa pinagsasabi nito?
"Sabi ko, pagnaghiwalay na tayo, gusto mo bang isipin ng pamilya mo na anak mo ang bata? Mr. Mondragon, Korean looks ang gusto ko sa magiging anak ko, baka nga mapagkamalan pa na ikaw ang tatay kapag nagkaanak ako habang nagsasama pa tayo." Makakalimutan ba niyang mukhang kpop idol ang asawa niya? Medyo formal version nga lang, laging nakasuit at itim ang buhok. Papasa pa nga itong older brother ng Korean crush niyang si Park Bo Gum.
BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
Roman d'amourKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...