CHAPTER 18 (The End)

357 13 11
                                        

"May nagdodoorbel, pakitingnan Zenaida." Ang mama Zonya nila ang nag-utos. Mukhang may bisita pa sila sa mga oras na iyun, at ang ate Zen niya ang pinaka- malapit sa pintuan.

Matagal bago bumalik ang ate niya. Nang pumasok ito ay alanganing ngiti ang nakapaskil sa mukha nito.

"Sino ang tao ate Zen?" tanong niya sa kapatid habang patamad siyang bumangon sa kinahihigaang sofa. Alas otso na kasi ng gabi, sa probinsya nila, late na ang ganoong oras. Tapos na sila niyong maghapunan, heto nga at kasalukuyan na silang nanunuod ng primetime drama sa telebisyon.

"Asawa nya daw ang nagngangalang Zanya Mondragon...at dito daw nakatira, hinahanap niya..." mukhang hindi rin sigurado ang ate niya sa sasabihin.

"Asawa...ASAWA???" bigla siyang napatayo ng tuwid, sa isang iglap ay tila nilipad ng hangin ang antok na nararamdaman niya.

"Asawa mo?" tila nag sink in na din sa ate Zen niya ang pangyayari.

"Andito ang asawa ni Zantina?" chorus pa na sabi ng lola at ng mama niya. Sabay ring napatayo ang mga ito at napasilip sa pinto. Ang lola niya ay lumabas pa para usisain ang sinasabing bisita nila. Napakunot noo siya, bakit may pakiramdam siyang hindi nagulat ang dalawa sa ibinalita ng kapatid niya? Subalit inignora muna niya ang naisip. Hinahanap ang isang Zanya....sa kapit-bahayan nila, siya lang ang mayroong pangalang ganoon. Hindi kaya si Ivo nga ang naghahanap sa kanya?

Bigla siyang kinabahan, Pero imposible, wala siyang naikukwento dito tungkol sa kung saan siya nakatira. Maliban na lang kung.....

As if on cue ay pumasok si Carla. She looked so sorry.

Natampal niya ang noo niya. Sabi na nga ba niya. Kahit kailan talaga ay panirang diskarte ang bestfriend niyang ito.

"Friend, I'm sorry friend, at ipinagkanulo kita, hindi lang talaga ako maka-hindi sa pogi. Pinilit nya akong umamin, natakot ako kaya......kaya umamin ako kung nasaan ka"

"Ikaw, matakot? Hindi ka si Carla kapag natakot ka, ang sabihin mo nag-shift ka na ng loyalty"

"Sorry na, hindi naman talaga ako papipilit kay Ivo kung hindi siya nag-confess ng feelings para sayo, give him a chance na magpaliwanag friend, wag kang maarte pa dyan, binali ko na ang promise ko para sayo."

Si Ivo? Hinanap talaga siya? Pinuntahan nga talaga siya, kahit na tumawid pa ito ng dagat? Hinamig niya ang sarili, masyado ata siyang na overwhelm ng mga oras na iyu. Teka, ano na nga ba ang panuntunan niya? Wait...mag iisip muna siya

"Ang gwapo pala ng asawa mo. Zanya, lumabas ka na, baka ginigisa na yun nina nanay at mama." nang marinig ang sinabi ng kapatid ay noon niya napansin na maging ang mama niya ay nasa labas na rin.

Ang kakaibang damdaming lumukob sa kanya kanina lang dahil talagang pumunta sa kanila si Ivo ay napalitan ng inis at pangamba.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Ivo at pumunta-punta pa ito doon? Naghahanap lang ito ng problema. Ngayong alam na ng pamilya niya ang tungkol sa kasal niya ay mas malaking problema ang kakaharapin nila. Nagmartsa siya palabas. Naabutan niyang naka-upo si Ivo sa upuang kawayan habang nasa harap nito ang lola at mama niya na palakad-lakad. Naka-halukipkip ang mama niya habang ang lola naman niya ay nasa baywang ang mga kamay. Nagigisa nga ang asawa niya.

Nang makita siya nito ay akmang tatayo ito ngunit mas maagap ang lola niya.

"Maupo ka sa tabi ng lalaking ito, Zantina, sa tingin ko may kailangan kang aminin sa amin."

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon