CHAPTER 7

202 7 0
                                    

Busy sa paglalagay ng egg whites sa mukha si Zanya ng marinig na tumunog ang phone. Pinabayaan lang niya ito, baka hindi naman importante, nasisira ang konsentrasyon niya sa ginagawa. Subalit muli iyong tumunog kaya'y nilapitan na niya, baka nga importante. It turns out na si Carla lang naman pala ang caller.

"Panira ka ng pagpapaganda, Carla," bungad niya rito, "Anong atin?"

"Open your facebook bes, dali, somebody uploaded a video of yours, nai-mention na kita gosh, trending ka na,"

"What the, anong video? Wala akong video,"

"Just open it, bilis na, open your fb."

Napakunot noo siya sa sinabi ng kaibigan, ay grabe, ano naman yun? Parang hinahabol ng mga scary creatures ang kaibigan base sa boses nito.

Curious, she aborted her friend's call and log-in to her facebook.

Thirty seven messages, fifty one notifications. She immediately clicked her notifs. Carla Ferrer mentioned you in a post. May video, then she clicked it. At ganoon na lang ang gulat niya ng ang pagmumukha njya ng nakita niya sa video, it was the video ng supalpalin niya ang mukha ng lalaki ng dala niyang clutch bag just several nights ago. It is only a forty nine seconds video subalit kitang kita ang pagmumukha niya doon, ang mukha naman ng lalaki ay hindi nakikita dahil natakpan ng clutch bag niya. Trend.ph ang page na nag upload ng video, at may hashtag na clutch bag girl. At umabot lang naman ang nataturang video ng 138,872 likes at 3,522 na shares. Hindi na siya nagbasa ng comments, nakikini-kinita na niya ang mga nega comments ng netizen warriors na para sa kanya.

Tigalgal siya ng maibaba niya ang cellphone na hawak, what have she done? Ng dahil lang sa obsession niyang magkaanak na agad ay nangyayari ito? Saan niya hahagilapin ang taong nag-upload ng video ng masupalpal din niya ng clutch bag?

Pero kitang-kita ang mukha niya, sa mga oras siguro na iyun ay pinag-uusapan na siya ng mga kakilala niya, patunay doon ang madaming messages sa kanya. Hindi na siya nag-abalang buksan ang mga iyun, tiyak na mga messages lang iyun ng mga taong nais maki-chika sa trending video.

Kailangan niyang mag-isip ng paraan para maisalba ang pagmumukha niya. Kailangang may maiba kahit papaano sa mukha niya, dahil baka kapag lumabas siya ay may makapansin sa kanya at makilala siya. Atleast one week ay dapat mag-iba siya ng anyo, kung pwede lang. kailangan muna niyang hintaying mawala sa trending na video ang atensyon ng mga tao.

Hinagilap niya ang gunting sa bag niya, she needs a little makeover, and she will start it on her hair. Kaya naman niyang gupitan ng buhok ang sarili.

Bwisit kasing lalaki yun, nausyami na nga ang plano niyang matagal na pinagplanuhan, nagtrending pa siya . Parang nais na niya itong hunting-in at sirain ang mukha sa hampas ng clutch bag.

................

Pagpasok kina lunes-an ay trending talaga kahit sa opisina ang video niya. Kapag may nagtatanong ay sinasabi niyang hindi siya iyun, may mga nakumbinsi subalit mukhang meron ding naghihinala na siya nga iyun. Tanging si Carla lang ang nakakaalam ng totoo. Nagtatrabaho siya bilang isa sa mga accounting staff ng Mondragon Group of Companies. Magaan ang trabaho at hindi hectic, mataas din ang pasahod, ilang taon na rin siya doon. Masaya siya sa trabaho dahil stable at nakakapag ipon siya.

"Bago na daw ang management, papalitan na ng pamangkin niya si Madam F," narinig ni Zanya na chika ng ever reliable radar and gossip ambassadress ng department nila na si Venus. Bagamat busy sa ginagawa ay nakikinig si Zanya sa usapan.

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon