CHAPTER 13

191 5 0
                                        


"At ano ba itong nasasagap ng radar ko na road to forever na ito? Hmp?" bungad agad ni Carla ng mapagbuksan ito ng pinto ni Zanya.

"Saan mo na naman yan nakuhang balita ha?"

Tuloy-tuloy na naupo ang kaibigan niya sa naroong sofa kahit na hindi niya ito inimbitahan, ganoon sila ka-close na magkaibigan, parang magkapatid na nga ang turingan nila.

"Iyung jowa-jowaan mo na big boss ng MGC, ipinagkanulo ka, engage to be married na nga raw kayo, anong ganap? Kala ko engage ek ek lang, mauuwi sa marrying stage? Aba, pinagpala ka, yung Michael Cinco kong gown as the maid of honor, don't forget"

"Yun na nga bes eh, engage engage lang kunwari, yun naman ang original plan, kasu mauuwi sa bahay-bahayan. Well, not bad kasi bonggang figures naman ang exchange rate, magagamit ko rin yun para sa future ng magiging anak ko 'no?"

"Future nyo na lang kaya ang isipin mo? Yung future anak disregard it for the mean time, pa inlove-in mo na lang, mas masaya yun."

"Inlove agad? Naku, anak lang ang gusto ko, ayokong matulad sa mga babae sa pamilya namin 'no? na nasushunga pagdating sa love, mas maganda na nga ang ganitong contract lang atleast malinaw sa akin ang magiging ending, atleast magiging cautious ako"

"Alam mo, ang nega mo bes, matalino ka naman, pero masyado ng naging nega ang brain mo pagdating sa usapang marriage ano?"

"Ganoon kasi talaga, I need to guard my heart therefore I will be spared from further disappointments diba?"

Iiling-iling na tinitigan siya ni Carla.

"Hopeless ka na nga bes,"

Hopeless na nga siya, she knew. Pero mas aware siya sa flow, mas maiigi. Dahil baka hindi niya kayanin ang magiging consequences kapag na-inlove siya ng totohanan.

........................

Napagkasunduan na magpakasal sina Ivo at Zanya sa Hongkong dahil may divorce doon. Ayaw sana ng pamilya ng binata dahil gusto ng mga ito ng church wedding. Pinangakuan naman nila ito ni Ivo na after a year sila magpapakasal sa simbahan.

At natuloy nga ang kasalang made in Hongkong, madalian at simple lang ang seremonyas, ang tumayong kapamilya niya ay si Carla samantalang kompleto naman ang sa side ni Ivo, kasama rin si Madam F. at ilang kamag-anak at pinsan ni Ivo, pagkatapos ng kasal ay umalis din agad sila.Hindi nila pinatulan ang Hongkong honeymoon na sinasabi ng mga kapamilya ni Ivo, katwiran nila ay sa Pilipinas nila gusto magbakasyon. Sa isang linggo kasi nilang pananatili sa HongKong para sa preparasyon ng kasal ay naglibot-libot na rin sila kaya ang gusto na nila ay makauwi, lalo na si Zanya, dahil gusto na niyang bumalik sa natural na buhay, nakaka-pressure pala kapag lagi niyang kasama ang pamilya Mondragon, not ugali wise or anything else related to attitude, pinaparinggan lang naman siya lagi lalo ng mommy at daddy ni Ivo tungkol sa apo.

Pagdating ng Pilipinas ay sa bahay niya sila tumuloy, siya ang nasunod, imbes na sa condo unit ni Ivo ay nagwagi siya na sa bahay niya sila titira. Kung magbabahay- bahayan lang naman sila eh di sa tototoong bahay na, para kapag dumating sa point na kailangan na nilang maghiwalay, hindi siya ang aalis, kundi si Ivo.

Ipinilig niya ang ulo, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya, kakakasal pa lang nila ay hiwalayan na naman kaagad ang iniisip niya. Kailangan muna niyang pagtuunan ng atensyon ang positive side ng agreement nilang iyon.

"We do not have anything on the ref, lalabas ako para mamili, may ipapabili ka?" napapitlag siya ng maputol ng tinig ni Ivo ang pagmumuni muni niya. Kanina pa pala ito ikot ng ikot sa bahay niya na waring kinakabisa ang mga bagay bagay doon, hindi naman na niya ito nai-welcome doon kaya mas maganda na nga iyung ito na mismo ang nag-familiarize sa sarili sa bawat sulok niyon, tutal ay maliit lang naman ang buong bahay.

"Sasama na lang ako, sa labas tayo kakain,"

Napakunot-noo si Ivo.

"Honey, first day natin bilang mag-asawa, hindi mo man lang ba ako patitikimin ng luto mo?"

"Hindi ako marunong magluto,"

"Then how did you survive living alone?"

"May malapit na karinderya dito, kaya hindi ako natatakot magutom. Bili na lang kaya tayo doon?" totoo iyun, katunayan nga ay kasundong kasundo niya ang nanay na may-ari ng karinderia.

"Eh ano lang ang alam mong lutuin?"

"Kanin, sa rice cooker, saka prito, slight, saka marunong din akong mag-init ng tubig." She grinned at the unbelieving look on Ivo's face.

"Yan ang dahilan kung bakit ang payat mo, tsk tsk tsk, habang naririto ako kakain ka ng mga masusustansyang pagkain, hindi ko hahayaang maging buto't balat ka dahil lang sa ayaw mong matutung magluto,"

"Hoy, marunong akong magluto, wala lang akong talent, saka wag mong malait-lait ang lifestyle ko at baka umalis ka dito ng hindi pa expiration date ng contract natin."

"Oo na, bahala ka na nga sa healthy life style mo, tara na, mag-asikaso ka na ng makaalis na tayo,"

"Sandali. Iyung sa rules and regulation natin na ginawa, may idadagdag ako,"

"Ano?"

"Bawal ka mag pakalat kalat dito sa loob ng bahay na naka-topless," napapansin kasi niya na simula kaninang umaga pagdating nila ay topless na ito na para bang ipinagyayabang sa kanya ang katawan nito. Aminado naman siyang kung naging malandi lang siya ay kanina pa niya iyun nilamas dahil sa nakakatulo laway naman talaga iyun, subalit matinong babae siya, may virtues, nais niyang matawa sa naisip. Basta, hindi pa rin tama na iparada nito ang katawan sa harap niya. Baka hindi siya makapagpigil, malimutan niya nag AI bilang procedure para magka-baby siya.

Tinaasan siya ng kilay ni Ivo. "Bakit? Apektado ka ba sa katawan ko, ha? Honey?" lumapit ito sa kanya, as in ilang dangkal na lang na waring iniinis talaga siya, o inaakit. Whatever, hindi dapat siya tablan ng mga pinag-gagagawa nito. May rules sila, at hindi siya ang tipo ng taong bumabali sa rules. Napaisip siya sa press release niya. Okey, it depends upon the situation na nga lang.

"Naalibadbaran lang ako, alis, tsupi, magdamit ka na ng makaalis na tayo."

Inabala nalang niya ang sarili sa pagkalikot ng cellphone niya kahit wala naman siyang pakay doon para lang matabunan ang pagkailang na nararamdaman niya. Sino nga ba namang babae ang hindi maapektuhan sa kakisigang kanina pa nito ipinangangalandakan sa kanya. Nananadya nga yata ang lalaki.

"Di ka na magbibihis?"Balik tanong nito sa kanya.

"Anong masama sa suot ko?" aniya at imunuwestra ang suot na pink jumpsuit. Sleeveless iyun at umabot lang sa kalahati ng hita niya ng haba.

"Expose ang legs mo, masyadong sexy, magpants ka na lang. "

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Sexy, huh? Bakit, apektado ka rin ba sa katawan ko?" ginaya niya ang tono ng boses nito ng sitahin niya tungkol sa pagiging topless. Nais niyang humalakhak, alam na niya kung papaano siya magwawagi sa mga rules nila. At sisiguraduhin niya na kanya ang huling halakhak.

"Panu kung sabihin kong oo? Anong gagawin mo, ha?" ay shet, bakit sexy ng boses ng kumag na ito?

"Rule number five." Aniya at itinaas sa mukha ni Ivo ang limang mga daliri.

"I don't think we can still keep that rule, quits na tayo diba? "

"Tse, a rule is a rule, no more, no less, magbihis ka na nga, gusto ko nang kumain, gutom na ako"

"Let's revise the rules, honey."

"No, 'honey' pirmado mo na yun, unless gusto mong mapatawan ng breach of contract. Dalian mo, gutom na ako, baka ikaw dyan ang kainin ko eh,"

Sinagot siya ni Ivo ng malutong na halakhak.

"Saan mo gusto magsimula, honey?"

"Bwisit ka, Dalian mo."

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon