Chapter 3

450 6 0
                                        


CHAPTER I

Zanya stared at the white washed wall of the funeral parlor kung saan nakaburol ang pinsan ng kanyang bestfriend. Wala siyang imik kanina pa, napapaisip at napagkukuro kasi niya kung gaano kaiksi ang buhay ng tao. The deceased, according to her bestfriend is only 39 years old, healthy, single, NBSB, career woman and successful at her field, accountant daw. Mataas ang ambisyon sa buhay, but in just a snap of a finger, kinuha na ni lord. Ang dahilan? Cancer sa dugo, stage 4, late ng nalaman kaya hindi na naagapan. Kaya nga raw ang sama sama ng loob ng pamilya dahil mataas ang ambisyon ng mga ito para sa namatay.

May pumutik sa sintido ni Zanya, iyon, iyon ang dahilan ng matimtimang realization niya sa buhay. Ang bata pa ay kinuha na ni lord, walang edad na pinipili nga naman ang kamatayan. Kasu ang malungkot doon ay ni hindi nito naranasang tawaging nanay. Hindi naranasang maghatid ng anak sa school o mag-cheer sa tuwing may event ang anak.

The entire happening alarms her, actually that made her realize na ayaw niyang mamatay ng walang bakas man lang na maiiwan sa mundo, tulad ng pinaglalamayan nila ngayon. Who knows when she would die? Nobody can tell, kaya napagkuro niyang maraming panahon na ang ipinagliban niya thinking that it is just okey to grow old alone. Until today. Hindi pala okey, her sister and her friends will have a life of their own, ang nanay at lola niya, mauunang mawala sa mundo, and she will be left alone. ALONE. Mamamatay tulad ng pinaglalamayan ngayon, her memories with other people will fade. She even doubt if her tomb will be remembered. She shivered at the thought. Ayaw niyang ganun, wala man lang dadalaw sa kanya tuwing All Soul's Day? Malungkot 'yun, Saka baka ma-bully siya sa langit.

Napabuntong-hinga siya, sooner ay sisimulan na niyang trabahuhin ang goal na iyun, may kaunting problema nga lang, wala siyang boyfriend.

"Balak pa naman sanang magpa-artificial insemination na lang ni Addy para mag ka baby sya, ayaw kasing mag-asawa, pero hindi pa man niya nagagawa yun wala na siya sa mundo, sumalangit na lang ang kaluluwa niya," sabi pa ng katabi niyang si Carla ang bestfriend niya, na pinsan ng pinaglalamayan.

Napatingin siya bigla sa kaibigan. Some bulb in her head sparked.

"Meron na ba niyan sa Pilipinas?"

"Meron na, nabanggit nga niya noong napag-usapan naming magpipinsan ang tungkol doon, pero ang balak ni Addy noon sa America, may kamahalan nga lang, pero makakapamili ka kung anong lahi ang gusto mong maging half ng anak mo, maliit ang tsansa na mabuo ang bata agad, depende pa daw iyon sa ilang factors, pero who knows? Ang one percent ay tsansa pa rin."

"Maliit lang talaga ang chance?" napaupo siya ng maayos paharap sa kaibigan. Her friend just gave her an idea.

"Sabi...teka, don't tell me na interesado ka?"

"Why not?" hindi masamang i-consider niya ang nasabing option, may nabasa na siya minsan tungkol doon, kaya kahit papaano ay may alam din siya.

"Di nga?"

"Wala akong boyfriend bes, hindi nabubuo ang bata ng sariling sikap, kailangan ng sperm donor."

Her friend eyed her unbelievably.

"Zantina Ysabella Magtanggol, trenta ka pa lang, lumandi ka na habang tanggap pa ng lipunan ang paglandi mo, baka naman kapag senior ka na saka mo lang maisipang makipag-boyfriend!"

"Out of stock ang boyfriend na gusto ko ang qualities, di bale na, ayokong mag settle sa brand X."

"Ang choosy, ayan, yang mataas na standard ang sisihin mo kung bakit ngayon naiisipan mong mag-alternative process para lang magka-anak."

Hindi lingid sa bestfriend niya ang mga panuntunan niya sa buhay. Kilala siya nito mula ulo hanggang ingrown ng kuko sa paa. At alam nito ang mga issues ng buhay niya.

"Bakit ba? walang masama kung patunayan ng mga babae na kaya nating mag anak mag-isa na walang asawa, napaka-stereotyping kasi ng lipunan, Kapag dalagang ina, malandi agad? Di ba pwedeng choice natin iyun?"

"Sa senado ka mag-speech, wag dito, baka marinig ni Addy yang mga sinasabi mo, babangon yan sa kabaong at makikihigh five sayo, pareho kasi kayo ng prinsipyong pinaglalaban. Kakasa ka bes?"

"Sorry na, nadala lang." aniya. Sa pamilya kasing pinaggalingan niya, girl power na ang nananaig, wala ng male figure, kaya kahit hindi pa niya personal na nararanasan ang sakit ng maling pana ni kupido ay nega na ang attitude nya sa bagay na may kinalaman ang mga salitang date, boyfriend at relationship status. Pero di ang anak, dahil kahit na nga welcome sa kanya ang idea ng single blessedness, gusto pa rin niya ng anak na magiging bakas niya sa mundo. Para naman may maisagot siya kapag naitanong sa kanya sa langit kung ano ang kontribusyon niya sa lupa kapag namatay siya. Saka real talk naman, walang magmamana ng kanyang mga pinaghirapan pagtanda niya.

"May ipapadate ako sayo, mukhang matino naman, kalimutan mo na muna ang mga issues mo pamilya mo, sige ka, baka mamatay ka na tulad ni Addy, wala man lang na lalaking mananangis."

"Eh kung ikaw kaya ang manangis kapag nagpakita sayo ang kaluluwa ng pinsan mo?" kahit kasi alam ni Carla ang stand niya sa relationship goals ay hindi pa rin ito sumusuko na ipakita sa kanya ang positive side ng pagkakaroon ng boyfriend. Ilang dates na din ang nai-set nito para sa kanya na sa huli ay hindi rin naman nag-work.

"Hindi ako niyan tatakutin, favourite cousin nya ako. Ikaw ang matakot, dahil kapag namatay kang virgin, pag-uusapan ng marami ang kasawian mo, naririnig mo naman siguro ang sinasabi ng mga tao dito sa burol diba?"

May katotohanan ang sinabi ni Carla, madami nga siyang naririnig na mga panghihinayang. Yun nga ang dahilan kung bakit bigla siyang nagkaroon ng matimtimang realisasyon. Unpredictable ang buhay ng tao, kaya dapat ay tinatrabaho na niya ang goals kung talagang gusto niyang magka-anak.

Muli siyang napatingin sa kinahihimlayan ng namatay, ng magawi ang tingin niya sa malaking portrait nito ay tila nakatingin ito sa kanya at nakataas ang kilay. Na para bang sinasabi na " Don't you dare to be like me."

Ipinilig niya ang ulo. Bigla siyang kinilabutan. 

Absolutely TakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon