"Tita Fe wanted me to manage the main company?" gulat na reaksyon ni Ivo sa sinabi ni Atty. Zabarquel, ang abogado ng kompanyang hawak ng tita niya, ang Mondragon Group of Companies kung saan hawak ng mga Mondragon ang eighty five percent ng shares at kasalukuyang ang tita Fe niya ang CEO. "But she knew na may trabaho din ako," kasalukuyan kasi siyang COO ng kompanyang ang daddy niya ang namamahala kaya't nakakagulat na gustong ipasa ni tita Fe ang posisyon nito sa kanya. Besides, she is still young and active. Why the sudden rush?
"Gusto ng mag-retire ng tita mo, iyong tipong hindi na siya magwo-worry sa kalagayan ng kompanya dahil alam niyang nasa mabuting kamay iyun. Ivo, you, next to your tita Fe, wala na namang magmamanage ng MGC maliban sayo, hayagan ng sinabi ng tita mo na ikaw ang magmamana sa posisyon niya sa main branch, so basically, it is already your responsibity, besides, mapapasayo din naman iyon someday." Tita Fe is a fifty seven years old maid, tumandang dalaga ang tiyahin niya na isa ang MGC sa mga naging dahilan. And one thing he is sure about is that she loves MGC so much, it is her own sweat and blood.
"Papano naman kung hindi ko tatanggapin ang offer ni tita Fe?"
"Well, she will hire somebody na sa tingin niya suitable na maging CEO, but the entire shares of the Mondragon clan will be donated to a charity institution of her choice."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Gagawin iyun ng tita niya sa pinakamamahal nitong kompanya? That's unbelievable.
"Ok, let me first think about it and consult this with my dad, may posisyon din kasi akong iiwanan sa United Foods Corporation,"
"By the way Ivo, I forgot some clause here, kailangan mo rin palang mag-asawa muna bago maisalin legally sa pangalan mo ang titulong CEO ng kompanya."
"What???" dumulas sa kamay niya ang cellphone na hawak.
.......................
Inis na naibato ni Ivo ang hawak na cellphone sa sofa. Kanina pa niya tinatawagan ang tita Fe niya subalit laging out of coverage area. Ayon sa sekretarya nito ay nag-iwan ito ng mensahe na hindi daw ito paiistorbo dahil kasalukuyan itong nasa Visayas para magpaabot ng tulong sa isang liblib na eskwelahan. Nobody knows the location of the school, or kahit pangalan lang. Piniling ilihim nito ang lahat kahit sa assistant nito. Ganoon ang tita niya kapag may gusto itong puntahan na alam nitong may pipigil dito, hindi nagpapaalam. Kagaya na lang ng magpunta ito sa Africa para magpaabot ng tulong sa mga naghihirap na kumunidad doon. O nang sumama ito sa isang charity institution para magbigay ng tulong sa mga na trap ng giyera sa Marawi.
When Rufina Mondragon says, she does. Walk the talk pa nga ata ang motto ng tita niya, at alam niyang hindi spared ang panukala nitong kailangan na niyang mag asawa para makuha ang posisyong ito lang naman ang may gustong ibigay sa kanya. Well, he can abandon the proposal, hindi pa naman siya magdidildil sa asin kapag hindi niya tanggapin ang offer. Mayaman ang pamilya niya at may sarili rin siyang pera at mga ari-arian. Subalit may pumipigil sa kanya na ipagsawalang bahala ang offer ng tita niya. MGC is the mother company of all the company na pinamamahalaan ng mga kamag-anakan nila, including his father's UFC. If MGC fall, magkakaroon ng domino effect, and everything they have will just perish in the air. Poof. Simple as that.
Kaya nga siguro ang lakas ng loob ng tita niya na ibluff siya, dahil alam nitong hindi niya mahihindian ang gusto nito. Lalo na at naisa-papel na ang lahat ng kondisyon.
Nag-ring ang cellphone niya. Mabilis na nilapitan niya iyun at kinuha, sa pag asang ang tita na niya iyun. Subalit lalo lang siyang nainis ng mapagsino ang nagtext. Ang isa pang babaeng nagpapasakit ng ulo niya. Matagal na rin niya itong kino-contact subalit tulad ng tita Fe niya ay hindi siya sinasagot. Women really got into his nerves.

BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...