"I'll be going somewhere, huwag mo muna akong hahanapin."
Paulit-ulit mang basahin ni Ivo ang message ni Zanya sa kanya na iyon, o paulit-ulit man niyang tawagan ang numero nito ay palagi pa ring out of coverage area. Hindi na niya mabilang kung ilang text messages ang naipadala niya dito, o kung ilang tawag na ang ginawa niya subalit wala pa rin siyang nakukuhang sagot na matino kung bakit ganoon ang text sa kanya ng asawa at hindi niya ito mahanap. Nakalipas na ang 24 oras simula ng umalis ito sa MGC at wala na siyang nakuhang anumang komunikasyon mula dito. Pati koneksyon ng SPO3 niyang kaibigan na si Shann, pati mga agent ni Ifan ay pinakilos na ng mga kaibigan niya matulungan lang siyang malocate ang asawa. And he's getting impatient. Labis na siyang nag-aalala sa kalagayan nito.
He's at fault. At hindi niya iyon sinasadya. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Arianne. They are supposed to be just friends na lang, sa loob ng mga panahong nakasama niya si Zanya, narealized niyang hindi na si Arianne ang nagmamay-ari ng puso niya. May iba ng ibinubulong iyon, higit na mas malakas ang intensidad kumpara sa naramdaman niya noon kay Arianne, subalit nagulat na lang siya ng magtapat ang ex-girlfriend ng damdamin sa kanya, gusto nitong bigyan uli ng tsansa ang nausyaming relasyon nila noon. Tinapat na niya ito kung ano ang tunay na estado ng puso niya bago pa man pumasok ng opisina niya si Zanya, ngunit ang galing tumayming ng pagkakataon. Humingi na ng paumanhin si Arianne - na hindi naman kilala si Zanya. Sabi nito ay personal itong hihingi ng tawad sa asawa niya kapag nagkita na ang mga ito sa maayos na pagkakataon.
Kaya't kailangan na niyang makitang muli si Zanya sa lalong madaling panahon. Marami siyang gustong sabihin dito. Gusto na niyang maging maayos ang lahat sa kanila.
......................
Ginigisa kami ni Sir Ivo, Zanya, have mercy on us, tawagan mo na, o kahit i-text, mainit ang mata sa aming lahat sa department natin, lagi naming panauhing pandangal dito, sa amin naghihintay ng news feeds sa whereabouts mo kahit na obviously ay hindi naman namin alam kung saang lupalop ka nagkakampo.
Message iyun mula kay Venus, sa facebook muna siya, gamit ang laptop ay nakikibalita siya ng mga ganap sa kabihasnan, kung gagamitin kasi niya ang cellphone ay baka ma-trace ang where abouts niya via gps, atleast mas safe naman sa facebook. Alam niyang hindi mahilig sa facebook si Ivo, hindi ito classic Millenial na facebook is life.
I'm sorry Venus, sana wag nyo akong pagtulungang sabunutan pagbalik ko.... Sinarili lang niya ang nais sabihin. Mapag-iinitan si Venus kapag nalaman ni Ivo na nag uusap sila.
Tatlong araw na simula ng mag MIA siya, hindi naman masasabi na AWOL siya dahil kung tutuusin ay nasa leave pa siya. Babalik naman talaga siya sa lunes, para magpapirma ng tuluyan sa nakabinbin niyang resignation letter, isasauli na lang niya ang pera kay Ivo, tapos na ang charade nila, hindi naman na siguro mapupunta sa charity ang MGC dahil hindi naman nakasaad sa kasunduan ni Madam F. na kailangan nilang manatiling kasal, basta maikasal lang si Ivo. So technically, kasalanan ng abogado ni Madam F., hindi gaanong pinag-isipan ang mga inilagay sa kontrata.
She's been playing cool for too long, hindi na niya kaya. Tama nga ang sabi sabi, tulak ng bibig, kabig ng dibdib, masyado pa siyang madaming sinabi para hindi ma inlove kay Ivo, masyado siyang confident. But little did she know na unti-unti ng natitinag ang bakod na matagal niyang itinayo sa puso niya. Hinayaan niya itong makapasok. Ngayon ay wala na rin siyang pinagkaiba sa ibang babae sa pamilya niya. Nagmahal, Nasaktan, move on ang drama. Kaya nga habang maaga pa ay tatapusin na niya ang kabaliwan niya. She is Zantina Magtanggol, apo siya ng lola niya at anak ng nanay niya. Ang mga ito nga naka-move on, sya pa? chicken feed.
Mismong sa bibig ni Arianne niya narinig na girlfriend ito ni Ivo, it's a no brainer for her to doubt that. Sinong baliw na babae ang aakuin ang isang lalaki na boyfriend kung hindi naman diba? Tiyak na nagkabalikan na ang mga ito, hindi lang sinabi sa kanya ni Ivo.
I-t-in-ype niya ang pangalang Arianne Alonzo sa search bar ng facebook, then clicked the very first same name that appeared.
Halos hindi niya kayanin ang nakitang profile, subalit sinaway niya ang sarili, enough for tanga-tangahan, she must face reality. Kasama nito si Ivo sa cover picture at profile picture. Hindi niya nakita ang mga posts nito dahil wala silang mutual friends but those two pictures say it all. Siya ang kontrabida, hindi si Arianne.
"Anak, kumain ka na, hapon na, ni hindi ka pa nga nag-aagahan." Tinig iyon ng lola Zoraida niyang papalapit.
"Maya-maya na nay, hindi pa ako nagugutom." Aniya at pasimpleng itinupi ang laptop. Pagka-galing niya ng MGC ng araw na nahuli niya ang dalawa sa intimate na tagpo ay sa bus station na siya tumuloy. Ewan ba niya kung anong kaartehan ang pumasok sa isip niya. And before she realized na mali ang nagawa niya, na dapat ay harapin niya ang problema imbes na talikuran ay nangangalahati na siya sa biyahe pauwi sa probinsya nila. Shunga lang, aminado naman siya doon, pero siguro naman ay kailangan din niyang mag-isip. She needs to pick up her heart's shattered pieces. Before she decided to shut her phone off, nagtext naman siya kay Ivo na wag na muna siyang hanapin dahil may importante lang siyang pupuntahan, na babalik lang naman agad siya. Hindi naman niya akalain na iti-terrorize nito sina Venus. Pero nagtiis siyang hindi na muna ito i-contact, kailangang maisip nito na wala naman siyang paki-alam dito dahil nga nakayanan niyang hindi komontak dito ng ilang araw. It's her first step in setting him free. Kailangan na nilang bumalik sa kanya-kanyang normal na buhay.
"May problema ka ba anak? Napapansin ko lagi kang nakatanaw sa dagat, lagi ring ang layo ng tingin mo." Naupo ang lola niya sa tabi niya.
"Wala naman po 'nay, medyo na stress lang talaga ako sa trabaho, at binigyan naman ako ng one week leave sa opisina kaya naisip ko na umuwi dito, saka namimiss ko na kayo,"
"Sino ba kasi ang nagsabi saiyong sa Maynila ka pa magtrabaho? Meron namang mga trabaho dito sa atin pwede sa kursong kinuha mo." Accountancy kasi ang naging kurso niya noong college pa siya.
"Gusto kong maging independent 'nay diba?" pinagmasdan niya ang lola niya. Mahina na ito bunga ng katandaan, subalit nananatili pa rin ang tikas ng tindig nito, tindig na hinubog ng panahon at pagkakataon. She silently wished na sana ay maging tulad siya nito, na despite what she had gone through, nanatili pa rin itong positibo sa buhay. Wala na ang bakas na minsan ay nakikita niya itong umiiyak noong bata pa siya.
"Have you ever loved lolo?" tanong niya dito.
Napakunot noo ito sa tanong niya.
"Bakit mo naman naitanong? Siempre oo naman, asawa ko yun, at lolo mo yun."
"Kasi diba alam ko naman noon na lagi kayong nag-aaway."
"Ang pagmamahal kasi apo, mahiwaga, minsan kahit paulit-ulit nang saktan ka ng mahal mo, paulit-ulit mo pa rin siyang tatanggapin. Hindi dahil martir ka, o bobo ka, pero kasi mahal mo. Mahirap kalaban ang puso apo, kailangan ng powers para makalimutan mo ang pagmamahal."
Zanya sighed, siguro nga tama rin ang lola niya. Hindi lang talaga siya handang masaktan ng dahil sa pag-ibig. Tama nga ang ginawa niya, mas maaga siyang lalayo, mas maaga siyang makaka-move on. In other instance malamang baka inisip na niyang tanga ang lola niya sa sagot nito. Subalit naiintindihan na niya ito, dahil nagmamahal rin siya. Mas pinili nga lang niyang wag nang masaktan pa lalo.

BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomansaKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...