After a week ay balik trabaho na sila, kahit na nga may ilang araw pa sana silang bakasyon. Naiintindihan naman niya ang lalaki, hindi basta basta lang ang negosyong hinahawakan nito. Si Ivo bilang boss at siya, bilang the ever reliable Zanya ng accounting department. Hindi alam sa MGC na ikinasal na sila, ang paliwanag niya kung bakit sabay silang nag-leave ni Ivo ay dahil may binisita silang kamag-anak ng huli sa Hongkong, at nagkayayaan na mag extend para sa bakasyon. No way na sasabihin niyang kasal na siya pero after naman ng one year ay kailangan niyang ipangalandakan na diborsyada na siya? Aalis na rin lang siya soon sa MGC, and she want to maintain her image on them, as to her supposed break-up with Ivo, natural naman na iyun sa mga mag-jowa sa panahon ngayon, that will not be a big deal naman siguro.
"Parang ayoko pang pumasok ngayon, mas gusto kong manood ng kdrama." Nanghihikab pa na sumakay ng kotse ni Ivo si Zanya
"Wag ka na munang pumasok. Manood ka na muna nung mga pinapanood mong pare-pareho ang mukha. Nalilito ako sa mga mukha nila,"
"Pare-pareho - hoy! Wag mo ngang malait-lait ang mga idols ko! Hindi ka marunong mag-appreciate ng gwapo, palibhasa mas gwapo sayo ang mga iyon kaya bitter ka." Inis na ibinaling ni Zanya ang tingin sa labas ng kotse. Kasalukuyan na noong binabagtas ng sasakyan ang papuntang MGC. How dare him na laitin ang itinuring niyang mga pampasaya sa buhay niya ng mga panahong nag-iisa siya! Sumasabay lang pala ito ng panonood para lang may malait ito. Di hamak naman na mas gwapo ang mga Korean actors na iyon sa nagmamagaling na katabi.
"Mas gwapo ako sa mga yun, plastic surgery ang karamihan sa kanila, kaya nga halos magkakamukha na."
What a stupid generalization.
"Wag ka ng makikinood ng kdrama ha? Manlalait ka lang naman." Hindi siya die hard fan na sobra ng mga kdrama pero ayaw na ayaw niyang makarinig ng hindi maganda sa mga idols niya. Naha-high blood siya, iyon kung high blood nga siya.
"Galit ka?"
"Hindi!" Pasinghal niyang sagot habang hindi pa rin tumitingin dito. May gana pa itong nakinood sa kanya.
"Ay, sorry, ba't ba kayong mga Korean fans, masyadong sensitive?"
Again, what a stupid generalization.
"Hindi ako fan ng mga Korean, fan ako ng kdrama."
"Sorry na nga, umagang umaga nang-iinit 'yang ulo mo, buntis ka na ba?"
"What?" Marahas na napabaling ang tingin niya sa lalaki. She found him smiling ear to ear habang nakatutok ang tingin sa kalsada. "I wish, kaso hindi naman nagteteleport ang sperm mo."
"You now want me to father your child? I'm just one kalabit away, honey" kinindatan pa siya nito.
Inirapan ni Zanya ang asawa. Nahaplos niya bigla ang mga braso niya, she have goosebumps.
"Neknek mo, si Park Bo Gum na lang, kesa sayo." Binalingan niya ito, kasalukuyan noong nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic. She found him staring at her, Hindi pa rin mapuknat puknat ang ngiti nito sa mukha.
"Have I told you na ang ganda mo kapag nagagalit? You're blushing."
"Tisay ako, hindi yan big deal."
Hanggang makarating sila ng MGC ay patuloy pa rin ang asaran nila. Sa tapat na ng elevator ng tumigil ito. May mga kasama na kasi sila roon. Balik na naman ito sa intimidating aura, ibang iba sa kasama niya sa bahay ng nagdaang ilang araw.
Aminin man niya o hindi, physically wise, wala siyang maipipintas kay Ivo, pinagpalang tunay. Pati nga ang kaputian nito ay nakakainggit. Before, she prefer darker men, kasi mukhang lalaking lalaki, but Ivo prove her wrong, kahit mas maputi ito sa kanya, he still look manly far beyond her types. Kahit hindi niya sabihin dito, mukhang kdrama lead ito na nakalabas ng kdrama land.
BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...