Hindi na niya kinibo ang lalaki hanggang sa makarating sila sa MGC. Hindi dahil pinaalis nito ang kaibigan, kundi dahil insensitive ito.
Pababa na siya sa sasakyan ng magsalita ito.
"I guess, may kasalanan ako sayo, you are not talking back, what's wrong?"
"Wala naman," nakahalukipkip niyang sagot.
"I'm sure there is."
"Wala nga, wag kang makulit. Bababa na ako."
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse ng pigilan nito ang kamay niya. Napalis agad niya ang kamay nito. Since she instantly recognized the unfamiliar spark like feeling everytime na nagkakadikit ang mga balat nila.
"Wait lang, this is for you."
Napakunot noo siya ng makitang ang maliit na paper bag na kinalalagyan ng binili nilang kuwintas ang iniabot nito sa kanya.
"Teka lang..."
"I'm sorry okay? I know I've been an asshole, forgive me, na realize ko na hindi naman na tama itong ginagawa ko sayo, I've drag you into this mess...."
"Ano yan suhol?" pakli agad niya sa sasabihin nito. Mukhang magdadrama, ayaw niya nun mahina siya sa drama.
"Hindi, just a gift of appreciation dahil sa hindi mo pagbuking kay tita ng totoo. And sa pagpayag mo na magpanggap tayo as couple"
"Hindi ko kailangan ng gift of appreciation." Teka, pwede ba ipagpalit ang kwintas na yun ng house and lot?. Pero hindi naman siya haragan. Pakipot pa more.
"No, I really bought this for you, kaya nga ikaw ang kasama ko na mamili."
Wow, ganun ba ang mga ultra rich? Kapag naisipan, ipinamimigay lang ang mga bagay na worth hundred bucks?
"Suhol yan eh, by the way, forget that million pesoses you promised me, just get me an appointment with the best ob-gyne from US that can do Artificial Insemination. That's enough. You can do that, right?"
"What the...who would have the operation?"
"Me." She grinned at the stunned handsome guy infront of her.
Nabitawan nito ang paper bag na naglalaman ng kwintas.
........................
Inihatid siya ni Ivo sa bahay niya pagkatapos ng trabaho. Hindi niya alam kung bakit subalit magaan ang pakiramdam niya matapos siyang ihatid nito. Siguro ay dahil first time na may nag-effort na maghatid sa kanya.
"Pasok ka muna," Dala ng kagandahang loob ay pinapasok pa rin niya ang lalaki. But under a normal situation ay hindi siya magpapapasok ng lalaki sa bahay niya, lalo na at gabi, at hindi pa niya ito gaanong kilala. But something in her is urging her to do so.
"Hindi na, gabi na rin naman. Kita na lang tayo bukas sa MGC."
Bumagsak ang mga balikat niya sa pagtanggi nito.
"Sige, pasok na ako. Ingat ka sa pagda-drive." Matamlay na lumabas siya sa kotse nito at pumasok sa gate.
"Bye," nakangiting kumaway siya rito. Hinintay niyang mag-start uli ito ng kotse bago pumasok subalit hindi ito niyun ginawa.
"Pasok ka na, then saka ako aalis."
Tila may malamig na kamay na humaplos sa puso niya sa napakasimpleng gesture nito. Wala naman iyung meaning subalit parang gusto niyang gawan.
BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...