Hindi maampat-ampat ang tawa ni Carla ng ikwento ni Zanya kinabukasan sa kaibigan ang nagyari ng nakaraang gabi.
"Alamat ka, Zantina, ibang klase ka pala kapag natatanggihan, nagiging female version ka ni Pacquiao," nakipag-high five pa ang babae sa pader dahil sa labis na tuwa.
Binatukan niya ito, imbes na i-comfort nito ang nasaktang pride niya ay pinagtatawanan pa siya. Minsan na nga lang daw siyang lumandi ay epic failed pa. understood na napagkakamalan siyang bata pa dahil sa height, figure at dahil baby face siya, she stood 5'3'' at petite din siya. Subalit hindi niya sukat akalain na sa time na nangseseduce pa siya ng lalaki, for the first time, ay masasabihan siya ng ganoon, shit lang, nakakainsulto, pakiramdam niya ay ang pangit-pangit niya na ni hindi man lang nag second thought ang lalaking makapal ang mukha, tahasan siyang ni reject. Ang sakit.
"Kawawa nga talaga itong kaibigan ko, kuripot pa naman, magpapa-artificial insemination na lang. Sabi ko naman sayong magpaturo ka sa akin ng proper way to seduce a guy, actually may katotohanan naman talaga ang sinabi ni kuyang hunk kagabi sayo eh, mukha ka ngang teenager na tamad mag-ayos, ayan ang ebidensya, ni hindi ka nga nag-aayos ng sarili mo." Carla shoved a mirror on her way.
"Salamat sa suporta ha? Tunay nga kitang kaibigan," Sarkastiko niyang tugon sa pangbubuska nito. She is already freaking thirty year old woman at wala pang nagkakainteres ng seryosohan sa kanya na pwede niyang gawing sperm donor. Dahil ang mga manliligaw niya, kung hindi tambay o hindi kaya-aya ang face, eh iyong mga mukhang totoy sa facebook na nagtatrabaho sa eh di sa puso mo at krusty crab o kaya naman iyong mga Pakistani o arabo na mali mali ang English. Shit lang talaga. Life is so unfair.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin na ibinigay ni Carla, mukha naman siyang tao, so why on earth hindi siya makahanap kahit sperm donor na lang? bakit??? Makintab naman ang itim at mahabang buhok niya, natural na bagsak iyun dahil hindi pa iyun nasasayaran ng kahit anong straightening product, coco milk lang ang nilalagay niya doon kahit na madalas siyang mabuska ng kaibigan na ang kuripot at bagaman morena ay pino at makinis ang kutis niya. Marahil nga ay mukha siyang mas bata sa edad niya, subalit bakit kailangan pang sabihin sa kanya iyun on her face na hindi naman hinihingi ng pagkakataon??
"So ano na? aborted na ang plano mong pagpapabuntis? May isa pa akong irereto na lang ako sayo, katrabaho ko, baka magkasundo kayo kasi pareho kayong kuripot, yun na lang ligawan mo." nginisihan siya ni Carla.
"Ayoko na, mag-aampon na lang ako,"
Lalong nagtatawa ang lukaret niyang kaibigan. "Nang bata?"
"Hindi, ng aso," aniya at nilayasan na ito, manonood na lang siya ng Korean drama, atleast doon, may forever.
.........................
Kanina pa hindi umiimik si Ivo habang pinag-pipiyestahan ng mga kaibigan niya ang issue ng nakaraan gabi, bidang-bida sa pagkwento si Shann, ang kaibigang kasama niya kagabi at nakasaksi ng buong pangyayari. At dahil sabado ay kasalukuyan silang nagkita-kita ng mga ito sa Saturday hang out nila, sa race track ng kaibigang racer na si Storm. Complete attendance ang walo nilang mga kaibigan, iyun ay dahil sa kinasangkutan niyang eksena kagabi. Tulad niya, hindi rin makapaniwala ang mga ito na siya, si Ivo Mondragon ay nasususupal ng clutch bag ng isang babaeng mukhang dwende.
"Sana na video mo pare,"ani Ifan kay Shann. Alam ng lahat na mahilig sa pagkuha ng larawan o ng video ang kaibigan nilang si Shann.
"Yes, actually I have the video," tila game na game naman na iwinagayway ni Shann ang cellphone. Nalintikan na, pati pala iyon ay na-video-han pa nito.
"You do?" napalapit kay Shann ang mga kaibigan nila. Maging siya ay na curious sa sinasabi nitong video. Napalapit din siya dito.
"Whoa, easy. Napaghahalata ang pagiging tsismoso ninyo"
Maiksi lang ang video, kulang nga ng isang minuto, hindi naman nakita ang mukha niya dahil natakpan ng clutch bag ng babae, pero ang mukha ng babaeng makapal ang make up ay kitang-kita. Napakunot noo siya, ganito na ba kaganda at kaamo ang mukha ng mga prostitutes sa ngayon?
Nauwi sa tawanan ang mga kaibigan niya ng matapos mapanood ang maiksing video.
"That's absurd, Shann, i-delete mo na yan." aniya
"You know guys, I already know how to get even with that girl, para sa kaibigan natin." Sa klase ng ngisi ni Frinz ay parang may nabubuo itong evil na plano sa isip. Tatanungin sana niya ang kaibigan ng tumunog ang cellphone niya kaya't nag excuse muna siya sa mga ito at saglit na lumayo.
Ang tita Fe niya ang naka-rehistrong caller. Saglit niyang nalimutan ang insidente ng nakaraang gabi, he really needs to talk to her.

BINABASA MO ANG
Absolutely Taken
RomanceKapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-artificial insemination (wow, yaman!) B. tanggapin ang deal ng boss na magpanggap silang mag-asawa at b...