CHAPTER 5 (part 1)

3.8K 102 13
                                    

“I’M REALLY disappointed, Katrina. Simpleng bagay lang hindi mo magawa. You should do better next time,” anang boses ni Jordan Navarro sa kabilang linya.

“Yes, Papa. Gagawin ko ang makakaya ko sa susunod,” sagot niya sa kabilang linya.

“You better do. Wala sa bokubolaryo ng Navarro ang pagiging palpak,” anito bago tapusin ang tawag.

Mariin niyang ipinikit ang mata para kalmahin ang sarili. Nagising siya sa tawag ng ama para lang itanong sa kanya kung ano ang nangyari sa lakad niya noong nakaraang gabi. Ni hindi man lang siya nito kinumusta. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

Nang i-report niya kagabi kay Xavier ang nangyari sa misyon niya ay sinabi lang nitong kakausapin nito si Iñigo San Diego tungkol sa ginawa ni Travis. Kahit paano din ay nakahinga siya ng maluwag nang hindi na ito nagtanong pa kung ano ang ginagawa doon ni Travis dahil hindi niya alam ang isasagot dito.  

Nang masigurong kontrolado na niya ang emosyon ay nagpalit siya ng damit at lumabas ng hotel suite niya. Kailangan niyang makaisip ng ibang paraan para makakuha ng impormasyon. Naabutan niya sa labas ng hotel suite niya sina Chord at Spain.

Isang tango lang ang ginawa niya at naintindihan na siya ng mga ito. This is what she liked about these two. Hindi kinukuwestiyon ng mga ito ang anumang desisyon niya. They stick to her through thick and thin.

Ilang beses na niyang sinabihan ang mga ito na magtrabaho na lang sa Navarro Bank bilang Head Security pero sa tuwina ay tumatanggi ang mga ito. Ayon sa dalawa, iisa lang ang misyon ng mga ito at iyon ang siguraduhing ligtas siya sa lahat ng oras.

Naramdaman ng mga ito ang mood niya kaya naman hindi na siya nagtaka na mas pinili ng mga ito na humiwalay ng table at hindi sumama sa kanya. Gusto din niyang magkaroon ng panahon para makapag-isip.

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakaupo at nakatingin sa may karagatan nang may pumuwesto sa bakanteng upuang nasa tapat niya. Nalingunan niya ang nakangiting mukha ni Travis.

Ilang beses siyang napakurap para lang masigurong hindi siya pinaglalaruan ng imahinasyon pero hindi nawala si Travis sa harap niya.

“Ano ang ginagawa mo rito, San Diego?” kunot-noong tanong niya.

Imbes na maapektuhan sa malamig niyang pakikitungo ay hindi naalis ang pagkakangiti nito. “Yayayain sana kitang mag-almusal kaya lang naunahan mo na ako dito. Wala ng tao sa suite mo nang dumaan ako kanina at may nakapagsabi sa aking nandito ka na.” Lumapit dito ang isang waitress at ibinigay ni Travis ang order ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Ilang beses ba niyang kailangang sabihan ang sarili na huwag siyang tititig sa mata nito?

Nagkunwari siyang hindi ito pinapansin pero nararamdaman niya ang tingin nito sa kanya. Nang lingunin niya ito ay hindi pa din siya nito nilulubayan ng tingin. Pinigilan niya ang sarili na mag-init ang pisngi. “Stop staring, San Diego.”

Mas lalong lumawak ang ngiti nito. “I can’t help it. Kahit kasi saang anggulo kita tingnan, maganda ka pa din. Kahit nakakunot ang noo mo. Pero mas gusto ko ang mukha mo kapag wala kang make up.”

Ilang sandali siyang natigilan sa sinabi nito. “Are you on drugs?” salubong ang mga kilay na tanong niya.

Natawa naman ito sa sinabi niya. Napatingin tuloy sa kanila ang ilang mga customers na nasa café. “Hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa din na sinasabihan kang maganda?”

Naramdaman niya ang pamumula ng mukha dahil sa sinabi nito. “Tigilan mo ako, San Diego.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. “Uulitin ko ang sinabi ko kagabi, Kat, hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko kahit magalit ka pa sa akin.”

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon