CHAPTER 8

3.4K 79 29
                                    

MULA SA binabasang libro ay nag-angat ng tinging si Katrina nang maramdamang may mga tao sa paligid niya. Gaya ng hinala niya, may limang lalaki na nakapalibot sa kanya.

Nakaupo siya sa may flower box na nasa parking lot ng unibersidad at hinihintay niyang bumalik si Chord. May nakalimutan ito sa classroom nito si Spain naman ay may sakit kaya hinayaan muna niya itong magpahinga. Pumapasok din ang dalawa sa unibersidad pero pinakiusapan niya ang mga ito na sa ibang course mag-enroll. At dahil sa koneksyon ni Jordan Navarro ay nagkapare-pareho ang mga schedules nila.

“Ikaw ba si Katrina Navarro?” tanong sa kanya ng lalaki sa gitna. Sa asta nito ay nasisiguro niyang ito ang tumatayong leader ng grupo.

“Ako nga,” sagot niya.

Tumalim ang mga mata nito. Mahigpit siya nitong hinawakan sa braso. “Kita mo nga naman. Hindi ko akalaing dito ka din nag-aaral.”

Ipiniksi niya ang braso na hawak pa din nito. “Ano ba ang kailangan n’yo sa akin?” kalmadong tanong niya sa mga ito.

“Ikaw ang dahilan kung bakit kami na-ban sa Warehouse! Kung hindi ka lang nakialam hindi kami paalisin doon. At kung hindi mo inutos sa kanila na i-ban kami ng mga kasama ko, hindi sana kami matatalo ng ganoon kalaki.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang lumikha ng gulo lalo na sa unibersidad. Hindi din niya matandaan ang mga ito, pero kung pagbabasehan ang mga sinabi ng lalaking kaharap, malamang na may nilabag itong batas sa Warehouse para siya mismo ang magban dito.

Madalang silang makisalamuha sa mga taong nagpupunta sa Warehouse. Madalas ay para lang silang mga anino na nagmamatyag sa mga nangyayari sa paligid. At ngayong alam na ng mga ito ang koneksiyon niya sa Black Lotus, kailangan siguro nilang gumawa ng paraan para maiwasan pang mangyari ang bagay na ito.

“Kung na-ban ka man sa Warehouse ay hindi ko kasalanan. Ikaw ang gumawa ng mali kaya marapat lang ang nangyari sa iyo.

Umigkas ang palad nito. Nakahanda na siya para iwasan ang atake nito ng biglang may pumigil sa kamay nito.
Hindi siya makapaniwala nang makilala ang tumulong sa kanya. Matalim itong tiningnan ng lalaki.

“Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na hindi dapat nanakit ng babae. Bakla ka ba?” asar na tanong dito ni Travis. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Mukhang humihina na ang pakiramdam niya.

Napapitlag siya nang dumapo sa kaliwang panga ni Travis ang kamao ng lalaki. Kaagad niyang inalalayan ang binata na napaupo sa daan.

“Huwag kang mag-alala sa akin,” anito at itinago siya sa likuran nito. “Huwag kang lalapit dito. Diyan ka lang. Ako ang bahala sa kanila.”

Sinugod nito ang lalaki. Nagsimulang sumugod ang iba pang kasama ng lalaki. Tutulong sana siya ng pigilan siya ni Travis. “Sinabi ko ng huwag kang makialam dito. Diyan ka lang,” anito bago muling balikan ang mga lalaki.

Napailing siya. Ito ang nakikialam sa away ng may away pero kung umaasta ito ay parang dito may atraso ang mga lalaki.

Bakit ba hindi niya magawang magalit sa ginagawa nitong pagmamando sa kanya? Iyon ang unang pagkakataon na may tumulong sa kanya.

Natigil sa pagbabasagan ng mukha ang mga ito ng marinig ang pagpito. May dalawang security guards ang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nila. Narinig niya ang mahinang pagmumura ng mga kalaban bago nagmamadaling tumakbo paalis.
Si Travis naman ay mabilis na  pinulot ang nalaglag na sombrero at hinila ang kamay niya para tumakbo palayo.

“Tumigil kayo!” Narinig niyang sigaw.
Hindi sila tumigil sa pagtakbo hanggang hindi sila nakakalayo. Napasandal sila sa pader habang parehong habol ang hininga. She failed to suppress her giggles. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang tumatawa. Nagsisimula na siyang maluha at sumasakit na din ang tiyan niya pero hindi pa din niya magawang tumigil sa katatawa.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon