CHAPTER 10

3K 76 10
                                    


NAPANGISI SI Harry ng makita ang mga larawang hawak. Kuha iyon ni Katrina kasama ang isang lalaki na sa pagkakaalam niya ay nagngangalang Travis Vasquez sa isang theme park sa Laguna. Base sa mga ngiti ni Katrina ay makikitang masaya ito. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong ganoon kasaya.

Ibinaba niya ang mga litratong hawak at tiningnan ang dalawang lalaki na nakatayo sa harap niya. “At bakit ninyo ibinigay ang mga ito sa akin?”

“Gusto na naming umalis bilang personal bodyguard ni miss Katrina,” sagot ni Chord.

“At bakit ko naman kayo paniniwalaan?” puno ng paghihinalang tanong niya sa mga ito. Simula pagkabata ay halos hindi hinihiwalayan ng dalawa si Katrina kaya naman nakapagtataka na bigla na lang gustong sumama ng mga ito sa kanya.

Nagkibit balikat si Spain. “Lately, napansin namin na wala na sa focus si Miss Katrina. Nakakalimutan na niya ang tungkol sa Black Lotus dahil kay Travis. Nasa Black Lotus pa din ang loyalty namin, at dahil sa mga nakikita namin, nagpasya kami na umalis bilang personal bodyguard niya.”

Nahimas niya ang baba. “Kailangan ko munang makasiguro na totoo ang sinasabi ninyo.”

“Sabihin mo lang kung ano at gagawin namin.”

May kakaibang ngiti ang sumungaw sa mga labi niya ng muling tingnan ang mga larawan ni Katrina. Simula pagkabata ay magkakumpitensiya na sila ni Katrina sa atensiyon ng kanilang ama. At naiinis siya dahil lagi na lang ito ang paborito ng kanilang ama. Ngayon, sisiguraduhin na niya na makakaganti na siya kay Katrina, at sisimulan niya iyon sa pagkuha sa pinagkakatiwalaan nitong mga tauhan.

HINDI maalis-alis ang ngiti ni Katrina habang naglalakad papasok ng mansiyon. Maghapon silang naglibot ni Travis sa theme park at sinubukan ang kung ano-anong mga rides. Ilang oras din siyang bumalik sa pagkabata. First time niyang magpunta sa lugar na iyon dahil noong bata pa sila ni Harry ay puro training ang ginagawa nila.

Nawala ang ngiti niya nang makita si Harry na prenteng nakaupo sa sofa. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya. Nilampasan niya ito pero hindi pa man siya nakakahakbang sa hagdan ng magsalita ito.

“Mukhang masaya ka, dear sister. Enjoyed your day?” Hindi niya ito pinansin. “Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon ng boyfriend mo kapag nalaman niya ang tungkol sa pamilya natin?”

Marahas niya itong nilingon. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Harry kaya tigilan mo ang paggawa ng kuwento.”

Tumayo ito at lumapit sa kanya. “C’mon, Katrina, alam nating pareho na hindi ako gumagawa ng kuwento.” Tinapik siya nito sa balikat. “I just wish you all the best, sis.”

Napahawak siya sa handrail ng grand staircase. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Travis? At bakit kinakabahan siya sa ibig nitong iparating? Kailangan niyang mag-ingat sa mga ikinikilos niya dahil paniguradong may binabalak ito na hindi niya magugustuhan.

“KATRINA, GUSTO mo bang maglaro?”

Mula sa librong nasa harap ay tiningnan ni Katrina si Travis. Imbes na sa library sila mag-review para sa darating na midterm exam ay napagkasunduan nilang sa apartment na lang ng binata sila mag-review. At habang nakasalampak sila ng upo sa may living room at ginawa nilang study table ang coffee table, ay kinukulit siya nito.

“Ano na naman ba ang naisip mo?” iiiling-iling na tanong niya.

Nakapangalumbaba si Travis sa harap niya. “C’mon, maglaro na lang muna tayo ng spin the bottle.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya ito mahindian kapag nagpapa-cute na ito. “Okay, you win.”

Dali-dali nitong inalis ang coffee table at kumuha ng bote. Sumalampak din ito ng upo sa  harap niya. “So, bale ganito ang magiging mechanics ng game natin. Kung sino ang matatapatan ng matatapatan ng dulo ng bote siya ang gagawa ng gusto ng hindi natapatan ng bote. At ang hindi naman matapatan ng bote ang siyang magsasabi kung truth or consequence ang gagawin ng natalo. Maliwanag ba?”

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon