CHAPTER 18

3.2K 97 12
                                    

NAPAPITLAG SI Katrina nang maramdaman ang pagyakap sa kanya mula sa likuran. Napanatag siya nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Travis. Nasa may dalampasigan siya at pinapanuod ang paglubog ng araw. Simula noong bumalik sila sa isla ay naging hobby na niya ang panunuod nang paglubog ng araw at lagi siyang sinasamahan ni Travis.

"Sigurado ka ba na pansamantala kang mawawala sa Black Lotus?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya at sumandal sa dibdib nito. "Simula noong nagkaisip ako, umiikot na sa Black Lotus ang buhay ko. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga." Noong birthday niya ay kinausap siya ni Xavier. Ayon dito ay hindi nagbago ang posisyon niya sa Black Lotus at maaari siyang bumalik anumang oras.

"I just hope na hindi mo ginagawa ito dahil sa akin," ani Travis. "Hindi na ako ang immature na Travis na nakilala mo noon. Tanggap ko na na parte na ng buhay mo ang Black Lotus."

Hinarap niya ito at ikinulong ang mukha sa palad niya. "Ginagawa ko ito para sa sarili ko at para na din sa ating dalawa. I just want to spend some time with you."

"Alam ko na, pumunta tayo sa bayan bukas. Ang balita ko maraming tindahan ngayon sa bayan dahil malapit na ang fiesta."

"Okay."


KINABUKASAN AY maagang nagpunta sina Travis at Katrina sa may bayan. Nag-enjoy sila sa paglilibot nang mapunta sila sa isang flee market.

"May bibilhin lang ako saglit," paalam niya sa binata. Gusto kasi niya itong regaluhan bilang pasasalamat sa mga ginawa nito para sa kanya.

"Okay, hihintayin na lang kita sa sasakyan mamaya. Okay?"

Tumango siya at nagsimulang tumingin-tingin sa mga paninda. Napangiti si Katrina nang makakita nang ipanreregalo kay Travis.

Tumayo ang balahibo niya sa batok. Isang senyales na may malapit na panganib. It was her instinct. Sa dami ng nakakasalamuha niyang iba't ibang klase ng tao sa Black Lotus ay natutunan niya kung paano makaramdaman ng masamang intensiyon. It was one of the reason why she's still alive.

Bago pa man siya makakilos ay may matigas na bagay ang dumikit sa likod niya. Handa na siyang labanan ito ng magsalita ito. "Kung ako sa iyo, hindi ako gagalaw, dahil hindi ako mangingiming iputok ang baril na ito." Nagtagis ang bagang niya at sinunod ang sinabi nito, hindi dahi natatakot siya kundi dahil ayaw niyang may madamay pang ibang tao. "Very good. Ngayon naman, sumama ka sa amin ng maayos kung gusto mo pang makitang buhay ang boyfriend mo."

Tahimik siyang sumunod sa mga ito. Walang mag-aakala na may baril na nakatutok sa likod niya. Habang naglalakad sila ay may isang lalaki na pumuwesto sa may bandang harap nila. Naramdaman din niya ang pagtabi ng isa pang lalaki sa kanya at ang pagsunod ng isa pa sa likuran niya. Pinapalibutan siya ng mga ito.

Naabutan niya si Travis sa isang eskinita at may mga lalaki ding nakapalibot dito.

"Travis," bulong niya ng makita ang binata.

Akma itong lalapit sa kanya nang pigilan ito ng mga lalaking malapit dito. Nagpumiglas si Travis pero huminto din ito nang bulungan ng isang lalaki. Gusto niyang lapitan ang binata pero pinigilan din siya ng mga lalaking nasa tabi niya.

"Get your hands off her!" asik ni Travis habang masama ang tingin sa braso niyang hawak ng isang lalaki.

Umiling siya at sinubukang iparating dito na huwag siya nitong alalahanin.

Mabilis niyang sinuri ang lugar. Sa bilang niya ay nasa labinglima ang mga nandoon. At kahit gaano pa sila kagaling ni Travis sa hand to hand combat ay paniguradong mamamatay lang siya dahil may baril ang mga ito.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon