CHAPTER 9

3K 74 6
                                    

NAHAHAPONG napasandal si Katrina sa likod ng pintuan ng kuwarto niya bago nagpadausdos hanggang mapasalampak siya sa sahig. Mariin niyang ipinikit ang mata at pilit na inalis sa isip ang naging pag-uusap nila ng ama.

Muli nitong ipinaramdaman sa kanya ang disappointment nito sa kanya sa mabagal niyang pagsunod sa utos nitong paibigin si Xavier. Walang mahalaga kay Jordan Navarro kundi ang kapangyarihan at karangyaan. Gagawin nito ang lahat makuha lang ang dalawang iyon kahit na ang gamitin ang sarili nitong anak.  

Gusto niyang makita ang mukha ni Travis. Kapag naiisip niya ang binata ay gumagaan ang pakiramdam niya. Tumayo siya at kinuha ang notebook sa bag.

Gamit ang ilaw mula sa bedside table ay binasa niya ang sinulat ni Travis.

Ilang sandali din siyang nanatiling nakatitig sa mga salitang isinulat ng binata na tila ba kapag kumurap siya ay magbabago iyon. Pero nakailang kurap na siya pero nandoon pa din ang mga isinulat ng binata.

Kat,

Hindi ako magaling sa mga salita. Heck, ngayon lang ako sumulat para sa isang babae so please bear with me. The moment that I first laid my eyes on you, I knew that you are special. Ilang beses na kitang gustong lapitan pero umaatras ako dahil humahanap pa ako ng tiyempo. Nang makakita ako ng pakakataon na mapalapit sa iyo ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.   

Sa mga araw na nakasama kita ay mas lalong lumago ang nararamdaman ko para sa iyo. Noong gabi na dinala kita sa rooftop para sa first date natin at nakita ko ang ngiti mo,  I fell for you even harder.

Gusto kong makita ulit ang ngiti mo. Gusto kong hawakan ang kamay mo. Gusto kitang yakapin nang mahigpit.

Hindi kita minamadali at gusto kong pag-isipan mo ang bagay na ito. Kung hindi ka pa handa, okay lang sa akin. Kuntento na ako sa kaya mong ibigay sa akin. At kung pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin tatanggapin ko iyon. Gusto kong sabihin sa iyo na nandito lang ako para sa iyo. Nararandaman kong may mga gumugulo sa iyo at kung nakahanda ka nang sabihin ang mga iyon, tandaan mo lang na nakahanda akong makinig sa iyo. Kung gusto mong umiyak nakahanda ang balikat ko para sa iyo.

Sincerely yours,

Travis.

Hindi na napigilan ni Katrina ang pagtulo ng mga luha. Hindi niya pinagkaabalahang punasan ang mga iyon. Mariin siyang pumikit at dinala sa tapat ng dibdib ang sinulat ni Travis.

Iyon ang unang pagkakataon na may isang tao ang nagpahalaga sa kanya. Na may isang taong handang umunawa at makinig sa kanya. He really saw the real Katrina Navarro.

May isang parte ng puso niya ang natuwa dahil may katugon ang nararamdaman niya para sa binata. Yes, she’s also falling in love with Travis. Pero may isang bahagi naman ang hindi maiwasang matakot at mag-alala. Hindi siya puwedeng ma-distract sa mga panahong ito, lalo na at hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa inuutos ng ama.

Ano ang gagawin niya?


“INIIWASAN MO ba ako, Kat?” Iniwas ni Katrina ang tingin nang makita ang hinanakit sa mata ni Travis. Mas pinili niyang maglagi sa library para maiwasan ang binata, pero mukhang nalaman din nito kung nasaan siya kaya bigla na lang itong sumulpot doon.

Naramdaman niya ang pagsunod nito hanggang sa may dulong bahagi ng library. Madalang lang ang tao doon dahil halos lumang mga libro ang nakalagay doon.

Ilang araw din niya itong iniwasan dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito.

Mas pinili niyang magkunwaring abala sa pagtingin sa mga titulo ng mga librong nasa harap kahit na wala naman talaga doon ang atensiyon niya.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon