CHAPTER 7

3.3K 79 14
                                    

GUSTO N’YO raw akong makausap, Papa?” tanong ni Katrina sa ama na nakaupo sa desk nito. Siya ay nanatiling nakatayo sa harap nito.
Jordan Navarro looked regal behind his desk. Nakatayo sa kaliwang bahagi nito ang kanang kamay na si Julian.

“Gusto kong akitin at paibigin mo si Xavier del Rio, Katrina.” Pinilit niya na huwag ipakita ang pagkagulat niya sa narinig. “Siya na ang mamumuno sa Black Lotus. Kapag napaibig mo siya, magiging pantay na ang kapangyarihan ng pamilya natin sa kanila.”

Gusto niyang magprotesta. She’s just twenty one for Pete’s sake! Gusto niyang isigaw dito na ayaw niya ang ipinagagawa nito. Pero sino siya para suwayin ang mga utos nito?

“Masusunod, Papa.”

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Very good, Katrina. Alam mong ikaw na lang ang inaasahan ko sa pamilyang ito. Puro na lang sakit ng ulo ang ibinibigay ni Harry, so don’t disappoint me.”

“I wont,” sagot niya at lumabas sa study room.

Mariin niyang ipinikit ang mata. Kailan ba siya magkakaroon ng kalayaan na gawin ang mga gusto niyang gawin? Pagod na siyang maging sunudsunuran sa lahat ng sabihin at ipagawa ng ama.

KAT?”

ILANG beses na napakurap si Katrina nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Travis na nakaupo sa katapat niyang upuan. Tsaka lang niya naalala na nasa library nga pala sila para sa research nila.

Tumuwid siya nang upo at muling ibinalik ang atensiyon sa nakabukas na libro sa harap niya. “I’m sorry, may iniisip lang ako.”

Natigilan siya nang pigilan ni Travis ang kamay niya. Gulat na napatingin siya dito. “Are you okay, Kat? Masama ba ang pakiramdam mo?”

Parang napasong hinila niya ang kamay niya mula dito. “Medyo madami lang akong iniisip. At puwede ba, tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Kat, naiirita ako.”

“Pero bagay naman sa iyo ang Kat, ah.”

Matalim niya itong tiningnan. “Nobody calls me, Kat.”

Lumapad ang ngiti nito. “So, simula ngayon, ako lang ang tatawag ng Kat sa iyo. Cute.”

“Sinabi nang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng ganyan,” mahinang asik niya dito. Hindi niya ito masigawan dahil nasa loob sila ng library.

Itinuon niya ang atensiyon sa mga libro at muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi pa din siya nakakaisip ng paraan kung paano niya ‘aakitin’ si Xavier del Rio.

“Iligpit mo muna ang mga gamit mo,” ani Travis sa kanya na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “May pupuntahan tayo.”

“Pupuntahan? Saan?” takang tanong niya dito habang pinapanuod itong magligpit ng mga gamit nila.

“Basta sumama ka na lang sa akin.”

Napatayo siya nang kunin nito ang sling bag niya. “Akin na ang bag ko.” Tiningnan lang siya nito. “Okay lang sa akin na dalhin ang bag mo. Halika na.” Hinila pa nito ang kamay niya palabas ng library. 

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

IGINALA NI Katrina ang tingin sa kinaroroonan niya. Sa isang karinderya 'di kalayuan sa Everwoods siya dinala ni Travis.

“Ayaw mo ba dito?” Ibinaling niya ang tingin kay Travis na nakaupo sa tapat niya.

Umiling siya. “No. Okay lang ako.” Muli niyang iginala ang tinign sa paligid. Naging habit na niya iyon kapag nasa isang hindi pamilyar at unang beses niyang napuntahan. Pinagmamasdan niya ang mga tao. Naghahanap ng mga taong kahinahinala ang mga kilos.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon