CHAPTER 13

3.3K 80 5
                                    

ace: hi, guys! Sorry medyo naging busy lang kaya medyo natagalan ang update. Anyway, ito na pala ang continuation ng story nina Travis at Katrina. :) 

Happy reading! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


MAAGANG NAGISING si Katrina kinabukasan. Matapos maghilamos at makapagpalit ng damit ay lumabas na siya ng kuwarto. Balak niyang maglakad-lakad sa palibot ng isla. Funny thing is, wala siyang anumang plano para makaalis doon.

Napahinto siya sa paglabas ng pinto ng makita ang isang puting rosas sa sahig na nasa tapat ng pinto niya. Nilingon niya ang magkabilang panig ng pasilyo pero wala siyang makita doon. Dinampot niya iyon at inamoy.

Nasisiguro niyang galing iyon kay Travis. Biglang sumagi sa isip niya ang mga panahong binibigyan siya ng bulaklak ni Travis. Kahit anong pagpipigil ang gawin niya ay hindi niya mapigilan ang paglukso ng puso niya sa mga ginagawa nito.

Bumalik siya sa kuwarto at inilagay ang bulaklak sa flower vase na nasa bedside table. Matapos iyon ay bumaba siya sa kusina para magkape. Nasa bungad pa lang siya ng kusina ay naamoy na niya ang mabangong aroma ng brewed coffee. Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura.

Ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang nakatalikod na pigura ni Travis habang abala ito sa pagluluto. Mukhang masaya ito dahil sumisipol pa ito habang nagluluto.

Pinigilan niya ang matawa sa hitsura nito nang pagpihit nito at nakita siya. Ilang sandali lang ang lumipas ng gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Good morning, Kat! Ang aga mo namang nagising."

Nagkibit-balikat siya. "Nasanay na ang katawan ko na gumising ng maaga." Kumuha siya ng dalawang mug at sinalinan ng kape galing sa coffee maker. Matapos ay ibinigay niya iyon sa binata kita ang pagkagulat sa mukha nito.

Tila ba lumukso ang puso niya nang makita ang ngiti sa mga labi nito na umabot sa mata nito. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito at baka makita nito ang pamumula ng mukha niya.

"Sandali na lang at maluluto na ito," ani Travis na bumalik sa harap ng stove.

"Bakit ikaw ang nagluluto?" takang tanong niya.

Bahagya itong lumingon sa kanya. "Gusto ko kasing magpasikat sa iyo kaya naisipan kong ipagluto ka ng almusal. Huwag kang mag-alala dahil edible naman ang luto ko." Kinindatan siya nito bago muling bumalik sa pagluluto.

Nasapo niya ang dibdib at pilit pinapayapa ang nagririgodong tibok ng puso. Si Travis lang ang may ganitong epekto sa kanya. At kahit anong utos niya sa puso ay hindi iyon nakikinig sa kanya.

Inilagay nito ang plato ng pagkain sa harap niya. Ang dami ng niluto nito. Napaawang ang labi niya nang dumukwang si Travis at lagyan ng pagkain ang plato niya.

"Sige na, kumain ka ng madami," nakangiting sabi nito bago pagtuunan ang sariling pagkain.

Pasimple niyang pinagmasdan si Travis habang magana itong kumakain. Kaagad niyang itinuon ang atensiyon sa pagkain nang mahuli siya nitong nakatingin sa mukha nito.

Nang matapos silang kumain ay nagulat siya nang ilahad sa kanya ni Travis ang kamay nito.

"C'mon, maganda manuod ng sunrise ngayon."

Tila ba may sariling isip ang kamay niyang tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Napatingin siya sa magkasalikop nilang kamay. His hands were warm against hers.

Napapitlag siya nang salubungin ng malamig na hangin sa labas. Nakalimutan niyang magsuot ng jacket kaya naman ramdam na ramdam niya ang lamig ng ihip ng hangin sa balat niya.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon