CHAPTER 5 (part 2)

3.4K 83 9
                                    

NASA ISANG isolated na lugar ang tinutuluyan ni Kevin dela Cerna at ng mga kasama nito. Kinailangan nilang huminto at itago ang sasakyan nila ay ilang kilometro ang layo sa mansiyon dahil ayaw nilang malaman ng grupo ni Kevin dela Cerna na naroon sila.

Tiningnan niya ang suot na wrist watch. They’re just on time.

Kasama sina Keith, Chord at Spain ay tinawid nila ang mataas na pader ng mansiyon. Gamit ang lubid at hook. Siya ang nauna. Matapos niyang makalapag sa damuhan ay pinakiramdaman niya ang paligid. “The coast is clear,” bulong niya. May wireless headset na nasa tainga niya gayon din ang mga kasama nila. Kinuha niya ang baril na naka-strap sa hita niya. Magkasunod na lumapag sa tabi niya sina Chord at Spain pati na ang ilang tauhan ni General Mariano. Isang tango ang ibinigay nila sa isa’t isa. Nakita nila sa may di kalayuan ang bahay na tinutuluyan ni Kevin dela Cerna.

Walang mag-aakala na may nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa lugar na iyon.

Tumunog ang earphone niya at narinig ang boses ni Xavier na nagsasabing nasa puwesto na ang mga ito. Sumunod niyang narinig sina Iñigo San Diego. Matapos magbigay ng go signal ay sumugod na sila sa bahay. May mga snipers na nakapuwesto sa taas ng mga puno.

Isa-isang natumba ang mga bantay sa labas ng bahay. May silencer ang mga baril na gamit nila kaya naman hindi naalerto ang mga nasa loob.

Pero hindi pa man sila tuluyang nakakalapit ng bahay ng pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril. Napamura siya. Alam na ng mga ito na naroon sila.

Mas binilisan pa nila ang pagtakbo. Hindi puwedeng mabulilyaso ang operasyon nila. Pumailanlang ang palitan ng mga putok sa magkabilang panig.

Nakita niya ang pag-andar palayo ng tatlong sasakyan.

“Shit!” aniya at tinakbo ang gawi ng sasakyan.

Hindi na niya iyon naabutan at sinubukan niyang patamaan ang gulong ng sasakyan pero nakalayo na ang mga ito.

Napalingon siya ng makarinig ng palapit na tunog ng motor. Iniumang niya ang baril doon pero bago pa niya makalabit ang gatilyo ng baril ay nakilala niya ang driver na si Travis. Huminto ito sa tapat niya.

“C’mon, hop in!”

Walang pagdadalawang isip siyang umangkas sa likod nito. Pinaharurot ni Travis ang motor papunta sa direksiyon ng mga sasakyan.

Muli niyang iniumang ang baril at inasinta ang gulong ng sasakyan. Nakatatlong bala siya bago matamaan ang likurang gulong ng sasakyan dahilan para gumewang ang sasakyan. Mula sa sasakyan ay sumungaw ang isang lalaki at inasinta sila ng baril.

Mabilis na nakailag si Travis pero naramdaman niya ang pagbaon ng bala sa kanang balikat niya. Inasinta niya ang isa pang gulong at tuluyan ng nawalan ng kontrol ang sasakyan at tumama sa isang puno. Ang ilan namang sasakyan ay nakalayo na.

Huminto sila ni Travis at bumaba siya ng motor. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa kanang balikat niya. Sumunod sa kanya si Travis at pumuwesto sa harap niya.

Pareho silang alerto habang dahan-dahang lumalapit sa bumanggang sasakyan. Nang makalapit sila ay nakita nilang walang malay ang apat na pasahero. 

Pinindot niya ang headset. “Si Katrina ito. May isang sasakyan na bumangga sa isang puno ilang kilometro ang layo sa mansiyon. Apat ang sakay at mga walang malay. May tatlong sasakyan ang nakatakas at papunta sa gawi ninyo, San Diego,” imporma ni Katrina sa mga kasama.

Hindi naman nagtagal ay dumating sina Chord, Spain at Keith at Cole. Ang mga ito ang kumuha sa mga walang malay na sakay ng sasakyan.

“SCAN THE area. Baka mayroon ang natitirang mga kalaban sa paligid,” utos ni Katrina sa mga tauhan. Matapos magbigay ng ilan pang utos ay sinunod na ng mga ito ang utos niya. Nanatili naman siya doon habang pinagmamasdan ang paligid.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon