EPILOGUE

5.3K 186 68
                                    

MULA SA likod ng isang puno ay naglakad na palayo si Harry nang makita ang masayang mukha nang kapatid na si Katrina. Inimbatahan siya nito sa kasal pero mas pinili niyang panuorin na lang ang kasiyahan mula sa malayo. Masaya siya dahil sa wakas ay nahanap na din nito ang lalaking para dito.

Hindi niya alam kung bakit pa siya nagpasyang magpunta sa reception na ginanap sa malawak na garden ng mansiyon ng Navarro. Iniwasan niyang makita siya ng mga ito kaya mas pinili niyang magtago sa mga puno di kalayuan sa mansiyon.

Iyon na ang pagkakataon para umalis siya. Sandali din silang nagkausap ng ama kanina at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din niya maipaliwanag ang nararamdaman.

Natigil siya sa paglalakad nang marinig na may nagsalita sa likuran niya. "Aalis ka ba nang hindi man lang nagpapakita kay Katrina?"

Nalingunan niya si Xavier del Rio na nakasuot ng itim na tuxedo. Nagkibit balikat siya. "Ayaw kong sirain ang masayang araw na ito para sa kanya." Tinalikuran niya ito at muling naglakad para lang muling matigilan.

"Ano na ang balak mo ngayon?" tanong sa kanya ni Xavier.

Huminto siya sa paglalakad. "Babalik ako sa lugar kung saan ako naglagi nitong mga nakalipas na taon," sagot niyang hindi tumitingin dito. "Huwag kang mag-alala, gaya ng pangako ko sa inyo, ito ang huling beses na magkikita tayong muli. Isipin na lang ninyo na patay na ako."

"Kung gusto mong bumalik sa Black Lotus, sabihin mo lang sa akin. Matagal ka na naming napatawad ni Jane sa nangyari noon."

Mariin niyang ikinuyom ang kamay at walang salitang naglakad palayo. Hindi siya karapatdapat sa pagpapatawad ng mga ito. Sa dami ng kasalanang nagawa niya sa nakaraan ay nasisiguro niyang nabubuhay pa siya para pagdusahan ang mga nagawa niya.

Sa huling beses ay tiningnan niya ang pinanggalingan. Itatatak niya iyon sa isip bago magsimula ng panibagong buhay malayo sa mundong kinalakhan niya. 



                                                             -wakas-

Ace: So, tapos na ang story ni Katrina at tapos na rin ang story ng mga pamilya ng Black Lotus. Gusto ko lang malaman kung kaninong story ang umangat sa inyo ;) 

Kung nagustuhan man ninyo ang story nina Katrina at Travis, puwede nyo siyang irecommend sa mga friendships ninyo. :)

Thank you so much! Sa uulitin! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon