CHAPTER 16

2.8K 88 4
                                    


Ace: Hi, guys! sorry at hindi kaagad ako nakakapag-update. T_T pero gusto kong bumawi sa inyo kaya ipopost ko na lahat ng remaining chapters ng Katrina, The Fallen Angel. Maraming salamat po sa mga nagbabasa. :* 

Enjoy reading! 

-------------------------------------------------------------------------------------------

"MAY PROBLEMA ba, Kat?" tanong ni Travis nang makaupo sa tabi niya. Matapos nang naging pag-uusap nila ng ama ay dinala siya ng binata sa condominium unit nito sa may Ortigas kahit ilang beses niyang sinabi dito na puwede naman siyang mamalagi sa isang hotel.

Niyakap niya ang mga tuhod. "Narinig mo naman ang sinabi ni Papa. Wala akong puso. Even my own father doesn't believe that I am capable of loving. Paano kung tulad ako ng Papa ko na hindi marunong magmahal? Paano kung masaktan kita?"

Natigil siya ng sapuhin nito ang magkabilang pisngi niya. Mula sa liwanag na nanggaling sa buwan ay kitang-kita niya ang determinasyon sa mga mata nito. "Kat huwag mo ng isipin ang bagay na yan. You are a wonderful person. Marunong kang magmahal. You love me, remember? Huwag mong itulad ang sarili mo sa kanila. Isa pa, you have me. I love you and you love me. Iyon lang ang mahalaga."

Tumango lang siya kahit may tila mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya.


PINAGMAMASDAN ni Travis ang natutulog na si Katrina. Hindi niya binibitawan ang kamay nito kahit nang nakatulog ito. Mula sa ilaw na nanggagaling sa buwan na tumatagos sa glass wall ng kuwartong ginagamit ni Katrina ay nakita niya ang bakas ng luha sa pisngi nito. Gamit ang isang kamay ay pinahid niya iyon.

Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya kapag nakikita itong nahihirapan. Alam niyang pinapakita lang ni Katrina sa lahat na matapang ito pero alam niyang deep inside, ay malungkot ito at maraming sakit na dinadala. At gusto niyang saktan ang sarili dahil naging isa siya sa mga dahilan ng paghihirap nito. Kung puwede nga lang ay kuhanin niya ang lahat ng lungkot at paghihirap na dala-dala nito para makita niya ang ngiti ng dalaga. He will do everything that he can to make her smile again.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya. Pansamantala niyang binitawan ang kamay ni Katrina at pumuwesto sa may glass panel.

"Kumusta ang lakad mo?" tanong niya sa kabilang linya ng makitang ang assistant niya ang caller.

"Nakausap ko na po siya, Sir. At nag-confirm po siya na pupunta bukas."

Napangiti siya. "Good job. Alam mo na ang kailangan mong gawin."

"Yes, Sir."

Matapos ng ilang pang instructions ay tinapos na niya ang tawag. Muli siyang lumapit sa kama at hinalikan sa noo ang natutulog na dalaga. "Sweet dreams my angel. bukas sinisiguro ko na mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo," bulong niya dito.

Isang sulyap pa ang ginawa niya bago lumabas ng kuwarto. Marami pa siyang kailangang asikasuhin para sa plano niya para bukas.


ILANG SANDALI ring napakurap si Katrina at nakatitig sa puting kisame. Ipinatong niya ang kamay sa noo at muling pumikit nang maalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Travis just held her until she fell asleep. Pagtingin niya sa orasang nasa bedside table niya ay pasado alas nueve na ng umaga.

Pagbangon niya ay naagaw ng isang damit na nakapatong sa upuan ang atensiyon niya. Nilapitan niya iyon at kinuha ang isang card na nakapatong din sa damit.

WEAR ME.

Natawa siya at kinuha ang damit. Kulay peach iyon na sleeveless at gawa sa satin ang tela. May kasama din iyong puting stilletos.

Katrina, The Fallen Angel (Published Under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon