"We never know which lives we influence, or when, or why." Stephen King***
Palubog na ang araw nang lumabas si Rachel sa administration building ng St. Michael's Academy.
Wala ng mga sasakyan sa parking lot dahil nakauwi na ang mga estudyante pati ang sundo ng mga ito.
Pati mga co-teachers niya, kanina pa nagpaalam sa kanya.
Nakaramdam siya ng pagod ng makita ang eskuwelahan na kanina lamang ay puno ng mga estudyante.
Katahimikan ang bumabalot sa paligid at isang bagay ang pumasok sa isip niya—lungkot.
Naalala niya ang isang tao na lagi niyang nakikitang nakaupo sa ilalim nang pine tree at naghihintay sa kanya kahit gumagabi na.
Isang tao na may ngiting nakalaan para lang sa kanya.
Kahit stressed dahil sa kakulitan ng mga estudyante, bigla na lang itong nawawala kapag nasilayan niya ang matamis na ngiti ng taong iyon.
Napailing na lang si Rachel.
Hindi niya na ito makikitang matiyagang naghihintay sa kanya dahil grumaduate na si Kelsey last year.
Tinapos niya na din ang kung anuman ang meron sa kanila.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ika-categorize ang nararamdaman niya para sa dise-siyete anyos na star player ng St. Michael's Archangels—ang girls volleyball team ng school nila.
Ang sabi nga ng bestfriend niyang si Robbie, tanga na lang ang hindi makahalata na in-love sila sa isa't-isa.
Una pa lang niyang makita si Kelsey nang late itong dumating sa klase, tinamaan siya dahil ang lakas ng dating ng nito.
Matangkad, maputi at ang ganda ng ngiti.
Ang singkit na mga mata, punong-puno ng pag-asa.
Nagkatitigan pa nga silang dalawa.
Kung hindi siya naunang nag-alis ng tingin ay baka nahalata ng klase niya na nagkaroon sila ng moment.
Moment of stupidity. Yun ang laging sinasabi ni Rachel sa sarili.
Twenty-five years old na siya at bagong empleyado sa St. Michael's.
First day niya on the job at hindi niya pwedeng i-jeopardize ang opportunity dahil sa isang cute na estudyante na humuli sa puso niya.
Hindi nga ba at ito ang dahilan kung bakit lumipat siya sa St. Michael's?
Para makaiwas sa tukso?
Kahit tatlong taon na siya sa St. Therese School For Girls at maganda ang pasahod doon, pikit-matang nagpasa siya ng resignation letter dahil sa sitwasyon na kapareho lang ng naranasan na naman niya ngayon.
Pero parang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana.
Kahit anong iwas ang gawin niya ay pinaglalapit naman sila ng pagkakataon.
Akala niya, substitute teacher lang siya ng fourth year St. Thomas.
Nagulat na lang siya ng pinatawag siya ni Sister Margaret para sabihin na hindi na babalik ang adviser ng mga ito dahil sa nagdesisyong tumira sa Bicol.
Open ang posisyon at sinabi ng principal na kung interesado siya ay magsabi lang.
Maganda naman kasi ang record niya bukod sa glowing reference na binigay ng principal ng St. Therese.
The opportunity was handed on a silver platter.
Tatanggihan pa ba niya?
Looking back, the only thing she regretted was not being brave enough to hold on to Kelsey.
BINABASA MO ANG
She's Dating The Teacher
RomanceAfter graduating from high school, Kelsey Chan, the former star player of the St. Michael's Archangels volleyball team, pursued her adviser, Rachel Gonzales. Determined to prove that they can have a relationship despite their age difference, she soo...