Chapter 22: Come Out, Stay Out

3.4K 114 1
                                    

Sumama si Robbie sa apartment ni Rachel pagkatapos ng klase nila ng Friday.

Nabanggit niya dito na kailangan nilang mag-usap.

Dahil hindi naman safe sa school, naisipan ni Rachel na  sa apartment na lang sila tumuloy.

"Alam na pala ng ate ni Kelsey?" Tanong nito habang pinapalamanan ng peanut butter ang cinnamon raisin toast.

"Oo. Nahuli kasi kami at ginamit iyon na opportunity ni Kelsey para magsabi sa kapatid niya."

"Naku, Mare. At tinago ka niya ulit sa closet ha?"

"Oo nga. Kabado ako during that time pero ngayong naisip ko, nakakatawa nga. Wala akong balak bumalik sa closet pero literal na tinulak niya ako pabalik dun."

"Eh anong sabi nung kapatid niya ng malaman na dati ka niyang teacher?" Kumagat si Robbie sa toast.

"Nagulat siya. Tinanong ako kung nangyari iyon nung nandun pa si Kelsey."

"Sinabi ko na walang nangyari. Mas worried kasi siya dahil sa legal implication lalo na at menor de edad si Kelsey."

"Hay, Mare. Buti na lang at pinigil mo ang sarili mo."

"Oo naman. Una, ayokong masisante ano? Kaya kahit gustong-gusto ko siya, pinigil ko talaga."

"Abogado pala ang kapatid ni Kelsey?"

"Mga kapatid."

"Ha?" Napanganga si Robbie.

"Tatlo silang abogado. Pati si Kelsey, pinipilit na maging lawyer ng daddy niya."

"What?" Natawa si Robbie.

"Di ko ma-imagine na lawyer si Kokoy. Puro comedy lang ang gagawin nun sa korte."

"Uy! Girlfriend ko ang sinisiraan mo."

"I'm saying that in a good way. Isa pa, hindi yun magaling magsinungaling. Nakita mo naman, biglang nagcome out sa ate niya."

"Totoo iyon? Napakahonest nun kaya hindi iyon tatagal sa hearing. Kakainin iyon ng buhay ng mga kalaban niya."

"Ano nga pala ang sabi ng mga co-teacher natin nung bigla akong nawala?"

"Ang mga hitad, nagtataka kung bakit nalasing ka. Sinabi ko na lang na niyaya kasi kitang uminom. Malay ko ba na hindi ka pala sanay."

"Hinanap ba nila si Kelsey?"

"Oo. Lalo na si Raiza. Tanong ng tanong kung saan nagpunta. Sabi ko hindi ko alam."

"Buti na lang at may exit sa likod bahay niyo."

"Hay naku, Mare. Blessing talaga ang likod bahay na iyon. Dun ko pinupuslit ang mga dyowa ko."

"Sorry sa nangyari nung birthday mo ha?"

"Wala iyon. Pero dun ko nakita ang concern sa'yo ni Kelsey ha? Nung makita ka niyang lasing, kulang na lang kargahin ka papunta sa CR."

"Talaga?"

"Oo. Nakakainggit kayo. Parang gusto ko tuloy na maging monogamous."

Natawa si Rachel.

"Try mo kaya?" Udyok niya kay Robbie.

"Hindi pa pwede, Mare. Alam mo naman na hindi pa ako ladlad kay Madir."

"Hindi ba siya nakakahalata?"

"Ewan ko ba dun. Kinabukasan, hinanap ka niya tapos sinabi na bakit di kita ligawan."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, di tayo talo."

"Anong sabi ni Nanay Fely."

"Ano daw ang ibig kong sabihin?"

"Anong sabi mo?"

"Basta!"

"Basta?"

"Oo. Di na ako nag-elaborate. Baka mamaya madulas ako."

"Ano bang balak mo?"

"Di ko alam, Mare. Lalo na ngayon, mukhang buntis na naman ang malandi kong kapatid."

"Ano?"

"Oo. Narinig kong dumuduwal. Gusto ko ngang sabunutan. Sabi ko, di ba niya alam ang contracepcion. Dahil tuturuan ko siya kung paano gumamit ng condom."

"Eh buntis ba talaga?"

"Ewan ko. Ni hindi man lang inisip ang mga anak niya. Ni hindi man lang niya naisip na gusto ko ding lumigaya."

"Di mo naman pwedeng iasa kay Irma ang bagay na iyan. Eh mukhang sarili lang niya ang iniisip."

"Tumpak! Napakatalandi talaga. Sabi ko nga sa kanya, huwag siya laging nakabukaka."

Pinigil ni Rachel ang matawa.

"Hay naku! At least, ikaw masaya sa lovelife mo. Eh mukhang mamamatay ako sa loob ng closet dahil sa dami ng papaaralin ko."

"Huwag kang magsalita ng ganyan."

"Mabuti pa nga siguro kung mag-asawa na lang ako ng babae."

"Ha? Bakit mo naisip iyan?"

"Para iwas pressure. Tsaka para makawala ako sa responsibilidad sa pamilya ko. Pagod na din ako, Mare."

"Robbie, huwag mong gagawin iyan. Magiging miserable ka pati ang magiging asawa mo. Isa pa, kaya mo bang tiisin si Nanay Fely?"

"Minsan iniisip ko na kaya ko. Nakakasawa din kasi. Mahal ko si Nanay. Pwede ko siyang isama. Pero si Irma, gusto kong turuan ng leksiyon para matutong tumayo sa sariling paa."

"Iyan ba ang tamang paraan?"

"Di ko alam. Nagdarasal din ako na makahanap siya ng lalake na seseryoso sa kanya. Goodluck!"

"Basta, nandito ako for you. Kung may kailangan ka, magsabi ka lang."

"Pwede humiram ng two thou?"

"Ano?"

"Joke lang. Testing." Pabirong sabi ni Robbie.

"Loko ka." Hinataw niya sa likod ang kaibigan.

Tinapos na nila ang meryenda.

Pagkatapos kumain, hinatid niya si Robbie sa terminal ng tricycle.

"Ingat ka pauwi." Sabi ni Rachel bago ito sumakay.

"Sige, Mare. Text-text na lang."

Kumaway si Rachel at hinintay na makaalis ang tricycle bago siya bumalik sa apartment.

Kapapasok pa lang niya sa gate ng biglang magping ang phone niya.

Nanlaki ang mata ni Rachel sa nabasa.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon