Chapter 48: Tea & Sympathy

2.6K 98 4
                                    







Magkasabay na naglalakad palabas ng gate si Rachel at Robbie.

Nabanggit niya sa kaibigan na pumayag siyang mag-apply para sa full-time teaching position na inoffer ni Sister Margaret.

Tuwang-tuwa daw ito ng sinabi niya na she would like to be considered for the position.

"I'm glad you did." Sabi ni Sister habang inaabot ang resume niya."

"Pero kinakabahan ako." Pagtatapat ni Rachel.

"Mare, huwag kang mag-alala. Mukhang wala naman sa mga co-teachers or students natin ang nakakaalam tungkol sa video."

"Yun na nga ang pinagtataka ko eh."

Hinawakan siya ni Robbie sa braso.

"Alam mo, imbes na nag-aalala ka, magfocus ka na lang sa interview mo. Una, wala na tayong magagawa tungkol sa video. Pangalawa, mas mahalaga itong opportunity na binigay sa'yo ni Sister. Job security di ba? Yun na lang ang isipin mo."

Tumigil sila sa tapat ng pila ng tricycle at nagpaalam na sa isa't-isa.

Alam ni Robbie na mula ng maipost online ang video, hindi na siya makatulog.

Pero kahit anong gawin niya, hindi makakatulong ang pag-iisip tungkol dito.

Bukod pa dun, nag-aalala siya kay Kelsey.

Nung pumunta sila ni Sara sa MU, doon niya napatunayan na tama ang sinabi niya na suspended ito.

Two weeks na hindi makakapaglaro si Kelsey.

Kita ang disappointment sa coach nito.

Nang tanungin nila kung sino ang maaaring kausapin nila na may alam sa whereabout nito, si Florence lang din ang alam ng coach na pwedeng takbuhan nito.

Kaso, hindi alam ni Rachel ang phone number ni Florence.

They were at a dead end.

Malungkot silang lumabas ng MU.

Imbes na umuwi, sinama siya ni Sara sa isang restaurant para kumain.

Hindi pa daw siya nanananghalian dahil sa dami ng meetings niya ng araw na iyon.

Habang naghihintay sila na iserve ang orders, tinanong ni Rachel kung kumusta ang family nila after umalis ni Kelsey.

"It's quieter now that she's gone." Inikot-ikot ni Sara ang straw sa baso ng red iced tea.

"Ayaw talaga ng daddy niyo na hanapin niyo siya?"

Umiling si Sara.

"When Kelsey left, tumayo ako para sundan siya. Dad tried to stop me but I've had enough of what he was doing to my sister. I told him kung gusto niya din akong ipatapon to god-knows-where, bahala siya. But I'm not going to sit there and do nothing."

"Ginawa mo iyon?" Nangingiting tanong ni Rachel bago humigop sa order na lemon iced tea.

"Yeah. I rarely opposed my father. Pero this time, hindi ko na matiis."

"Eh what about Leah and Frank?"

"They told me to update them if there's any news about, Kelsey. Try din daw nilang patawagin ang mga assistants nila sa MU to check kung nasa school si Kelsey."

"At least they're doing something."

"They care for Kelsey din naman. We just have different ways of showing it."

"How's you mom?"

"Hayun. Di niya kinikibo si Daddy. Sa breakfast table, she was giving him the cold treatment. Kung dati eh siya ang nagsiserve kay Daddy ng food nito, hinahayaan niya ang katulong."

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon