Chapter 2: The One That Won't Go Away

8.7K 249 18
                                    




"Hi!" Masayang bati ni Kelsey ng makalapit sa kanya si Rachel.

"What are you doing here?" Mataray na tanong niya.

Inipit ni Kelsey ang volleyball sa pagitan ng bewang at braso niya.

"I came back to tell you that you were wrong."

"I was wrong? About what?"

Silang dalawa na lang ang nasa kalsada dahil pati ang mga tindahan na nakatayo sa gilid ng St. Michael's ay sarado na.

"You told me na kapag umalis ako dito and I meet new people, I would realize you were right to let me go."

"Kelsey, it's only the first day of school. It doesn't count."

"It does to me." Tumayo ito ng diretso at halos magdikit ang katawan nila.

"But you weren't totally wrong." Hinawakan ni Kelsey ang kamay niya.

"There were lots of pretty girls on campus. Girls my own age. Girls who didn't waste any time telling me they're interested but..."

"But what?"

"You're still the one I want." Marubdob na sagot nito.

Pinanghinaan ng tuhod si Rachel.

Mabuti na lang at nasalo siya ni Kelsey.

"We should get out of here bago pa may makakita sa atin."

Tumango si Kelsey at binuksan ang passenger door ng kotse.

Nang pareho na silang nasa loob ay inalis ni Kelsey ang tingin sa kalsada.

"Where do you want to go?"

"I don't know."

Totoong walang ideya si Rachel kung saan sila pupunta dahil nagulat siya ng makita ang dating estudyante.

Hindi niya inexpect na pupuntahan siya nito.

"Kumain ka na ba?" Pinisil nito ang kamay niya na nakapatong sa kandungan.

"Hindi pa."

"Why don't I take you out to dinner?" Pinaandar niya ang makina at lumabas na sila sa iskinita.

Nang maalis na sila ay saka lang lumuwag ang hininga ni Rachel.

"Why are you doing this?" Nagtatakang tanong niya.

"Dahil hindi ko kaya na wala ka."

"Pero di ba nag-usap na tayo?"

"If I remember it right, it was a one-sided conversation. I didn't agree to what you wanted pero for your peace of mind, iniwasan kita. It was a bad move. I had the worst summer of my life and I thought I was going to die."

"Don't be dramatic."

"I'm not. I'm just telling you the truth."

Kaliwang kamay lang ang ginagamit ni Kelsey sa pagmamaneho dahil nakahawak sa kanya ang kanang kamay nito.

Naka-slouch din ang pagkakaupo nito sa driver's seat at kinakabahan si Rachel dahil sa bilis nitong mapatakbo ng sasakyan.

"Bakit di na lang tayo magtake-out sa karinderya tapos sa bahay na lang tayo kumain?"

"No problem."

"Kumakain ka ba sa mga ganoong lugar? Baka mamaya sumakit ang tiyan mo?"

Kahit nakatagilid ay kita ni Rachel ang ngiti sa mukha ni Kelsey.

"Hindi ako primadonna ano?"

Tumawa si Rachel.

Kahit anak-mayaman si Kelsey ay hindi ito mapili.

Kung madiriin ito sa pagkain ay siguro di ito bibili ng balut.


Pinarada ni Kelsey ang kotse sa gilid ng karinderya at sabay silang pumasok.

Naramdaman niya ang kamay nito sa likod niya at hindi alintana ang ibang tao na kumakain sa loob.

Napatingin ang iba pagdating nila.

Naconscious si Rachel dahil sa suot niyang uniform at sa closeness nang puwesto nila ni Kelsey.

Nang lumingon siya ulit sa mga tables ay hindi na nakatingin sa kanila ang mga tao.

"Ba't di na lang tayo dito kumain?" Tanong ni Kelsey habang tinitingan niya ang mga putahe na nasa loob ng glass display.

"Sa bahay na lang para makapag-usap tayo ng maayos."

"Okay." Nagkibit-balikat ito.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kanin tsaka kaldereta..." Tinuro ni Kelsey ang mga ulam habang nagsasalita.

"Gusto ko din ng mechado at saka nilagang baka."

Napangiti ang tindera na nasa harapan nila.

"Di ka gutom?" Biro ni Rachel.

"Hindi naman masyado."

"Tumatangkad pa po yata ang kapatid ninyo, Mam." Sabat nang tindera na may edad niya.

"Hindi po kami magkapatid." Magalang na pangwawasto niya dito.

"Ay, sorry po. Magkamukha kasi kayo." Nahihiyang sabi ng tindera.

"Paano iyan, Rach?" Inakbayan siya ni Kelsey.

"Magkamukha daw tayo."

Siniko niya si Kelsey sa tagiliran at mabilis na tinanggal nito ang kamay na nakapatong sa balikat niya.

Inulit ni Rachel ang order at dinagdagan pa ng leche flan.

"Di ba favorite mo iyan?"

"You remembered."

"Oo naman. Eh halos maubos mo iyong isang liyanera. Ni hindi mo man lang ako naalalang tirahan."

"Sorry."

Bumalik ang tindera bitbit ang dalawang plastic bags nang order nila.

"Heto na po, Mam."

Inabot ni Kelsey ang plastic bag habang dumudukot ng pambayad si Rachel sa dalang itim na purse.

Pagkatapos suklian ay nagpasalamat siya sa tindera.

Pagpasok sa kotse ay inabot sa kanya ni Kelsey ang mga bag at tumuloy na sila sa apartment na inuupahan ni Rachel.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon