Chapter 7: The Good News

4.8K 149 1
                                    




Pagpasok niya sa faculty room, si Robbie lang ang naabutan niyang nakaupo sa sofa at tahimik na nakatutok sa phone.

Maayos na nakagel ang buhok nito at kung hindi niya alam na isa itong bading, hindi mo mapagkakamalan.

Matikas kasi ang katawan at hindi malambot ang kilos.

Pati ang pananalita, lalakeng-lalake.

Makapal ang suot na salamin ni Robbie na bumagay naman sa square shape na mukha nito.

Sa kanya lang talaga ito naglaladlad kapag sila lang ang magkasama.

"Ang aga-aga, Facebook ang inaatupag mo." Tukso ni Rachel sa kaibigan bago umupo sa tabi nito.

Nasapo bigla ni Robbie ang dibdib niya.

"Ano ka ba naman, Mare? Papatayin mo ba ako sa gulat?"

"Ang OA mo naman."

"Kasi naman bigla ka na lang sumusulpot."

Kumunot ang noo ni Robbie at sinipat ang itsura ni Rachel.

"Bakit parang ang saya mo ngayon?" Maintrigang tanong nito.

"Masaya? Eh ito naman ang normal na itsura ko?"

Umiling-iling si Robbie at hinawakan pa ang dulo ng buhok ni Rachel na nakalugay.

"There's something different with you." Pinaliit ni Robbie ang mga mata niya.

"Oh my god. Don't tell me." Tinaas nito ang kanang kamay niya.

"Does it start with the letter K?" Patuksong tanong nito.

"Shh!" Pinatong ni Rachel ang hintuturo sa ibabaw ng labi ni Robbie.

"Huwag ka ngang maingay."

"Malay ba nila kung sinong K ang sinasabi ko? Tsaka tayo lang naman ang nandito sa faculty room."

"Kahit na. Baka mamaya may makarinig sa'yo."

"Pero tama ba ako?"

Tumango si Rachel tapos ngumiti.

"Bakit di tayo bumaba para sa labas tayo mag-usap?"

Mabilis na tumayo si Robbie at inayos ang barong na kulay light blue at gray pants, uniform nang mga male teachers sa St. Michael's.

Kinuha nito ang physics textbook na nakasiksik sa dulo ng sofa at pinagbuksan siya ng pinto.

Pagkababa nila ng admin building ay kinulit siya agad ni Robbie.

Wala naman silang kasabay dahil karamihan ng estudyante nasa school grounds na at naghihintay na magsimula ang flag ceremony.

"Anong chika tungkol kay Kokoy?"

Natawa si Rachel sa bansag niya kay Kelsey.

"Sinundo niya ako kahapon."

"Talaga?" Nanlaki ang mata ni Robbie sa gulat.

"Nag-usap kami tapos yun na."

"Ano ba 'yan, Mare? Eh mas condensed pa iyan sa condensed version. Give me details." Kinikilig na sabi ng kaibigan.

"Basta. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin."

"So, kayo na?" Kahit wala silang ibang katabi ay pabulong na nagtanong si Robbie.

Tango ang isinagot niya.

"Ewan ko ba. Sira na yata talaga ang ulo ko. Ang akala ko, noong hindi siya nagpaparamdam sa akin ay tuluyan na siyang umiwas. Nagulat na lang ako kahapon nang makita ko siya na naghihintay sa akin."

"Ang good news, legal na siya. Di ba eighteen na siya ngayon?"

"Oo. Pero kahit saang anggulo tingnan, bata pa din siya."

"Don't worry. Babyface ka din naman eh. Kung hindi ko alam ang edad mo, I would think na nineteen ka lang."

"Bolero." Kinurot niya si Robbie sa tagiliran.

Napakislot ito sa ginawa niya.

"Huwag ka masyadong mag-alala. Sige ka. Magkakawrinkles ka niyan." Kunyari ay inunat ni Robbie ang noo niya.

"Ang mahalaga, happy ka at happy din si Kokoy. Isa pa, hindi na siya estudyante dito. Ang mahirap ay kung nag-aaral pa siya at may relasyon kayo."

"Kunsabagay. Kagabi kasi hindi ako agad makatulog. Iniisip ko kung tama ang naging desisyon ko na makipagrelasyon sa kanya. Pero noong pumayag ako, sobrang saya niya. Hindi nga maalis ang ngiti sa mukha niya eh."

"Sino ba naman ang hindi matutuwa? Natupad na din ang matagal niya ng pinapangarap. Noong nandito pa siya at nakakakuwentuhan ko, kapag dumadaan ka eh hindi nahihiyang magsabi na gusto ka niya."

"Sinabi niya iyon sa'yo?"

"Oo. Hindi nga natatakot na baka pagsabihan ko siya. May tiwala siya sa akin at magaan din ang loob ko doon kasi sobrang bait. Siguro dahil din sa ramdam niya na isa akong alam mo na." Hindi binanggit ni Robbie ang katagang bading dahil may dumaan na teacher.

Malapit na sila sa school grounds nang mag-ping ang cellphone ni Rachel.

Kinuha niya ito sa bulsa ng puting blouse na may blue piping sa sleeves at collar at nakita na may image na pinadala si Kelsey.

Dinikit ni Robbie ang ulo niya sa ulo ni Rachel para makita ang picture.

Nakalabas ang dila ni Kelsey at nakapeace sign ang kanang kamay.

Sa ilalim ng picture ay may text.

Good morning, beautiful.

"Ang sweet naman. Nakakakilig. Kelan kaya ako magkakaroon ng ganyan? Inggit tuloy ako."

"Sus! Nasaan na iyong boyfriend mo na tricycle driver?" Tinago ulit ni Rachel ang phone.

"Break na kami. Ang dami ko palang ka-share. Hindi lang mga kalahi ko kundi pati mga babae. Sakit sa bangs."

Narating na nila ang school grounds.

Maingay ang paligid dahil sa kuwentuhan ng mga estudyante.

Lalapitan sana nila ang mga co-teachers na nakatayo sa gilid ng tumunog ulit ang phone ni Rachel.

Tumigil siya sa paglalakad para tingnan ang message.

"See you tonight?" Nakanguso si Kelsey na parang hinahalikan siya.

Mabilis na nagtype ng response si Rachel.

"See you. XO." Pinindot niya ang kissing emoji bago pinindot ang blue up arrow button para i-send ang message.

She had been in love before.

Pero sa tagal na wala siyang karelasyon, ngayon lang ulit bumabalik ang familiar na feelings of anticipation and kilig.

Kahit ang purpose ng pagkikita nila ni Kelsey ay i-tutor niya ito, hindi maalis sa puso niya ang excitement.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon