Chapter 37: Robbie

2.5K 95 0
                                    




"Mare, may sasabihin ako sa'yo." Hinila sa braso si Rachel ni Robbie ng makita siya sa corridor.

Uwian na at sila na lang ang nasa hallway.

"Ano iyon?" Umupo sila sa bench sa tapat ng malawak na bintana na napapalibutan ng iron grills.

"May nakilala ako." Tuwang-tuwang sabi nito.

"Talaga? Sino iyan?"

"Odessa ang pangalan."

"Odessa? Babae?" Gulat na tanong niya.

Tumango si Robbie.

"Bakit babae?" Naguguluhang tanong niya.

"Naalala mo yung usapan natin dati?"

"Oo. Seryoso ka talaga?"

"Di naman sinasadya, Mare."

"San mo naman siya nakilala?"

"Nung bachelorette party."

"Sino siya? Wala naman akong natatandaang guest na Odessa ang pangalan."

"Nauna ka kasing umuwi para puntahan si Kokoy. Pag-alis mo, dumating siya kasama ang pinsan ni Vangie. Hayun. Nagkwentuhan kami tapos ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kinuha niya ang number ko tapos nagtext kami hanggang sa nasundan ng coffee date."

"Alam ba niya na?" Lumingon sa paligid si Rachel bago tinuloy ang sasabihin, "Na bading ka?"

"Oo. Naamoy niya daw ako."

"Lumabas ang lansa mo."

"Sira." Hinataw siya sa braso ni Robbie.

"Pero di pa din siya tumigil sa pakikipag-usap sa'yo?"

"Hindi. Ano nga eh..."

"Ano?"

"Sabi niya, parang nai-inlove na siya sa akin." Namula ang pisngi ni Robbie.

"Ha? Eh paano iyan?"

"Yun nga ang reason kung bakit kita kinausap."

"Bakit?"

"Kasi mukhang inlove din ako sa kanya?"

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Rachel.

"Paanong nangyari?"

"Ewan ko ba. Naguguluhan nga ako kasi kilala mo naman ako di ba? Aside from my first and only girlfriend nung high school, puro men na yung nakarelasyon ko."

"Nagkagirlfriend ka?"

"Di ko ba nasabi sa'yo?"

Umiling si Rachel.

"Oo. Nung third year ako."

"Ano bang gusto mong mangyari?" Sumeryoso si Rachel.

"Hindi ko nga alam eh." Tinuro ni Robbie ang puso niya.

"Yung isang part, masaya kapag kasama ko siya. Pero yung isa, naguguluhan kasi nga ang pagkakakilala ko sa sarili ko, dakilang diyosa."

"My god, Robbie. Ang complicated naman."

"Oo nga eh. Magkikita nga kami for dinner sa weekend para makapag-usap."

"Baka naman natutuwa ka lang sa kanya?"

"Yun din ang akala ko eh. Pero dumating yung time na mas iniisip ko siya kesa ang mga boylet ko. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan."

"Tanggap ba niya na ganyan ka?"

"Oo daw. Sabi pa nga niya, kaya niyang intindihin ang lahat."

"Baka naman sinasabi niya lang iyan?"

"Di ko din alam, Mare. Basta ang alam ko, kapag siya ang kausap ko, parang nakahanap din ako ng sarili kong Kokoy. Mabait siya, maunawain at saka hindi ako natatakot na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko."

"Alam na sa inyo?"

"Hindi pa pero balak ko siyang ipakilala kina Nanay."
"Seryoso?"

"Oo. Kaya nga di ko din maintindihan ang sarili ko eh."

"Baka nabibigla ka. Pag-isipan mong maigi. Ayokong magsisi ka pagdating sa huli."

"Naisip ko na din iyan. Pero mukhang nainlababo talaga ako kay Odessa. Alam mo yung feeling na gusto kong maging tunay na lalake para sa kanya?"

"What?" Di mapigil ni Rachel ang matawa.

"O di ba? Never in a million years did I imagine na sasabihin ko yan."

"Mukha ngang tinamaan ka."

"Kung ikasal kami, promise you will be my best woman ha?"

"Kasal na agad?"

"Napag-usapan na din namin yun. Payag naman daw siya na makasal sa akin kahit alam niya na bading ako."

"Robbie, huwag kang magmadali. You just met her. Baka nadadala ka lang ng emosyon mo?"

"Eh kelan ba naman naging rational ang puso?"

"Kunsabagay."

Huminga ng malalim si Robbie.

"Bahala na. Mag-uusap kami ng masinsinan pag nagkita kami."

Tumayo na silang dalawa.

"Basta, Mare. Promise me na kung ano man ang mangyari, bestfriend mo pa din ako."

"Oo naman."

Bumalik na sila sa faculty room para kunin ang mga gamit nila.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon