Chapter 45:The Unexpected

2.4K 86 0
                                    




Gusto mang kausapin ni Rachel si Kelsey, may sarili din siyang problema.

Pinatawag siya ni Sister Margaret.

Abot-abot ang kaba niya dahil may kutob siya na baka may kinalaman ito sa video na kinuha nung kasama  ni Kelsey sa bar.

Pagdating niya sa faculty kinalunesan, agad siyang hinila ni Robbie at pinakita sa kanya ang clip ng video sa YouTube.

Trending pa ito at ang ginamit at may hashtag na #shedidn'tsayIloveyouback.

Punyeta! Sabi niya sa sarili.

She knew it would happen.

Ano pa nga ba ang reason kung bakit ito ginawa nung lalake kundi to get his fifteen minutes of fame?

"Damn it, Kelsey! What have you done?" Kinuyom niya ang kamay.

Hindi pa sila nag-uusap after the incident dahil sa mainit ang ulo niya dito.

Gusto niyang awayin ito at pagalitan pero makakatulong ba ito?

Nang makarating sila sa apartment, walang tigil si Kelsey na kakahingi ng sorry pero sinabihan niya ito na tumigil na.

"Saka na tayo mag-usap kapag matino ka na." Tinalikuran niya ito at umakyat na siya sa kuwarto.

Naramdaman niyang tumabi ito sa higaan pero hindi siya hinawakan.

Naglagay siya ng unan sa pagitan nila para ipadama dito na huwag siyang didikitan.

Nakuha naman ni Kelsey ang gusto niyang iparating.

Kahit wala siyang balak umalis nung Linggo, pumunta siya sa simbahan.

Matagal na siyang hindi dumadalaw sa Quiapo.

Pero dahil sa nangyari, doon siya tumuloy para magdasal sa Poong Nazareno.

Kailangan niya ng gabay at milagro.

Magulo ang isip niya dahil sa ginawa ni Kelsey.

Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanilang dalawa.

Ito ang nasa isip niya habang naglalakad papunta sa principal's office.

Tinaon ni Sister Margaret na kausapin siya after school para hindi madisrupt ang klase niya.

Marahan siyang kumatok at narinig na pinapasok siya nito.

Pagbukas ng pinto, nakatungo ang madre at may binabasa.

Nag-angat ito ng ulo ng marinig ang click ng lock.

"O, Rachel. I'm glad you're here." Nakangiti ito sa kanya at nagtaka siya.

She was expecting a livid Sister Margaret pero bakit ang saya ng itsura nito?

"Have a seat." Tinuro nito ang upuan sa harap ng desk.

"Thank you, Sister." Mahina ang boses ni Rachel dahil lalong lumakas ang kaba niya.

"Sorry kung late ko inischedule ang meeting with you. Ang dami ko kasing meetings pero ayokong ipagpaliban pa ang good news."

"Good news?" Nagtatakang tanong ni Rachel.

"Yes." Pinagdaop ni Sister Margaret ang dalawang kamay.

"May opening for a full-time teaching position. I've been reviewing your resume and I saw na qualified ka. You were a dean's lister nung college ka, you have units sa master's program, your students love you base sa mga feedback nila and you get along really well with the other teachers. I'm considering you for the position pero gusto ko munang tanungin kung interesado ka."

"Po?"

Kumunot ang noo ni Sister Margaret sa reaksiyon niya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? You look like you've seen a ghost. Namumutla ka, hija. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Sister Margaret.

"Opo. Nagulat lang po kasi ako."

"Well, you are one of the two teachers I'm considering for the position."

"Pwede pong malaman kung sino ang isa pang kinoconsider ninyo?"

"Yes. Si Allan Salvador. Qualified din siya and he was here a year before you than you but I believe in giving people a chance."

Napabuntong hininga si Rachel.

Lalo siyang naguluhan dahil sa nangyari.

Maganda ang opportunity na binibigay ni Sister Margaret but at the back of her mind, natatakot siya.

What if makarating dito ang tungkol sa video?

It would greatly affect the promotion.

Gustong-gusto pa naman niya dito sa St. Michael's.

Kahit makukulit ang mga estudyante, she loves what she does.

Noon pa man, gusto niya na talagang maging teacher dahil na din sa nainspired siya sa mga magulang niya.

Kahit pa they discouraged her dahil sa mahirap daw ang trabaho, hindi siya nagpapigil.

This was her calling and she's happy with what she does.

"Pwede pong pag-isipan ko?"

"Oo naman, hija. But don't take too long, okay?"

"Yes, Sister."

"I won't keep you any longer. Let me know by Friday about your decision."

"Yes, Sister." Tumayo na si Rachel at nagpaalam na.

Paglabas niya, imbes na magtatalon sa tuwa, ang bigat ng bawat hakbang niya.

"What am I going to do?" Tanong niya sa sarili habang naglalakad pabalik sa faculty.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon