Chapter 35: A Conversation

2.5K 108 1
                                    

"Galit ka ba?" Yun agad ang tanong ni Rachel pagpasok nila sa apartment.
Nagulat siya ng makita si Kelsey na nag-aabang sa kanya sa school.
May usapan na sila na hangga't maaari, sa apartment na lang magkita kung dadalaw siya para makaiwas sa tsismis.

Aaminin niya na natuwa siya ng makita ito pero nagkasabay sila ni Allan palabas kaya kinabahan siya.
Ito pa ang unang nakakita kay Kelsey at tinuro sa kanya.
Nagtanong pa nga ito kung anong ginagawa ni Kelsey sa St. Michael's.
Wala siyang naisagot.
Ano nga ba ang sasabihin niya?
Na sinusundo siya nito?

Paglapit nila, binati ni Allan si Kelsey.
Nagkumustahan sila at ang sabi ni Kelsey, nakipagkita siya sa dating teammate na dito nakatira.
Nung nag-offer ito na ihatid siya, tumanggi siya para hindi makahalata si Allan.
Pero si Allan na din mismo ang nagsabi na pumayag na siya na sinundan naman ng please ni Kelsey.
Kunyari ay napilitan siyang pumayag at nagpaalam na siya kay Allan.

On the way sa apartment, tahimik lang si Kelsey.
Ni hindi siya hinawakan nito sa kamay.
Seryoso ang itsura at nakatutok lang sa kalsada hindi tulad dati na lagi siyang sinusulyapan o di kaya nakapatong ang kamay sa hita niya.

Pagkabukas ng pinto, una niya itong pinapasok.
Sinara niya muna ang pintuan bago siya nagtanong.

"What were you doing with him?" Paangil na tanong ni Kelsey.
"Who?"
"Sino pa? Eh di si Sir Salvador?" Mataas ang tono ni Kelsey pero di niya pinatulan.
Pagod na siya at walang energy na makipagconfrontation.

"Nakasabay ko lang siya palabas." Sinabit niya ang bag sa metal rack at hinubad ang sapatos.
"Yan ba ang dahilan kung bakit nakasimangot ka?" Mahinahon ang tono niya lalo na at nakabusangot ang itsura ni Kelsey.
"I haven't seen you for a week. Sino ba naman ang matutuwa sa nakita ko?" Lumapit ito sa sofa pero hindi umupo.
"Hindi ko gusto ang tono ng boses mo." Nanatili siya sa may pinto.
Stressful ang araw na ito sa kanya dahil gagawin niya ang mga grades ng mga estudyante bukod sa may kinausap siyang isang estudyante.
May nagsabi sa kanya na kaya hindi ito pumapasok dahil lumayas ito.
Buntis daw kasi at takot malaman ng magulang.
Ngayon lang ito pumasok ulit at kinausap niya na dahil nag-aalala din siya sa kapakanan nito.
Magaling pa naman sa klase at hindi naman pala-absent.

"Kung pumunta ka dito para awayin ako, bumalik ka na lang sa susunod." Matigas na ang tonong ginamit niya.
Hindi pwede sa kanya ang bratty attitude nito.
Bumagsak ang balikat ni Kelsey at mukhang natauhan sa sinabi niya.

"I'm sorry." Lumapit ito sa kanya pero hindi siya hinawakan.
"Di ba sinabi ko sa'yo na wala kang dapat pagselosan?"
Tumango si Kelsey.
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Meron. Pero wala akong tiwala kay Sir Salvador."
Bumuntong hininga si Rachel.

"Babe, kahit ilang buwan pa tayong hindi magkita, hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Ikaw ang mahal ko di ba?"
"I know."
Nilapitan niya si Kelsey para yakapin.
"So, anong dahilan at nagdadrama ka ng ganyan?"
"I don't know. I'm exhausted and irritable."
"Baka naman may period ka kaya ka nagkakaganyan?" Hinaplos niya ito sa pisngi.
"No. I'm just stressed out."
"Do you want to talk about it?"
Tumango si Kelsey.
"Ang mabuti pa, pag-usapan natin ito over dinner. May natira pang sinigang na baboy. Okay lang sa'yo kung iyon ang kainin natin?"
"Oo naman."
"Good." Binitawan niya si Kelsey at tumuloy sila sa kusina para maghanda ng hapunan.

Binuksan ni Kelsey ang cupboard para kumuha ng plato at baso.
Nilabas naman ni Rachel sa ref ang mangko na may lamang ulam at sinalin sa kaldero para initin.
Meron pang natirang kanin sa rice cooker at binuhusan niya ito ng konting tubig para initin.

Habang hinihintay na mainit ang pagkain, umupo sila para mag-usap.
"Bakit ka nai-stressed?"
Hindi agad sumagot si Kelsey.
Iniisip kung ano ang sasabihin sa kanya.
"Nahihirapan ka na?"
Tumango lang ito.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
"I don't know. Shame?" Nagkibit balikat ito.
"What are you ashamed of?"
"I'm ashamed to admit na hindi ko na kaya."
Tiningnan siya ni Rachel.
Sa itsura nito, kita niya na hindi ito sanay na nagsasabi ng mga ganitong bagay.
"Anong nakakahiya kung aaminin mo na hindi mo kaya?"
"Rach, I don't have a lot of things going for me. I'm a below average student. Sa volleyball lang ako magaling. Ngayon pati sa bagay na yan, I'm also failing." Nangilid ang luha nito.
"Babe," Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay nito.
"Hindi ka lang sa volleyball magaling."
Pinunasan ni Kelsey ang luha niya.
"What do you mean?"
"I think limited ang perspective mo about yourself. Sinusukat mo ang galing mo base sa achievements mo which makes total sense. Pero you need to look beyond that."
"I still don't understand."
"Kelsey, you are an amazing person. Mabait ka, caring, good natured, charming. Ang mga tao, they are drawn to you kasi you are kind and humble. You are more than a volleyball player. Mabait kang anak. I see na you truly care about your family kasi gusto mong magsucceed sa ginagawa mo. Gusto mong ipakita sa kanila na they could be proud of you. These are all good things, Kelsey, pero just because you're struggling now, papahirapan mo ang sarili mo sa pagi-iisip ng kung anu-ano." Inangat niya ang mukha ni Kelsey na nakatitig sa sahig.
"We all have our bad days. But when things are hard, that's when you need to come to me. Hindi yung dadaanin mo sa galit o sa pagseselos."
"I'm sorry." Matamlay na ngumiti ito sa kanya.
"I'm your girlfriend. Nandito ako para tulungan ka. You can be who you are kapag kasama mo ako. Kung nahihirapan ka, you have to tell me. Hindi naman ako manghuhula. Hindi din ako mind reader."
"I know that. I guess I'm trying to prove to myself na I'm not a failure."
"Sino naman ang nagsabi sa'yo na failure ka?"
"Wala naman. Pero with the way things are going, I'm not exactly doing great."
"And that's okay. Lahat tayo dumadaan sa ganyan. Ang importante, gumagawa ka ng paraan to make things better."
"I am but it's not easy."
"Ano bang gumugulo sa isip mo ngayon?"
Kinuwento sa kanya ni Kelsey ang nangyayari sa Valkyries pati sa studies niya.
​"Meron ka bang pwedeng igive-up?"
​"What?" Nagulat si Kelsey sa tanong.
​"You have a lot on your plate. Ano ba ang mahalaga sa'yo?"
​"Ang future ko."
"Okay. Ano ang makakatulong sa future mo?"
Tinitigan siya ni Kelsey tapos bigla itong tumango.
"I think I know what I need to do."
"Sigurado ka? Pag-isipan mong maigi before you make a decision."
"I'm sure. I'm just too stubborn to admit it."
"Okay. Basta. Nandito lang ako. Isa pa, I want you to be honest with me. We are in a relationship. We have to talk about things. Kung hindi ko mo explicitly sasabihin kung anong nasa isip mo, hindi ko malalaman."
"Thank you."
"You're welcome."
Narinig nila ang pag-alog ng takip ng kaldero dahil kumukulo na ang sinigang.
Tumayo na si Rachel.
"Maghugas ka na ng kamay at kakain na tayo."

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon