"Are you sure you're going to be okay?" Tanong ni Florence ng sabihin sa kanya ni Kelsey na kina Rachel muna siya tutuloy.Nasa guest room silang dalawa at pinagmamasdan siya nito habang tinutupi niya ang kubre kama.
Kahit sinabihan siya ni Florence na hayaan na lang ang katulong na magligpit ng higaan niya, hindi niya pumawag.
Nahihiya din naman si Kelsey dahil pinatira na nga siya ni Flo ng ilang araw at pinakain ng libre, pati ba naman pagliligpit ng higaan at paglilinis ng kuwarto, hindi niya magawa?
Marunong naman siya at ito ang isang bagay na hindi niya inaasa sa katulong dahil nagagalit ang mommy nila.
"Basta, if you need anything, magtext ka lang."
"Oo naman." Inayos niya ang unan bago sila lumabas ng kuwarto.
Tumawag na din siya sa Ate Sara niya para sabihin na okay siya.
Alalang-alala ang kapatid niya at naiyak pa nga ito ng marinig ang boses niya.
Lalo tuloy siyang nakonsensiya sa ginawa.
"Are you with Rachel?"
Ayaw niya sanang sabihin dito kung nasaan siya.
Natatakot siya na baka masabi nito sa parents niya kung saan siya tumutuloy at bigla na lang siyang kaladkarin pauwi ng daddy niya.
But the other part of her felt that she already put her sister through a lot.
Ito lang ang gumawa ng paraan para hanapin siya.
Hindi talaga siya nito pinapabayaan kahit ang dami niyang kasalanan.
"Yes." Sagot niya.
"Can you keep this between us for now? Ayokong madamay si Rachel." Pakiusap niya.
"You don't even have to tell me. I know what to do. Ang gusto ko lang malaman ay safe ka."
"I am."
Bago siya nagpaaalam ay nagsorry siya sa kapatid.
"I made a big mess, Ate. I don't know how to fix this." Pag-amin niya.
"Kelsey, just remember that you don't have to go through this alone. I'm with you. Kung kailangan mo ako when you talk to Dad, let me know. Di ba sinabi ko sa'yo na hindi kita pababayaan?"
"Yes you did."
"Kung ready ka ng humarap sa kanya, sabihin mo lang. But don't ever feel na mag-isa ka or wala kang kakampi. You have me and Rachel."
"Thank you, Ate."
"Okay lang ba sa'yo kung puntahan kita?"
"Oo naman."
"Nakakahiya naman kasi kay Rachel. I'll bring some groceries and give you money para naman hindi ka totally aasa sa kanya."
"Okay lang, Ate. May natira pa naman sa backpay ko from Mary's."
"Kelsey, I'm not only doing this for you but for Rachel as well. I know she wants to help pero ayokong iasa sa kanya ang lahat. Ayokong isipin niya na pinabayaan ka na talaga ng family natin."
"Why would she think that?"
Maybe she doesn't but with the way things are going, I don't think she'll see us a model family of the year."
Hindi na siya nakipagtalo pa.
The first thing na sinabi sa kanya ni Rachel ng dumating siya sa apartment was she has to go back to school.
"Sa volleyball ka lang suspended hindi sa mga subjects mo." Sabi nito habang nagpapalit sila ng mga punda.
"What if puntahan ako ni Daddy sa school?"
"Eh di puntahan ka? Hindi mo naman siya mapipigil sa gusto niyang gawin di ba?"
"Yun na nga, babe." Pinatong niya ang unan sa ulunan.
"Paano kung totohanin niya ang banta niya na ipadala ako sa Taiwan?"
"Siguro naman madadala sa pakiusap ang daddy mo." Kinuha ni Rachel ang mga pundang marurumi at nilagay sa plastic laundry basket na nasa sulok ng kuwarto.
"You haven't met my dad."
"Nandun na ako. Pero you have to stand up for yourself. Alangan namang kaladkarin ka niya papasok sa eroplano kung ayaw mo talaga?"
Umupo si Rachel sa gilid ng kama at tinabihan siya ni Kelsey.
"Running away from your problem is not going to solve anything. Susundan at susundan ka lang nito kahit saan ka pumunta. Kahit ipatapon ka niya sa Timbuktu, kung gusto mong gumawa ng kalokohan, gagawin mo. Kailangan kasing pangatawanan mo ang mga bagay na gusto mong gawin at hindi yung tatakbuhan mo kapag napasok ka sa gulo o di kaya oo lang ang sasabihin mo kahit hindi naman talaga ang gusto mong sabihin."
"Ayokong ilayo ako sa'yo."
"Kaya nga you have to talk to him. Sabihin mo kung ano ang gusto mo and stand by your word."
"You make it sound easier than it really is."
Pagbalik niya sa school, kailangan niyang humingi ng permit sa dean ng Polsci dahil sa ilang araw din siyang absent.
Nagulat pa si Florence ng makita siya sa Psych 101 subject nila.
Buti na lang at she was taking notes for Kelsey nung mga araw na hindi siya pumapasok kaya nakakasabay siya sa klase.
Pinagtitinginan siya ng mga classmates niya and she wasn't sure if it was still because of the video o dahil sa matagal siyang absent.
Ang sabi ni Flo, she should ignore them.
"Those bitches have nothing better to do." Casual na sabi nito.
Nang makasalubong niya ang mga dating teammate sa corridor, pinagtinginan siya ng mga ito pero diretso lang ang lakad nila ni Flo.
Pero ramdam ni Kelsey na kahit nakalampas na sila, nilingon siya ng mga ito dahil ang init ng batok niya.
My future is very uncertain. Naisip ni Kelsey.
At hindi magiging certain ang lahat kung hindi niya haharapin ang katotohanan.
Tama naman si Rachel at si Ate Sara.
Hindi malulutas ang lahat kung magtatago siya.
Bago matapos ang last subject niya, she made a decision.
Uuwi siya para kausapin ang daddy niya.
Pero ng papalabas na sila ni Flo sa parking lot, she thought the universe was conspiring against her.
Naghihintay ang daddy niya kasama ang dalawang bodyguard nito.
BINABASA MO ANG
She's Dating The Teacher
RomanceAfter graduating from high school, Kelsey Chan, the former star player of the St. Michael's Archangels volleyball team, pursued her adviser, Rachel Gonzales. Determined to prove that they can have a relationship despite their age difference, she soo...