Chapter 44: The Threat

2.4K 80 0
                                    




"How can you explain this? Hindi na siya hinintay ng daddy niya na makaupo.

Hinagis nito ang hawak na cellphone at bumagsak ito sa paanan niya.

Npaatingins si Kelsey sa Ate Sara niya.

Kung dati ay lagi itong nakatungo kapag pinapagalitan si Kelsey, ngayon diretsto ang tingin sa kanya pero blank ang expression ng mukha.

Kita ni Kelsey na there was nothing she could do to protect her this time.

The evidence was against her.

She even more mad at herself for messing up.

"You outed yourself to the Internet." Nanggagalaiting sabi ng daddy niya.

"We have no idea you have a girlfriend. Hindi pa malalaman ni Frank kung hindi sinabi ng assistant niya."

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Kelsey? Do you have any idea about the implication of what you did? We are the laughingstock among our friends and business colleagues. Lahat sila was eager to know the truth about that video. How can I deny it kung sa bibig mo mismo galing na may girlfriend ka? Wala ka ng ginawa kundi magdala ng gulo sa pamilya natin."  Halos mapatid ang hininga ng daddy niya dahil sa galit.

"Andy, tama na iyan." Tumayo ang mama niya.

"Tama na?" Nanlalaki ang butas ng ilong na hinarap ng daddy niya ang kanyang ina.

"Dahil sa kakakunsinti mo kay Kelsey, she's getting stupid by the minute."

Biglang tumulo ang luha ni Kelsey sa narinig.

"Akala mo hindi ko alam na binigyan mo siya ng ATM?"

Namutla ang mama niya sa narinig.

"Look at what's happening to her? She doesn't know how to honor her word, she gets into fights with her teammates, she's not doing well in school and she even has the gall to ask for a loan from me just to keep playing volleyball. To add to that, she's keeping her relationship a secret to us."

"What do you expect me to do, Dad?" Sigaw ni Kelsey.

Come up to you and say, oh yeah by the way, I have a girlfriend and I'm a lesbian? Is that what you want?" Naghahamon ang tono niya.

Mabilis na humakbang ang daddy niya papalapit at bigla siyang dinuro.

"Don't you dare talk to me like that."

His face was only a few inches away from hers.

Namumula ang mga mata sa galit at natakot si Kelsey.

Sa daming beses na pinagalitan siya nito, ngayon lang niya ito nakita na mawawalan ng control.

Masasakit ang mga salitang binitawan nito pero kung dati ay kayang indahin ni Kelsey, ngayon ay durog ang puso niya sa mga narinig.

Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari.

Kahit yung away na nangyari sa kanila ni Tessa, it wasn't even her who initiated it.

"Andy,  stop!" Sumigaw ang mama niya pero hindi natinag ang daddy niya.

Nagsalita ito ulit.

"I've had enough of your shenanigans. You'd better pack your bags. I'm shipping you off to Taiwan para magtino ka."

Hinarap ng daddy niya ang mga kapatid na natigalgal sa nangyari at walang nagawa.

Kahit ang Ate Leah niya na dapat ay laging may say sa lahat, tahimik lang.

"Wala ni isa man sa inyo na kokontra sa akin or else pati kayo, malilintikan."

Nakita ni Kelsey ang pagtaas-baba ng Adam's apple ng Kuya Frank niya.

Nagulat sa banta ng daddy niya.

Habang nakatalikod ang daddy niya, mabilis na kumilos si Kelsey.

Patakbo siyang lumapit sa pinto at pabalibag na sinara ito.

There was no way in hell na pupunta siya sa Taiwan.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon