Chapter 39: The Gonzales Family

2.7K 110 0
                                    




Friday ng gabi, lumuwas si Rachel at Kelsey papuntang Cavite.

Dahil alam niyang pagod ito sa school at volleyball practice, si Rachel ang nagdrive pauwi.

Nagvolunteer pa si Kelsey na siyang magnanavigate pero sinabi ni Rachel na kabisado niya ang daan.

"How did you learn to drive?" Inalis ni Kelsey ang tingin sa kalsada.

"Tinuruan ako ng uncle ko na jeepney driver."

"Talaga?"

"Oo. Nung una, nanonood lang ako sa kanya. Ten years old ako nung pahawakan niya sa akin ang manibela. Hindi naman ako natakot kasi katabi ko naman siya."

"Wow!"

"Eh ikaw? Kelan ka natutong magdrive?"

"I was thirteen."

"Sinong nagturo sa'yo?"

"Si Mang Carlos. Driver namin. Lagi ko kasi siyang kinukulit na turuan ako. We kept it a secret kasi baka daw mapagalitan siya ni Daddy."

"Kaskasera ka ba noon pa?"

Nagulat si Kelsey sa tanong niya.

"What do you mean kaskasera ako?"

Saglit na inalis ni Rachel ang tingin sa kalsada.

"Ang bilis mo kayang magmaneho. Para kang nakikipagkarera at ninenerbiyos ako sa'yo."

Kakamot-kamot sa batok niya si Kelsey.

"Lagi kong pinagdarasal na maging safe ka sa biyahe kasi hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa kalsada."

"Don't worry, baby. Lagi din naman akong nagdarasal eh. Kaya nga may nakasabit na rosary diyan sa rearview mirror." Tinuro ni Kelsey ang salamin.

"Kung pwede sana, huwag ka masyadong magmadali. Makakarating ka naman sa pupuntahan mo eh."

"Is that the reason why you wanted to drive tonight?"

"Hindi naman. Alam ko lang na pagod ka."

Pinatong ni Kelsey ang kamay sa hita niya.

"That's very sweet of you. Ikaw? Hindi ka ba pagod?"

"Hindi naman. Binigyan ko ng seatwork ang mga estudyante para makagawa ako ng grades at saka para hindi sila mag-ingay." Nakangiting sabi ni Rachel.

Nakatulog si Kelsey sa biyahe.

Naramdaman niya na lang na niyuyugyog siya ni Rachel sa balikat.

"Babe, nandito na tayo."

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata.

Maliwanag ang ilaw galing sa poste at nakatigil sila sa tapat ng isang two story house na brown stucco finish at orange ang tiled roof.

Spanish-style ang design ng bahay at nakaarko ang mga frame ng bintana pati pinto.

Sa entry way ay may magkatapat na malaking paso na natataniman ng evergreens.

Umunat sa pagkakaupo si Kelsey at naghikab.

"How long was I asleep?"

"Mga two hours?"

"Sorry."

"No worries. Pagod ka. If your snoring was an indication."

"Hindi ako naghihilik ha?" Nahihiyang sabi ni Kelsey.

"Hindi daw. Eh humahagok ka nga eh."

"Of course not!" Pagtanggi niya.

"Joke lang." Hinawakan siya ni Rachel sa pisngi.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon