Chapter 56: Stand Up

2.8K 94 13
                                    




Magulo ang isip ni Rachel.

Hindi sila nagkikibuan ni Kelsey.

Nagising siya na wala na ito sa tabi niya.

Pagbaba niya, may naiwang sticky note na nakadikit sa platong nakatakip sa niluto nitong scrambled egg.

Umalis na daw ito papunta sa school dahil maaga ang practice.

There was a part of her na hindi naniniwala kahit pa mula ng bumalik si Kelsey sa paglalaro eh napansin niya na sobrang excited nito.

Alam din kasi niya na umiiwas ito na mag-away sila ulit.

Tama naman si Kelsey sa sinabi nito sa kanya.

Mali si Allan sa ginawa nitong paghila sa kanya.

Baka nga kung hindi sumulpot si Kelsey ay kung ano pa ang nagawa nito sa kanya.

Galit na galit kasi ito ng malaman na sa kanya napunta ang position.

Edited version na nga ang sinabi ni Rachel kay Kelsey.

Hindi niya na binanggit dito na bago pa sila makalabas ng gate, Allan threatened na kapag nalaman daw ng mga magulang ang affair niya with Kelsey, siguradong malaking eskandalo.

Kahit alam niya na she can file a complaint against Allan, iniisip niya kung ano ang gagawin.

She knew she shouldn't delay pero nagi-ingat pa din siya.

As much as possible, gusto niyang maging low key lang ang lahat kahit pa Allan was so brazen with what he did kahapon.

Nang lumapit sa kanila ang guwardiya, lalo tuloy siyang kinabahan.

Ayaw niya ding malaman ng ibang co-teachers niya ang nangyari.

Pagtsitsismisan lang siya ng mga ito.

Katatapos lang ng last period niya before lunch ng kumatok ang assistant ni Sister Margaret.

Gusto daw siyang makausap nito.

Nagmamadaling sumunod siya sa assistant pabalik sa office.

Malapit na sila ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang matangkad na babae.

Nakasunod sa kanila si Sister Margaret.

Morena ang isa at blond at blue eyed naman ang kasama nito.

From the way the Filipina was holding the blond goddess, nasense ni Rachel na they were more than just friends.

Napansin ng blond na she was looking at them at nginitian siya nito.

Ngumiti din sa kanya si Rachel.

Humalik ang blond woman kay Sister Margaret bago ito umalis at tinawag pa itong Tita.

Rachel glanced at them as they happily went downstairs.

Pagpasok niya sa office, pinaupo siya ni Sister Margaret.

Kung siya eh kabado, nakangiti naman ito at kalmado ang itsura.

Sinabi nito sa kanya na she had an unexpected visit that morning.

Akala niya, Sister Margaret was referring to the two women who just left kaya hindi siya kumibo.

"Kelsey was here."

"Po?"

"She came with her sister, Sara. I thought it was just a random visit pero Kelsey explained the video and confirmed na nothing happened between you and her while she was a student here."

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon