Chapter 34: Under Pressure

2.6K 97 2
                                    

Isang linggo ng hindi nagkikita si Kelsey at Rachel.
Sa loob ng mga araw na yun, puro malas ang nangyayari sa kanya.
Una, natalo sila sa dalawang volleyball match.
Bagay na hindi ikinatuwa ni Coach A at ng mga teammates niya dahil it put the Valkyries at the very bottom of the standing.
Ayaw niya mang sisihin ang sarili niya, hindi niya maiwasan lalo na at siya na ang team captain ng grupo.
Tumindi ang cold treatment sa kanya ng mga kasama at minsan niyang narinig ang mga ito na nag-uusap.
Hindi daw siya dapat ang naging team captain.
Hindi din daw nila alam kung bakit siya ang napili ni Coach A na pumalit kay Tessa.
Kung tutuusin naman daw, mas maraming magaling sa kanila.
Nanlumo siya sa narinig.
Gusto niya mang maging maayos ang samahan nila, hindi madali dahil umpisa pa lang, antagonistic na sa kanya ang mga ito.
Wala na siyang ibang pwedeng sisihin dahil matagal ng nawala si Tessa.
Pero kahit wala na ito physically, ramdam pa din niya ang influence ng dating team captain.
Sabi nga ni Flo ng minsang nasa secret garden sila at nag-aaral, friends pa din ang mga ito with Tessa.
"I bet she's still making your life hell kahit wala na siya. They still hang out."
That didn't make Kelsey feel better.
Lalo niya tuloy naconfirm na walang pakialam ang mga teammates niya dahil they don't trust her leadership.

Sa work naman, sobrang busy.
Dahil hirap siyang magconcentrate, marami siyang pending orders.
Karamihan ng resibo na nakasabit sa food warmer, para sa grill station.
Tinutulungan siya ni Mam Reggie para makahabol at nahihiya siya dahil imbes na magcheck ng floors o di kaya mag-assist ito sa counter area, sa kanya ito nakatutok.
Pati si Angie, pumupunta sa station niya para tumulong.
Kahit pinipilit niyang maging rational, na normal sa operations na tumulong ang mga team members, nasasaling ang pride niya dahil she couldn't deliver what was expected of her.
Kaya naman after her shift, pagod na pagod siya.
Sa bahay niya na nababasa ang mga text messages ni Rachel.
But unlike before na natutuwa siya kapag nakikita ang mga ito, lately, naiirita siya.
Tinatanong siya ni Rachel kung kelan sila magkikita.
Imbes na maexcite, napipressure siya.
Nakatambak ang mga homework na kailangan niyang gawin.
Kailangan niya ding magreview para sa nalalapit na exams.
Pero dahil sa pagod, wala siyang gustong gawin kundi matulog at magpahinga dahil yun ang kailangan ng katawan at isip niya
Kaso, pati pagtulog, mailap sa kanya.
Walang tigil ang utak niya sa pag-iisip ng kung anu-ano.
Mostly, it was because she feared that she was screwing up. Big time.

She texted Rachel na kailangan niya ng time to focus on her studies.
"It's okay. Take your time. Nandito lang naman ako."
Nakonsensiya siya sa reply ng girlfriend.
Alam niya na she could tell Rachel everything pero may pumipigil sa kanya?
Pride?
Hindi niya kasi maamin dito na she was struggling.
Takot kasi siya na baka kung ano ang i-suggest ni Rachel.
Naisip niya, what if sabihin nito na bawasan nila ang pagkikita?
Pero hindi ba at ito na din naman ang nangyayari ngayon?
They barely have time to see each other kasi ang dami niyang dapat gawin.
Pati sa text, hindi siya makareply on time.
Unlike before na priority niya lagi si Rachel dahil ayaw niyang mag-alala ito.

She's not being totally honest with her.
Alam niya na hindi maganda for their relationship ang ginagawa niya.
Pero ayaw niyang magmukhang kawawa dito lalo na at nag-offer si Rachel ng financial help sa kanya dati.
Gusto niya kasing patunayan dito pati na sa mga magulang at kapatid niya na kaya niya.
Pero kaya pa ba niya?
Ilang beses na siyang natempt na gamitin ang ATM na binigay ng mommy niya pero pinigil niya ang sarili.
Ayaw niya kasing malaman ng daddy niya na ginawa niya ito.
Gusto niyang ipakita na she can keep her end of the deal.
Pero hanggang kelan niya paninindigan ang katigasan ng ulo niya?
Ngayon pa lang, ramdam niya na she stands to lose this battle dahil she's very exhausted.
Isa pa, bakit ba allergic siya sa paghingi ng tulong o sa pag-amin na she can't do it alone?
Tama naman ang mommy niya na hindi nakakabawas ng pagkatao if you ask for help.
So, why is she so averse to doing it?

Pagkatapos ng exams, agad na nagpaalam si Kelsey kay Flo.
Dahil wala silang practice during exam week, sosorpresahin niya si Rachel sa St. Michael's.
They still text at nagsorry naman siya dito dahil she's been very busy.
Wala naman siyang narinig na reklamo from Rachel.
Ang totoo nga, puro encouragement ang natanggap niya mula dito.
May susi naman daw siya sa apartment.
Kung kelan niya gustong pumunta, pwede.

Tumawag siya kay Mam Reggie para ibigay ang shift niya sa isang katrabaho.
Pumayag naman ito at swerte na lang din dahil pumayag na kunin ng kasama niya sa grill ang shift niya.
Excited siya na pumunta sa isang flower shop para bumili ng isang pirasong red rose.
Gusto sana niya ng isang dosena kaso nagtitipid siya.

Humaharurot na pinaandar niya ang kotse.
Inip na inip siya sa mabagal na daloy ng trapiko.
Wala siyang tigil sa pagtuktok ng steering wheel habang ang lakas ng patugtog niya ng album ng Imagine Dragons.
Whatever It Takes ang kanta at sumasabay pa siya ng pagkanta.

Nang makita niya ang street kung saan siya kakaliwa papunta sa entrance ng St. Michael's, di niya mapigil ang ngumiti.
Miss niya na si Rachel.
She cannot wait to spend time with her.

Pinarada niya ang Subaru sa gilid ng tindahan ng school supplies.
She was just in time sa uwian ng mga estudyante.
Naglalabasan na ang mga ito mula sa gate at masayang nagkikwentuhan.

Bumaba si Kelsey sa kotse at tumayo sa gilid ng passenger door para abangan ang paglabas ni Rachel.
Hangga't maaari, they agreed na hindi siya masyado pupunta sa school but she made an exception dahil she can't wait to see her.

Nang makita niya ito na papalabas ng gate, hinanda niya ang pinakamaganda niyang ngiti.
Pero ng makita niya kung sino ang kasama nitong naglalakad, biglang nabura ang ngiti sa labi niya.

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon