Dilat na dilat si Rachel habang nakatitig sa anino ng bintana sa dingding.Matagal ng nakatulog si Kelsey.
Hindi niya alam kung paano nito namanage na dalawin ng antok kahit nahaharap sa malaking problema lalo na ngayon na nagpasya itong umalis ng tuluyan sa poder ng daddy niya.
Kung siya ay parang nakainom ng ilang tasa ng kape na hinaluan ng energy drink, naghihilik pa si Kelsey habang natutulog.
Bago dumating si Kelsey sa apartment, gusto sana niyang sabihin dito ang nangyari sa eskuwelahan.
Pero ng makita niya na bagsak ang balikat nito na animo'y pasan ang daigdig, tumahimik na lang siya.
Habang nakaupo sila sa sala, kinuwento ni Kelsey ang nangyari sa bahay nila.
Hindi din siya makapaniwala sa mga narinig.
"Anong ibig sabihin ng daddy mo na he can help fix your problem?"
"I think he was going to send me to conversation therapy."
"What?" Napamulagat siya.
May nabasa siyang article tungkol dito dati.
She couldn't believe na legal ito sa ilang states sa America.
May napanood pa nga siyang movie tungkol dito.
The Miseducation Of Cameron Post ang title.
Nakita niya ang DVD ng minsang pumunta siya sa Divisoria.
"You don't think he was going to do that, right?"
Tiningnan siya ni Kelsey na akala mo ay tinubuan siya bigla ng sungay.
"I know my dad. Gagawin niya ang lahat para tumino ako."
Hinawakan niya si Kelsey sa braso.
"I'm sorry."
"You don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan."
"Anong balak mong gawin ngayon?"
Bumuntong hininga si Kelsey.
"I have to keep my scholarship to stay at MU. That's the only way I can afford the tuition."
"What about your other expenses?"
"I have to look for a job again."
"Pwede naman kitang tulungan. Wala naman akong pinagkakagastusan."
"Rach, ayokong maging pabigat sa'yo."
"Para ano pa at naging tayo kung hindi kita tutulungan?"
"Sa totoo lang, nahihiya ako sa'yo. Pinapatuloy mo na nga ako sa apartment mo tapos ngayon, palamunin mo pa ako."
"Huwag mong sabihin iyan." Kinuha niya ang mga kamay ni Kelsey at pinisil.
"Di ba sa relationship, dapat nagtutulungan ang dalawang tao?"
"I know. But this was not how I imagined our life to be."
"Ano bang akala mo na mangyayari satin?"
"Before this happened, what I really want was to make you happy. Akala ko, I could take you out on dates or buy you gifts whenever I feel like it. But now, look at what's happening. I've been kicked out of my home and I can't go back there dahil Dad doesn't want anything to do with me. In an instant, nagbago ang lahat."
"Nagsisisi ka ba?"
"No."
"But?"
"But what?"
"But if it was up to you, gusto mo happy lang lagi. Walang problema. Lahat masaya."
"That's the ideal."
"Well, that's not real life. Ang totoong buhay, magulo, stressful, maraming pagsubok. Pero kahit ganun, di mo dapat kalimutan ang maging masaya. Hindi naman lagi puro problema na lang. Ang sabi nga, the sun will shine after the rain. This is just test, Kelsey. Hayaan mo, kapag nalampasan mo ang pagsubok na 'to, you will come out a better person."
"What if I don't become better? What if maging bitter ako or mapuno ng hatred ang puso ko dahil sa ginawa ni Daddy?"
"It's your choice. Buhay mo iyan. Ikaw ang driver so ikaw ang magpapasya kung saang direksiyon mo gustong dalhin ang buhay mo."
"I'm not used to this." Pag-amin ni Kelsey.
"Nangangapa ako, Rach. Isa pa, there's this part of me na natatakot. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang buhay ko."
"I'm here with you. Hindi kita hahayaang mag-isa."
Hinilig ni Kelsey ang ulo sa balikat ni Rachel.
Naramdaman niyang umangat ang braso nito at niyakap siya.
"We're in this together, babe."
Pero ng gabing iyon, hindi maiwasan ni Rachel ang agam-agam sa isip niya.
Paano kung tanggalin siya sa St. Michael's dahil sa video?
Anong gagawin niya?
Sinadya niyang hindi sabihin kay Kelsey ang sarili niyang problema dahil ayaw niyang dagdagan ang iniisip nito.
Siya mismo ang kumain sa sinabi niya na dapat hindi sila naglilihim sa isa't-isa.
Sasabihin din naman niya pero humahanap siya ng tiyempo.
Alam na ni Robbie ang lahat.
Nang makita siya nito sa faculty room na nakatulala habang nasa harapan niya ang mga test papers na tsinitsekan, hindi niya natiis na magtapat sa kaibigan.
Pagkatapos niyang magkwento, nanggagalaiti si Robbie.
Lumabas ang pagiging macho nito dahil kapag nalaman niya daw kung sino ang may pakana na magsumbong kay Sister Margaret, siguradong mabubugbog niya.
Kahit nag-aalala, napatawa si Rachel sa sinabi ni Robbie.
"Sa palagay mo, alam din kaya ng ibang co-teacher natin ang tungkol sa video?" Pabulong na tanong niya.
"Wala namang nagbabanggit."
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko."Pag-amin niya.
"Cool ka lang, Mare." Payo nito.
"Huwag mong ipahalata na merong issue kasi alam mo naman ang mga co-teachers natin, mahilig sa tsismis. Kapag nalaman ng mga iyan, naku! Siguradong pagpipiyestahan nila ang lahat."
Pilit na pinatatatag ni Rachel ang kalooban niya.
Kailangan niyang maging malakas lalo na ngayon na kailangan siya ni Kelsey.
Alam niyang kailangan niyang sabihin dito ang totoo.
Ang tanong nga lang, kailan siya magkakaroon ng pagkakataon para magsabi dito?
Huminga siya ng malalim at nagkrus.
Pinikit ni Rachel ang mga mata at tahimik na nagdasal.
Kailangan niya ngayon ang patnubay ng Diyos at lahat ng santo.
BINABASA MO ANG
She's Dating The Teacher
RomanceAfter graduating from high school, Kelsey Chan, the former star player of the St. Michael's Archangels volleyball team, pursued her adviser, Rachel Gonzales. Determined to prove that they can have a relationship despite their age difference, she soo...