Chapter 47: Hiding

2.5K 91 1
                                    




Habang hinahanap ni Rachel at Sara si Kelsey, she was sitting by the pool sa bahay ni Florence at pinagmamasdan ang sinag ng araw na tumatama sa tubig.

"Hey." Umupo si Flo sa katabing lounge chair at pinatong ang brown bag from Mary's at drink tray na may lamang dalawang large Coke.

Mula ng tumakas siya sa bahay nila, kay Florence siya pumunta to ask for help.

Pagkasabi niya dito ng nangyari, maluwang na binuksan ni Florence ang pinto ng tahanan niya para kay Kelsey.

"Wala naman si Mommy at Daddy dahil they're always out of the country so stay as long as you like."

Pinahanda pa niya ang spare room sa katulong para meron akong matulugan.

Florence kept her updated sa nangyayari sa klase pati na din sa latest gossip about her video that went viral.

"Hot topic lang siya for about one or two days but after that, nakapagmove on na din ang mga rumormongers."

Kinagat ni Flo ang dulo ng ketsup.

"By the way, Kels, Rachel and your sister was looking for you."

Akmang kakagat si Kelsey sa burger pero natigilan ng marinig ang sinabi ni Flo.

"Did you talk to them?"

"No. Nakita ko sila na kausap si Coach A. From the looks on their faces, I assumed na hinahanap ka nila."

"Did Rachel see you?"

Umiling si Flo.

"I hid behind the building when I saw them."

Pinatong ni Kelsey ang burger sa upuan.

Nawalan na siya ng gana.

"I know you're scared but you can't hide from your problems." Seryosong sabi ni Flo.

"Sabihin mo lang sakin if you're kicking me out." Galit na sabi ni Kelsey.

"Dude, I'm not kicking you out. I'm your friend. Gusto ko lang malaman how you plan to deal with this situation. I'm sure worried si Rachel at ang kapatid mo. It's not fair to them na hindi mo man lang sila kinakausap."

"For what? I ruined Rachel with what I did. Kapag nalaman ng administration na we have a relationship she could lose her job."

"That's a possibility pero do you think it's helping na you're hiding? Gusto mo bang lalo siyang mag-alala now that she knew you ran away? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Of course I do."

"Eh anong ginagawa mo?"
Natahimik si Kelsey.

"I think you avoid when faced with challenges but this time, it's not going to help kung magtatago ka. You can't solve your problems by denying it exists. You have to face the consequences of your actions no matter how ugly it is." Kumagat si Flo sa cheeseburger habang malalim na nag-iisip si Kelsey.

Tama naman ang kaibigan niya.

Mula ng dumating siya dito, iniisip niya din naman ang gagawin.

But everytime she wants to text Rachel, nagbabago ang isip niya.

Wala siyang mukhang maiharap dito.

Not only did she put her career at risk, hinalikan din niya si Angie.

Nasaan na ang pangako niya na wala itong dapat pagselosan?

That she could trust her to be faithful?

Tama nga kaya ang daddy niya na she doesn't know how to honor her words?

Natatakot din siya kapag naiisip na baka matanggal si Rachel sa trabaho.

Kasalanan niya ang nangyari at hindi niya alam kung paano malulutas ang problemang ginawa niya.

Nagpatong-patong na ang lahat mula sa pagkakasuspindi niya hanggang sa lumayas siya sa bahay nila.

Si Ate Sara niya lang ang nagtext at tumawag sa kanya.

Lalong sumama ang loob niya kasi walang text galing kay Rachel pero masisisi niya ba ito?

Gumawa siya ng kalokohan.

Siya ang dapat lumapit dito para makipag-ayos at hindi ang nagmumukmok siya sa bahay nina Florence.

Tumayo si Kelsey.

"Aalis muna ako." Sabi niya sa kaibigan na nilalantakan naman ang French Fries.

"Where are you going?" Sinawsaw ni Flo ang strips sa ketchup.

"I'm going to try and solve this problem."

She's Dating The TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon