chapter 5
"ok class may bago tayong project.. dito sa project nato papasok ang creativity niyo.. blah.. blah.. blah.."
ang dal dal talaga ng mga teacher noh?! bagong project nanaman.. hay naku..
matapos ang klase namin dumiretso ako sa locker ko para ilagay ang iba kong gamit ng biglang.....
"aray!! ano ba?!" pinulot ko ang mga gamit ko na nalaglag dahil sa pagkakabangga ko.. tiningnan ko kung sino ang bumangga sakin...
"i-ikaw??!!!"
"oo ako nga.. paharang harang ka kasi sa daan" nagsmirk siya
"anong harang?! ang laki ng space na pwede mong daanan oh!" inis na tinuro ko ang malaking space na pwede niyang daanan
"gusto kong dumaan dito sa gilid. may magagawa ka ba?" nagsmirk ulit siya at naglakad na palayo.. ako naman ay dumiretso na sa locker ko para ilagay ang iba kong gamit at pagkatapos ay pumunta na ako sa classroom ko..
"oi be. ok ka lang?" tanong sa akin ni wena
ikwinento ko sa kanila ang nangyari simula sa mall kung saan ko unang nakita ang lalaking yun..
"ano naman ginagawa nun dito sa girls building?" ~ mae
"ewan ko at wala akong pakialam pero alam niyo mukhang pamilyar ang lalaking yun hindi ko nga lang talaga matandaan kung saan"
natigil kami sa pagkekwentuhan ng biglang dumating si ma'am...
"class.. this coming week magkakaroon tayo ng educational tour with the class As sa Davao"
napa wow naman kami syempre Davao yun at isa pa kasama ang class A!! Makakasama ko si Bryan!!
"but before tayo pumunta doon mag aarange ako ng partners dapat may buddies kayo.. kung sino magiging buddy partner niyo yun ang makakasama at makakatulong niyo sa mga activites na gagawin natin sa Davao pero ang magiging partner niyo ay hindi niyo classmate kundi ang boys class A"
boys class A?!! waaahhhh!!!! excited na ako!!! sana si Bryan ang maka partner ko!!!
"bukas ko sasabihin sa inyo kung sino ang magiging partner niyo dahil kailangan ko pang makipagusap sa mga head departments ng kabilang building.. and this educational tour will last for a week so let your parents know about this understand?"
"yes ma'am" sagot naming lahat
umalis na din naman si ma'am after sabihin ang tungkol sa tour.. agad naman itong napag-usapan ng klase..
"sino naman kaya ang makakapartner ko?" tanong agad ni gina
"mabuti pa yung isa diyan hindi namomroblema" alam ko ako ang tinutukoy ni wena dahil nasa class A si Bryan..
matapos ang trending topic na yun agad na kaming nagalisan sa room..
"hon!!"
bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Bryan..
"oh hon. inannounce sa klase kanina na magkakaroon daw ng educational tour sa Davao at class A ang partner." nakangiti kong sabi sakanya
"oo nga eh.. kaso hindi naman ako pwede sa partner partner na yan ng klase"
biglang nawala ang kanina'y malapad kong ngiti
"ha? bakit?"
"isinama kasi nila ako sa organization stuff.. hindi naman ako makatanggi"

BINABASA MO ANG
the more you hate.. the more you love (HIATUS)
Teen Fiction(HIATUS) sorry.. need ko po munang mag stop sa pag update.. nagugulo ang utak ko eh.. sensya na talaga..