chapter 6

98 5 0
                                    

chapter 6

"baby girl bilisan mo na baka maiwan ka ng bus!!"

"opo wait lang! pababa na rin ako kuya"

hinatid ako nila kuya sa school.. ngayon na ang araw ng tour namin.. ang araw ng kalbaryo ko..

"pumasok na kayo sa loob ng bus! bilisan niyo double time! double time!"

narinig ko na ang boses ni ma'am.. kaya agad akong nagpaalam kila kuya at umakyat na sa loob ng bus.. nakita ko kaagad ang girlfriends.. ano ba yan isa na lang ang natitirang upuan.. paano yan? no choice tatabi ako sa kung sino mang lalaki yun.. mabuti na lang magkalinya lang ang upuan ko sa girlfriends atleast hindi oa rin kami nagkakalayo di ba?

hinanap ko sa loob ng bus si Bryan pero wala siya.. kaya agad ko siyang tinext

[ttuuutttt!!] beep once yan.. pasensya na hindi talaga ako magaling sa mga sound effects na yan hehe..

binasa ko ang message

from: honeyquo :-)

nasa bus 1 po ako hon kasama ang ibang stuffs at teachers

hindi na ako nagreply kainis eh!

"aarrggghhhh!!!! bakit pa kasi isinama siya sa stuff stuff na yun?! kainis! kainis!"

"ano ba?! hindi mo ba nakikitang may natutulog dito?! damn! your noisy!!" inayos niya ang shades niya at naglagay ng earphones sa tenga..

sabi ko na nga ba.. demonyo ang katabi ko eh! may pa shades shades pang nalalaman! bwisit!!

nagsimula ng umandar ang bus.. akala ko bus lang ang sasakyan namin pero hindi pala.. sasakay pa kami sa barko!!

nang makasakay kami sa barko agad kong hinanap si Bryan pero hindi ko siya makita.. hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa deck ng barko.. ang tahimik naman dito ang sarap ng hangin siguradong makakapagrelax ka at walang tao nasa likod na part kasi ako ng barko.. breath in.. breath out.. fresh ang hangin :-)

"oh look whose here.. the bitch girl is alone!" nagtawanan ang tatlong babae.. leche! sila nanaman!!

"wala ako sa mood makipag away sa inyo. excuse me"

aalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang buhok ko..

"ito?! ito bang buhok na to ang ipinagmamalaki mo?! paano kaya kapag kinalbo kita aangat ka pa kaya?! isang hamak na class B ka lang! wala kang pwedeng ipagmalaki!"

"b-bitiwan niyo ako.."

hindi ako makaganti dahil hawak ng dalawang babae ang mga kamay ko.. hinigpitan niya ang hawak sa buhok ko at hinila niya ulit bigla.. naiyak ako sa sobrang sakit.. pinagtulungan nila akong tatl.sinusubukan kong gumanti pero hindi ko talaga kaya.. sumasakit na ang ulo ko.. pakiramdam ko malapit ng matanggal lahat ng buhok ko..

"t-tulong!!! tulong!!!" pilit akong sumisigaw natigil lang ako sa pagsigaw ng bigla niya ulit akong hinila pero sa buhok ko pa rin siya nakahawak "aray!!"

"walang makakarinig sayo dito! lahat sila nasa kabilang side ng barko.. no one will notice that there's someone in here"

"t-tama na.." pagmamakaawa ko sa kanila.. pero mukhang wala silang balak pakinggan ang mga sinasabi ko..

hindi ko na kaya.. masyado ng masakit ang ulo ko.. nanghihina na ako.. bigla nila akong itinulak at sa lakas ng pagkakatulak nila naout balance ako buti na lang nakakapit ako kung hindi malalaglag ako sa dagat..

"hindi ka na namin itutulak.. alam ko namang hindi mo na kaya pang kumapit ng matagal sa bakal na yan.." tumawa sialng tatlo "have a splashy landing. bye!" umalis na ang tatlo..

tama sila kapag bumitaw ako sa bakal na to malalaglag ako sa dagat at kapag nalaglag ako malulunod ako dahil hindi ako marunong lumangoy at kapag nalunod ako.. *gulp* mamamatay ako.. «('o')» nooooooooo!!!!!!!!

"tulong!!! tulong!!!!"

buong lakas kong sigaw.. no. ayoko. ayoko pang mamatay.. please.. umiiyak na ako ng sobra.. mejo blurred na ang nakikita ko.. hindi ko na kaya.. maybe this is it.. my story ends here..

"b-bryan" after that my hands loosen the grip on the metal bar..

-----------

cut ulit.. ^_^

mag aupdate din ako agad don't worry

the more you hate..  the more you love  (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon